JAMIE'S SPECIAL CHAPTER

36 1 2
                                    


"Jamie, this is Mr.Reu Ignacio. He will be your student for now. Tutal he's taking an OJT here in our site, mas maige na ikaw ang magturo sa kanya." Mr.Belacio, our head engineer said.

Nandito kami sa site ngayon at matagal tagal pa namin 'to matatapos dahil laging delay ang dating ng mga materials ng supplier.

"Please to meet you Mr.Ignacio." Nakipagkamay ako sa kanya at nginitian niya lang ako ng tipid.

"Sige, maiwan ko na kayo at chechekin ko pa ang kulang sa materials natin." tumango ako sa kanya at saka siya umalis. Naiwan kami ng bago kong estudyante.

Every year may natotoka sakin na isang OJT ng engineering. Mas magaling daw kasi magturo pag babae kasi pati konting detalye, isinasama. Pero tingin ko naman ganun talaga ang pag i-engineer.

"So Mr.Ignacio, anong school ka ba galing?" tanong ko sa kanya habang abala ako sa pagrevise ng blue prints.

"P-Po? Mam?"

"What school are you from? Wag ka matakot sakin. Ang bait ko kaya!" I chuckled and I see his smile form.

"Sa St.Louis College of Engineering po." he answered.

"Ow, first time ko makahandle ng isang Louisan." hindi naman siya nag comment pa sa halip ay nginitian lang ako.

"Ilang hours ba ang dapat mong i-accomplished?" naupo ako sa isa sa mga ginawang bench duon pero hindi naman siya gumalaw at tinignan lang ang pag upo ko.

"Ah ano po, 72 hours po." sagot niya sabay kamot sa batok.

"Ah, I see. Pwede kang maupo. Mamaya pa tayo makakapagstart at hinihintay pa ang delivery ng mga materyales." tinapik ko ang available na pwesto sa tabi ko at naupo naman siya dun.

"Nahihiya ka ba?" Di ko na mapigilang itanong. Halata naman kasi masyado na ang lakas ng hiya niya.

"P-po? Hindi po." he answered while shaking his head.

"Just call me, Mam Jamie. Ayoko ng Mam Roxas at parang katunog na yun ng pulitikong si Mar Roxas." I joked but he just chuckled at snuggled back. Haru Jusko! Ilang taon ba 'to tinago ng nanay niya sa baul.

And I Said Yes (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon