Chapt. 17- I'm Sorry

345 18 0
                                        

Alex’s POV

                   

 

Nandito kami ngayon sa garden namin. Kung saan nandito din ang barkada. Hindi muna namin kasama sila Sandra. Hinayaan na muna namin sila na hanapin kung ano ang tama at mali at kung sino ang paniniwalaan nila.

“ hi guys ! “

“ Yey ! party party na ! “

“ Whhoooo ! “

“ Nakakamiss yung ganito !! “

“ Kaya nga !! “

Mga sigawan ng lahat.

“ Ma’am may bisita po kayo “ sabi ni Ate Rose

Nakita namin si Denver na papalapit samin. Ng katinginan naman kami nila Mich , Ian , Ark , Yna , Nathan , Gelo at Bea. Medyo galit yung tingin nila kay Denver. “ Stranger Alert “ parang ganyan yung sinasabi ng bawat mata namin.

“ Una sa lahat Sorry “

Napa tingin kaming lahat sa kanya. Anong nakain niya ?

“ Sorry kasi muntikan ko ng nasira ang relationship ni Sandra at Marc “ sabi niya

“ Ano ?! ginawa mo yun ?! “

“ Hayop ka !! “

“ Walanghiya ka din noh !! “

“ Ang kapal ng mukha mo !! “

Yan ang mga sinabi ng boys kay Denver. Susugod na sana sila ng sabay-sabay kaso inawat sila ni Ian , Nathan at Ark.

“ Walang mapupuntahan ang pag-aaway niyo kung magbabasagan lang kayo ng mga bungo niyo dito “ sabi ni Mich

Yah. Tama nga naman yung kapatid ko.

“ I’m sorry “ yan na lang ang sinambit ni Denver samin

Lumapit sakanya si Mac.

“ Ok lang. Naiintindihan kita. Kung mahal mo naman kasi ang isang tao , gagawin mo ang lahat-lahat para lang makuha mo siya. Sana may natutunan ka ngayon Denver. At alam kong darating din yung araw na makikilala mo din yung babae para sa’yo “ sabi ni Mac at Niyakap naman agad ni Denver si Mac.

Ang bait talaga ni Mac. Swerte talaga si Sandra sakanya. Niyaya muna namin si Denver dito para maki enjoy saming lahat. At para mas makilala niya kaming lahat. Babalik daw siya dito. After 6 months may aayusin muna daw siya. Then babalik dito para na rin daw makasama niya kaming lahat.  

Ng biglang lumitaw si Sandra na ikinagulat ng lahat kasama si Angel at Mika. Alam din ng mga boys ang nangyari nun.

“ I’m sorry “ sabi ni Sandra kasabay nun umiyak siya at lumapit naman kaming anim at Niyakap siya. Hinimas-himas namin yung likod niya. Humahagul-gol na sa iyak eh. After nun napa kalma namin siya tapos lumapit naman si Mac at Niyakap siya.

“ Namiss kita “

“ Mas namiss kita “

At maski kaming mga lovebirds sa barkada , nagyakapan na din.

“ Ayyyyiiiieee ! “ pang-aasar naming lahat sa isa’t-isa

“ Oy ! oy ! oy ! mga lovebirds dyan ! kainan na !! “ awat ni Mich

“ Hi !! “

Napa lingon kaming lahat

“ Kyle !! “ sigaw ni Mich at nagyakapan din ang dalawa

“ Kain na ! “ sigaw ko at Nagtawanan naman ang lahat

Bagay din sila ng kapatid ko. Sana maging close ko na yang Kyle na yan.

The Clash Had StartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon