CHAPTER 19

57 2 0
                                    


"Luke, tara na!"

Sigaw ko kay Luke pagkababa ko ng hagdan. Hawak hawak ko ang gold colored off shoulder gown ko na sobrang haba para di ako matapilok. Napatingin naman sa akin si Luke mula sa kinauupuan niya.

"What?"

Kunot noo kong tanong. Nakagray suit siya na ako pa mismo ang pumili para sa kanya. At talaga namang bagay sa tindig niya.

"W-wala! Wala naman! Tara na!"

Lumapit siya sakin at kinuha ang pouch ko na nasa kanang kamay ko saka niya ko tinulungang maglakad papunta sa kotse niya.

Nang makapasok na ko sa kotse at makumportable sa upuan ay saka siya tumakbo papunta sa driver's seat.

"Bagay sayo ang suot mo."

Puna ko sa kanya pagkaupo niya. Ngumiti naman siya sakin saka lumapit. Agad bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng paglaki ng mata ko.

"Lu-luke! Ano ba!"

"Seatbelt mo."

Ano ba 'tong pinag iisip ko!

"S-sorry. Akala ko kasi--"

"Oo, akala mo hahalikan na naman kita. Pag ginawa ko yun sa susunod hindi ko na mapipigilan ang sarili ko."

"Ano?"

"Wala. Tara na!"

Binulong niya ang huling sinabi niya kaya di ko naintindihan. Nginitian niya lang ako saka siya nagsimula nang magmaneho papunta sa Grand Hall ng kompanya namin. Dahil ngayon ang Foundation Day.

Habang nasa kotse ay panay ang tingin niya sa akin saka ngingiti. Tinitignan ko lang siya at paminsan minsan ay natatawa na ko sa ginagawa niya.

"Magdrive ka nga lang! Ano bang nginingiti ngiti mo?"

Matawa tawa kong tanong sa kanya. Pero hindi siya sumagot sa halip ay ngumiti lang ulit sa akin.

"Retard."

Tumingin na lang ako sa bintana at nagflashback ang mga nangyari.

"No! No! Wait! Ano ba!"

"Ano ba! Hindi ko gustong umuwi!"

Ang gabing yun. Ang araw na inengage kami. Oo, strawberry pa din ang amoy ng kotse niya. Pero parang nasanay na ko sa amoy dahil sa dalas naming magkasama.

"History repeats itself."

Bulong ko at napalingon siya sakin.

"Alam ko.."

Sagot niya. Nagtaka naman ako. Naaalala niya pa kaya ang gabing yun?

"Alam mo? na?"

"Dalawang buwan na tayong engage ngayong araw na 'to. Nung araw na lasing ka. Sinundo kita. Napapatingin ako sayo at nangingiti dahil naaalala ko ang gabing yun. Lasing na lasing ka. Magulo ang buhok mo at amoy alak ka. Higit sa lahat, ayaw mo sa akin at hindi mo suot ang singsing natin. Pero tignan mo ngayon.."

Napatingin ako sa sarili ko at sa kamay ko. Nandoon nga ang singsing ko. At hindi ko namalayan na dalawang buwan na pala yun mula nuon.

"Iba na ngayon, hindi ka na nagwawala at tanggap mo na ko. Maayos ang buhok mo, walang punit ang gown mo. Suot mo na din ang singsing."

And I Said Yes (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon