CHAPTER 14

33 1 3
                                    

"Bakit kailangan niyo pa umalis Sam? Paano ako? Paano tayo?"

"I'm sorry Yannah. Masyado pa tayong bata para sa iniisip mo na magpakasal tayo. Di ko kaya Yannah. Mahirap."

"Di mo na ba ko mahal Sam? Kasi ako mahal na kita. Sobra Sam."

"Oo Yannah, mahal kita. Kaso di ko kaya. Magagalit si Daddy pag nalaman niya na nakipagrelasyon ako sa anak ng isang taga-tanim sa pinyahan!"

"Papatunayan ko ang sarili ko Sam. Gagawin ko lahat para matanggap ako ng pamilya mo. Please Sam wag ka na umalis."

"Kailangan Yannah. Papasok na ko sa kolehiyo sa makalawa. Bakasyon lang namin 'to ni Sabrina."

"Ipangako mo sakin na babalik ka Sam. Hihintayin kita."

"Mahirap ang buhay kolehiyo Yannah. Pero gagawin ko ang makakaya ko. Basta ipangako mo na magtatapos ka ng pag aaral para sa pamilya mo."

"Oo Sam. Para sa pamilya ko at sa magiging pamilya natin."

"Sige na kailangan ko na umalis Yannah. Mag iingat ka."

Hinalikan siya ng binata sa noo at saka mabilis na umalis. Naiwan amg dalaga na tulala at nagsimula nang tumulo ang luha na kanina niya pa pinipigilan.

"Papatunauan ko sayo Samuel. Papatunayan ko."

~

"Sir, settled na po lahat para sa upcoming event natin."

"Sige Agnes. Make sure to make it great. Ayoko magmukhang puchu puchu lang ang event na yun."

And I Said Yes (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon