Sandra’s POV
Here. We’re back in the Philippines. Medyo malungkot.
“ Tara na guys “ sabi nila saamin. Edi saan pa ? Walang iba kundi sa sementeryo. Nahanap na ang mga bangkay nila. Sunog. Grabe. 3rd Degree. -_-
Habang naglalakad papunta sa sementeryo. Tahimik pa din kami. 2 days lang na nakabural yung apat sa bahay-bahay nila. Hindi nakayanan. Ayaw makita nila Tita ang mga mukha ng mga anak nilang ganyan. Yung mom nga ni Kyle pumunta agad dito. Nasa ibang bansa din kasi yung parents niya. Ewan ko lang kung sino ang buhay sakanya. Kung yung mama niya ba o papa niya.
Ilang steps nalang, andito na kami. Mahirap mawalan ng taong minamahal. Totoo naman. Lalong-lalo na kung minahal mo at naging parte ng buhay mo. Mas mahirap sa case nila Tita. Nawalan sila ng mga anak. Mga anak na matalino, magaganda’t gwapo. Mayayaman. May pangarap sa buhay. At maipagmamalaki balang araw. Kaso, yung balang araw na iyon, nawala. Nawala ng parang bula.
And. Andito na kami. Nasa harap yung pari. Nag fafinal blessing. Pagkatapos nun ito na, ang mga iyak. Lahat kami binigyan ng bulaklak. Para daw ihahagis sa kanila. Ayan na, ito na kami. Tumulo nanaman luha ko, nakatingin lang ako sa kabaong. Na sana, hindi sila ito. Sana hindi sila yung namatay. Sana hindi na lang sila.
Masakit man isipin kailangan naming harapin ang bukas ng wala sila. Andito lahat ng students ng HSU. Umiiyk din. Lahat kami binigyan ng white balloons. At unti-unti namin itong pinaraya. Parang sila, unti-unti naming papalayain sa buhay namin. Pero hindi ngayon, hindi bukas, hindi sa susunod na araw. Parang kaso lang yan, matagal ang proseso.
Nandito lang kami. Nakabantay sa puntod nila. Umaasa na panaginip lang talaga. Kaso hindi talaga. Hindi na mangyayari iyon. Na imbalsa na sila. Nawala na ang mga dugo nila. Hindi na sila mabubuhay man kahit kailan. Ito ang pinaka malungkot na nangayri sa buhay ko.
~~
Rose’s POV
“ Ma’am paano po itong mga damit nila ? “ tanong sakin ni yaya.
“ A-ako ng mag aayos niyan ya “ sabi ko naman.
Again. Andito ako sa kwarto ni Alex. Ang panganay ko. Hindi ako nagsisisi na naging ganito ang anak kong ito. Naging dati ng casanova. Kasi alam kong sa huli, may matututunan din siya sa mga kasalanan niya. Nakakamiss si Alex.
Andito naman na ako ngayon sa kwarto ng pangalawa kong anak, si Mich. Yan ang nagmana saakin. Si Alex kasi sa papa niya. Close niya yun noon, eversince. Ako naman si Mich. Mas mabait itong anak kona ito kaysa sa una. Mas sweet. Caring. Pero simula ng naging si Ian at Alex, ayun mas naging close din naman kami ni Alex.
Hayy. Nakakamiss na yung mga anak kona iyon. Sobra. Dalawa pang anak ko na nawala saakin. Ang hirap tanggapin.
“ Ya. Naayos kona lahat “ sabi ko at pumunta na ako sa kwarto ko. Gusto ko munang magpahinga.
~~
Amy’s POV
“ Oh anak, kasama muna yung papa mo ngayon dyan. Nagpapahinga na kayo. Kailan niyo kaya ako isasama dyan ? Namimiss kona kasi kayo eh “ kausap ko ang puntod ng mag-ama ko ngayon. Mukha na nga akong baliw dito. Dalawang araw ng nakakalipas simula ng namatay ang anak ko. At ang anak ni Rose at si Angela.
Araw-araw kong dinadalaw ang mag-ama ko dito. Wala na akong pamilya. Eversince. Nawala na din sila saakin. Ano pang silbi ng buhay ko. Pero sabi nga, life most go on. Kaya ito, kahit masakit, andito pa din ako sa dalawang lalaki na mahal ko at mamahalin ko magpakailanman. Nahiga ako sa puntod nila at pumikit. Sana nga kasama niyo na lang ako.
~~
Angela’s POV
Wala na ding ama si Kyle. Namatay na noong bata pa siya.
“ Oh anak, flowers para sa’yo “ inabot ko sa puntod ng anak kong si Kyle. Napakabait na anak ko yan. Napakasunurin. Matalino. Gwapo. Gentleman. Palatawa.
“ Hayy. Anak, namimiss kana ni Mama. Gusto ka na nga niyang yakapin eh “ sabi ko habang pumapataka ang mga luha ko. Ayaw ni Kyle na nakikita niya akong umiiyak. Simula kasi ng nawala yung papa niya, iyak na lang ako ng iyak.
Pero, nung siya ang nawala. Mas nasaktan ako. Kaisa-isa mong anak mawawala lang basta-basta sa’yo. Sobrang sakit.
“ Tama na yan Angela “
“ Kaya nga. Tara na kaya “
Napangiti naman ako.
“ Sige na nga. Tara na Rose at Amy “ sabi ko sakanila.
“ Bye mga anak “ yan ang sinabi namin at umalis na kami.
BINABASA MO ANG
The Clash Had Started
RomanceStrangers ... Close Friends ... Friendship ... And last Lovers ... They begin with a CLASH but end the story with a HAPPY ENDING. They found HAPPINESS. They found PEACE. But , what if ... the past will REVEAL ? the past will be BACK ? " EXPECT THE U...
