Chapter 37- Let's Break-Up

307 16 0
                                        

    Mich's POV

                         Ok na si Ate ngayon. Pinabyaan ko muna siyang umalis. Alam ko namang nabobored yun. 2 weeks na siyang hindi lumalabas eh. Buhat ng nangyari sakanya yun. Totoo lahat ng sinabi ko kay Andrica nun. Tumawag kasi yung Mama niya at nalulugi nanaman daw sila sa business , kaya ayun sakin niya sinabi kung pwedeng umutang daw muna sila ng kahit limang million muna. Pwede sana kaso , naalala ko yung nangyari na ginawa ni Andrica kay Ate. Kaya ayun, i've decided na hindi muna pwede. Ayoko sabi ko skanaya. Pinipilit niya ako, kaso pakialam ko kung maghihirap na sila. Hindi ko naman sila kaano-ano eh.

--

Alex's POV

                     Nakita ko si Ian mag-isa nasa grocery shop. Nagpunta kasi ako dun para bumili ng pagkain namin ng barkada. Pupunta kasi sila sa bahay para mag movie marathon. Nakita niya din ako at niyakap niya ako, kaso agad kong inalis yung pagkayakap niya.

" Kamusta kana ? " tanong niya sakin habang tinitignan ako sa mata. Iniwas ko agad ang mata ko sakanya at nagsimula ng naglakad at namili pa ng mga pagkain.

" Ok lang naman ako " sagot ko habang sumusunod siya sakin sa likod.

" Namiss kita " kasabay nun binack hug niya ako kaso inalis ko ulit.

" Hindi ka naniwala sa video " sabi ko sakanya.

" Hindi niya ginawa iyon " sagoto niya.

Napa tigil ako.

" Kanino kaba maniniwala ? Sa mga barkada mo o sakanya ? " tanong ko.

" Childhood friend ko siya. Mas una ko siyang nakilala kaysa sa inyo. Mas naging close ko siya. Mas una ko siyang naging kaibigan " sagot niya.

" Kaso umalis siya. Tapos ngayon bumalik na. Alam mo ba Ian ang mga umaalis at bumabalik sa'yo ay kusang nagbabago ng hindi mo alam ? Malay mo bang niloloko ka lang nila. Siguro hindi mo alam iyon, kasi nasanay kana sa ugali niyang iyon. Malay mo ibinabalik niya lang lahat-lahat Ian. Wala kang kasiguraduhan kung ano bang gagwin niya sa buhay mo. Ang alam mo hindi pa siya nagbago, pero nagbago na siya. Ang akala mo mabait pa siya, kaso hindi na din. Lahat naman Ian pag babalik ang isang tao, puro akala ang iniisip mo. Akala mo ganun pa din siya tulad ng dati. Ikaw ba Ian tanungin ko sa'yo alam mo ba kung saan sila nanggaling ? Alam mo ba ? " tanong ko sakanya.

Hindi siya naka salita. At itinuloy kona.

" Kung childhood friend mo siya, dapat kilala mo siya simula't sa una pa. Ian, hindi naman masakit yung hindi kana bumibisita sakin nung nasa hospital ako pagkatapos ng nangyari. Hindi din masakit sakin yung mas uunahin mo pa yung childhood friend mo kaysa sakin na bilang girlfriend mo. Alam mo yung masakit ? Yung tipong nagbubulag-bulagan ka sa katotohanan na hindi mo pinaniwala ang barkada natin sa video na iyon. Dahil ba ang akala mo inedit yun ? Come on Ian ! Alam mong may CCTV camera sa loob ng bahay diba ? Kahit saan mang lupalop ng sulok, meron at merong nakalagay "

Nakayuko lang siya sa harap ko.

" Let' Break-up " sabi ko sakanya sabay umangat naman ang ulo niya.

" A-alex ? " sabi niya.

Ngumiti ako.

" Seryoso ako sa desisyon ko Ian. Ayoko na. Puro ka childhood friend mo. Oo alam kong matagal mo na siyang hindi nakikita, pero sana naman maramdaman mo na andito pa kami. Sana naman naalala mo yung mga bagay na mga pinagsamahan nating lahat. Kailan ka pa ba namin niloko ? Sige na, sagutin mo nga yung tanong na iyon. Sa buhay mo ba, simula ng dumating kami, may naaalala ka ba ? Simula ng nagbati-bati tayong lahat, may naalala ka bang pangyayari sa buhay mo na kung saan niloko ka namin ? Diba wala ? Thank you and Sorry Ian. I guess this is the last time na magkikita tayo. Sana maging masaya ka sa desisyon mo na siya ang pinili mo at hindi kami. " pagkatapos nun ay pumunta na ako sa counter area at umalis na ako. Hindi ako umiyak o walang luha ni isang patak ang tumulo. Dapat lang na gawin ko iyon. Dapat lang.

--

Mich's POV

                       Nalaman na namin yung ginawa ni Ate. Maybe tama nga naman iyon. Inanounce ko ulit sa buong High Sky University ang naging desisyon naming lahat. Lahat naman sila nag agree.

--

Ian's POV

                    Nandito na ako ngayon sa school. Kasama ko si Andrica. Hindi niya alam kung ano ang nangyari saamin ni Alex. Gulong-gulo na ako. Hindi kona alam ang gagawin ko. Nakita ko silang lahat, completo. Hindi naman na ako parte ng barkada nila. Ang saya-saya nilang lahat. Bali kapartner ni Alex ngayon si Ark. Dahil alam naman nating lahat na love triangle sila nila Mich at Kyle. Sana nga tama ang desisyon ko. Sana nga.

The Clash Had StartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon