10th Story

49 0 0
                                    


"Countdown"

---

“Are you excited?” I asked him. Tumingin ako sa kanya kaya nagtama ang aming paningin.

“Maybe, I am. Or maybe I'm not.” sagot niya. His voice is so low. Parang bulong na nga iyon.

“Silly. You should be excited. It's your big day tomorrow.” bahagya akong tumawa just to ease the feeling.

“Sa tingin mo kung hindi ako umalis noon, tayo pa rin kaya?” tanong niya.

Napatanong din ako sa sarili ko. What if hindi siya umalis noon? What if pinigilan ko siya?

“Strong tayo noon siguro... Siguro kung hindi ka umalis, maybe we had already settled our life together.” he bitterly smiled.

I cannot say na I regret na hinayaan ko siyang umalis noon. It was his dream una pa lang at mahal ko siya, I want him to pursue his dream over me.

“I don't want to go in the first place. Ayokong iwan ka pero dahil ikaw nagsabi, umalis ako.” napangiti ako. He really listens to me. Hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng ganung lalaki. No one can replace him.

Humarap ako sa kanya at tiningnan siya ng matagal. If this is the last time, gusto ko ng sulitin.

“I'm sorry.” napatingin din siya sa akin at napakagat ng labi. Probably, he is trying his best to stop his tears from falling. “Alam kong nagpromise ako noong umalis ka na kahit mahirap ang magiging sitwasyon natin ay bibigyan pa rin kita ng time. You are so far from me and I failed to give you the time that you needed from me.” I added.

I blinked and a tear escaped my eye. Tumingin ako sa ibang direksyon para punasan ang aking luha.

“No, you don't have to say sorry. Ako ang nagkamali. You just let me achieve my dreams and I thank you for that. Naging unfair lang ako sa iyo kasi hindi kita inintindi at naghanap ako ng atensyon sa iba. Binalewala ko yung sakripisyo mo para sa akin. I'm sorry.”

Hindi na ako nagsalita. Matagal na kitang napatawad. Mahal pa rin kita pero hindi na pwede. Our story is about to close.

“You won't look for someone else kung naging enough ako para sa'yo.” wika ko.

“You are more than enough, Stella.” he replied.

I answered him with a smile. I will miss him so much, but I am happy kasi finally he found someone who will take good care of him in sickness and in health.

“Promise me you'll gonna take good care of her.” sabi ko.

“I will. She has been with me through my ups and downs lalo na noong kailangan ko ng masasandalan. She saw me both in my best and in my worst.” aniya.

Ako dapat yun eh. Sakin dapat siya. Kami dapat ang ikakasal bukas.

Niyakap ko siya. Sobrang higpit ng pagkakayakap ko at kung pwede lang na huwag ko na siyang pakawalan. Kung pwede lang ako maging selfish kasi akin naman talaga siya mula una.

Gusto ko siyang ipagdamot, but again ako na naman ang magsasakripisyo tulad noong hinayaan ko siyang umalis. The moment she fell in love with another woman, alam kong talo na ako.

Kung doon siya magiging masaya, I am willing to let him go. And that's what I am doing now.

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Pareho kaming napatawa ng mahina at napapunas ng mga luha namin.

“Zach, countdown tayo. For the last time bago kita tuluyang pakawalan. At gusto ko pagdating natin sa 1, tatalikod ka na sa akin tapos maglalakad ka na papalayo. Please huwag kang lilingon at baka magbago isip ko.” napatawa ako sa huling sinabi ko.

Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya.

“10” I started counting. Sa bawat labas ng numero sa aking bibig ay parang sinasaksak ang puso ko ng paulit-ulit.

“9”

“8”

“7” sinasabayan niya ako sa pagbilang. His voice is so low.

“6”

“5”

Parang ilog na kung umagos ang aking mga luha. I can feel my knees shaking at pati labi ko ay nanginginig.

“4”

“3”

Umiwas ako ng tingin sabay kagat sa labi ko. He is crying also at gusto kong sabihin na itigil na lang ang pagbibilang pero hindi pwede. I need to let him go. We needed to let each other go.

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Shit!

“2”

“1”

Tumingin ako sa kanya at pinilit na ngumiti.

“Z-zach, turn around and walk away please. I'm... I'm letting you go.” my voice broke upon saying the last word. Nanghihina ako sobra.

He stared at me for a while. Hindi ko alam kung bakit. Please, tumalikod ka na habang kaya ko pa.

Tumalikod na siya at nagsimulang dahan-dahan na humakbang papalayo sa akin.

Napapikit ako at umiyak. I covered my mouth para hindi niya marinig ang paghikbi ko.

I guess that's it. We are finally free. Ikakasal na siya bukas sa babaeng nandyan sa tabi niya noong ako dapat ang nandun. She made Zach happy and she stayed by his side.

“I love you. I always wish for your genuine happiness, my love.”

One-Shot Stories (Compilation) Where stories live. Discover now