8th Story

71 1 0
                                    


"Expectations vs. Reality"

---

"Ate, alam mo ba yung news na may nagpakamatay daw na College Student dahil sa modules? Late na kasi siyang nakapase eh kaya hindi na tinanggap submission niya." Sabi sa akin ng aking kapatid habang sama-sama kaming kumakain sa hapag-kainan.

"Grabe na talaga itong online class, ang daming nadedepress at nastress dahil sa dami ng gawain. Mas stress pa ata ako ngayong online class kaysa sa noong face to face eh." Komento ng isa ko pang kapatid.

It's been a month since nagstart na ang online class. Noong una, yun ang isang bagay na nilo-look forward ko. New normal, new mode of learning. As a teen, iniisip ko paano kaya maeexcute ang new mode of learning na ito ngayong bawal lumabas ng bahay at pinapatupad ang pag-aaral online? I am very excited not until first day of school. Sobrang daming gawain. Imagine, first day of class pa lang, pero bawat subject 3-5 assignments na. Tapos ang deadline is end of the week, paano namin yun gagawin ng hindi nage-exceed sa deadline?

"Kung stress ka, bakit kailangan talagang magpakamatay diba? It's better to tell and talk to someone rather than ending your life just because you are having a hard time sa studies. Hardship is part of learning. Hindi maari na ibigay na kaagad ang sagot sayo, kailangan mo munang paghirapan at matutunan." Pangangatwiran ni mama.

"Pero ma, paano pag hindi na talaga nila kinakaya? What if they are afraid of disappointments? Lalo na sa mga scholars, katulad ni ate." Napatingin sa akin ang aking kapatid kaya ngumiti ako. Ng pilit.

Yes, I am a scholar. Since elementary scholar na ako. I am very happy because I got the chance to give pride and honor to my parents and recognize all their sacrifices for me. Also, nakakaramdam ako ng tuwa lalo na pag sinasabi nila na sobrang proud nila sa akin. They have a lot of expectations at ayaw ko silang idisappoint.

"Scholar ka, it means matalino ka at kapag matalino ka maiisip mo bang magpakamatay dahil lang sa madaming gawain at tambak na modules?" Sagot ni mama which is ikinatahimik naming lahat. Nanatili akong nakayuko at pinipilit na kumain.

"Crizza." Napatingin ako kay mama dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko. "Kamusta pala ang exams mo? Nandyan na ba ang results? Remember, Crizza 3 mistakes only. Bawal ng magexceed lalo na pag gusto mong manatili ang scholarship mo sayo." Dugtong pa ni mama.

Tumango ako.

"Wala pa naman yung results, ma." Wika ko. Nagpatuloy lamang kami sa pagkain hanggang sa mas lumalim ang gabi at nagdesisyon na kaming matulog. Pero hindi, sila lang yung matutulog kasi may kailangan pa akong tapusin na Performance Task, pasahan na kasi bukas. Tapos sasagot pa ako ng isang module. I guess 3am na naman ako matutulog at gigising ng 7am para sumagot na naman ng modules.

Around 1 am at busy pa din ako sa pagsusulat ng sagot sa yellow pad ng biglang tumunog ang gc ng section namin. Shet! Andito na yung result ng exams namin sa Math. Kinakabahan ako, yun pa naman ang pinakamahirap na exam namin. Sana 3 mistakes lang huhuhuhu.

Dahan-dahan kong pinindot ang gc at binuksan ang file na sinend ng teacher namin. At tumulo ang aking mga luha sa aking nakita.

40/50. Yan ang nakalagay na score sa tabi ng pangalan ko kaya iyan din ang aking score. 10 mistakes, hindi pwede. Magagalit si mama.

Muling tumunog ang gc namin. Nagtatanong sila kung nasagutan daw ba namin yung napost kanina sa English. Huh? May napost? Bakit hindi ko alam? At nagsend siya ng names ng hindi  nakagawa at automatic wala ng score. Nandun ang name ko. Siguro hindi ko napansin na may dapat sagutan dahil buong araw gumagawa lang ako ng Performance Task.

Agad ko ng pinatay ang phone ko at niyakap ang unan as tears started to escape my eyes. Bakit ganun? God knows how I work hard for my scores. Nageeffort ako at ni hindi na ako natutulog, matapos lang ang mga modules at projects pero ito lang ang feedback at scores na matatanggap ko? Honestly, hindi ko na alam. Scholar ako, pero bakit pakiramdam ko sobrang bobo na ako? Pakiramdam ko hindi pa din enough lahat ng ginagawa ko. Pagod na pagod na ako at gusto ko na sumuko pero ayoko lang madisappoint sina mama at papa. Pero ngayon... Pakiramdam ko nadidisappoint ko na sila. Hindi ko na kaya.

Napatingin ako sa side table kung saan nakalagay ang isang bote ng gamot. With my hands shaking and am still crying, kinuha ko ito. Kumuha ako ng sampung piraso ng gamot.

Mama, Papa, at sa mga kapatid ko, mahal na mahal ko kayo. I'm sorry I disappoint you. Ginawa ko naman lahat eh. It's just that hindi ko na kaya. Hindi ko na kinakaya. I wanna tell you how depress I am and how stress I am sa online class at modules na ito pero ayaw ko na maging pabigat sa inyo. Don't worry, wala na kayong aalalahanin.

Akmang iinumin ko na ang mga gamot ng biglang lumiwanag dulot ng pagbukas ng pintuan ng aking kwarto at agad na tumakbo sa akin si Papa dahilan para masagi niya ang gamot at matapon ang mga ito sa sahig. Niyakap niya ako habang patuloy ako sa pagiyak sa bisig niya. Nakatayo sa may pintuan si Mama at umiiyak din.

"Wag, Crizza. Ano ba ang ginagawa mo anak?" Ani Papa. Iyak lang ako ng iyak. "Mali yan. Andito kami, pwede mo kaming kausapin okay? Tutulungan ka namin shhhh." Dagdag pa ni Papa.

---

Madami ang naapektuhan ng virus na nangyayari sa mundo ngayon. Madami ang mga ginagawa natin noon na hindi na natin magawa ngayon kasi kailangan nating magingat. Hindi na rin tayo makapag-aral sa paaralan kaya tiis muna sa online class at modules. Nakakastress, mahirap, at nakakapagod kaysa sa face to face classes pero wala tayong magagawa. Wala tayong choice. I can describe teens, especially students and teachers now as voiceless. Sinasabi natin na nahihirapan na tayo sa modules, online class, at sinusulong natin ang Academic Freeze pero hindi nacoconsider ang ating mga opinyon. At habang walang academic freeze na nangyayari, kailangan lang nating sumunod. To all students out there who are struggling because of their modules or projects, ang masasabi ko lang wag masyadong ipressure ang sarili na dapat sa isang araw matapos mo ang lahat ng dapat sagutan. One at a time lang. By process, pag nasimulan mo ng sagutan ang isa, nababawasan na yung mga dapat mo pang gawin. Wag magpapakapagod and give yourself a time to rest. Yes, kailangan magpasa pero mas importante yung kalusugan mo. Goodluck! Fighting! You can do it! ❤️

One-Shot Stories (Compilation) Where stories live. Discover now