CHAPTER 5

46 3 0
                                    

HANG OVER.

Napakasakit ng ulo ko. Panay lang ako suka. Wala akong gusto kainin at panay lang ang inom ko ng kape. Damn! Di ko na kaya!!

Alas tres na ng hapon. Pero nandito pa rin ako sa kwarto at nakahiga. Ni hindi ko namalayan na nakauwi ako kagabi. All I remember is the Pain. Yeah. The Pain my Dad given me. And that Bastard Luke Marcus! Tsk!

"Iha, heto pa ang kape." nilapag ni Mami Luds ang kape sa side table ko. Nanatili lang akong nakahiga. Di ko kayang bumangon. Kumikirot pa din ang sentido ko.

"Salamat po Mami."

"Kanina ka pa kinakamusta ng Papa mo. Gusto mo ba na papas---"

"NO! Ayoko po." di ko na hinintay pa siyang matapos. Sabado ngayon, at malamang na wala ngang pasok sa opisina si Dad at si Kuya.

"Oh sige, di na kita pipilitin pa sa bagay na yan. Pero mas maganda siguro na kausapin mo siya." naramdaman ko ang pagtayo niya sa kama ko. Sinara niya rin ang pinto ng kwarto ko.

Umupo ako sa kama at hinigop ang tinimplang kape ni Mami. Kinuha ko na rin ang phone ko at kanina pa tawag ng tawag si Miel.

"Ano naman kayang problema nito? Nakauwi na agad siya?" sabi ko sa sarili ko.

Tinawagan ko siya at nakailang ring pa lang ay agad niya nang sinagot.

"SAAAABRIIINAAAAA!" halos mabuga ko ang hawak kong kape sa pagkakasigaw niya. Ano bang trip nito?

"Ano ba Miel. Di ko pa nakakalimutan ang pangalan ko. Bakit ba nakasigaw ka pa?!" narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Ang Gwapo Gwapo naman kasi ng mapapangasawa mo eh! Sorry wala ako! Sayang at di ko nakita ang eksena kagabi!" excited niya pang sabi.

"Ayun lang? Nagagwapuhan ka sa lalaking yun?!"

"Oo bhe!!!! Nakakaakit ang mata niya! Tapos ang macho pa! Tapos ang labi niya bhe!! Oh my Gad! Sana ganun kapogi ang asawa ko!!"

"Sana di ka nakikita ni Dan sa pag-iisterikal mo dyan no?!" sarkastiko kong sabi.

"Of course he's here! Say hi to Sab honey!" utos niya sa asawa niya at narinig ko naman ang pag hi nito sakin.

And I Said Yes (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon