CHAPTER 8

55 3 1
                                    

"Ang tagal niyo naman. Iritang irita na ko sa bunganga nito!" reklamo ni Jamie. Nag-cr kasi kami ni Yanni at naiwan sila ni Miel sa pangangalaga ng isip batang si Riri.

"Tara na. Saan ba tayo?" tanong ni Miel at nagsimula na kaming maglakad.

umangkla si Riri sa braso ni Miel at nagsalita.

"Dun tayo sa Penshoppe, may nakita kasi ako dun."

umangkla naman sa kabila si Jamie.

"Foodcourt muna. Gutom na ko!"

"Ano ka ba Jamie! Mamaya na tayo kumain tapos mag shopping!"

"Mas maganda na kumain muna bago mag shopping!"

"Penshoppe tayo! Baka kasi mabili na yung gusto ko!"

"Marami pang boutique dito Riri!"

"Ako nauna eh!"

"Nakakamatay ang gutom no!"

"Di mamatay ka dyan!"

"Siraulo!"

"Patay Gutom!"

"Monggoloid!"

"Tabachoy!"

"Leche!"

"Unggoy!"

"Baboy!"

"Abnormal!"

"Glutton!"

"Isip Bata!"

"Loka loka!"

"Tae, tara na nga. Iwan na yan sila. Pinagtitinginan tayo ng mga tao." aya ni Miel samin. Natatawa na rin lang kami sa kalokohan nung dalawa. Jusko!

Dumiretso kami sa Department Store. Labag man sa kalooban ni Riri at Jamie, no choice sila.

"Kung di lang treat ni Miel 'to eh!" parang bata na nakabusangot si Riri. Siya kasi ang pinagtulak namin ng Cart dahil natalo siya sa jack en poy nila ni Jamie.

"Nagrereklamo ka pa! Tapos nga nito, matutupad na ang gusto mo! Bwisit." isa pang reklamo ni Jamie.

And I Said Yes (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon