CHAPTER 2

72 4 1
                                    

"SABRINAAA!"  sigaw sa akin ni Baste. He was runnimg towards me dala dala ang Pink roses na paborito ko.

"Sabrina! Please!" patuloy nyang sigaw at paghabol sa akin pero tuloy lang ako sa paglalakad. Wala akong balak pansinin sya! tss

"Sabrina! Hon!" napatigil na ko sa paglakad at nilingon siya. Hingal siyang lumuhod sa harap ko.

"Please Hon, give me a chance!" nagmamakaawa nyang sabi sakin. Tinignan ko lang siya at di sumagot.

"Please Miss Sabrina Marie Alforte. Give me a second chance. Magbabago na ko. Ikaw lang talaga." inabot niya sa akin ang roses. Nakarinig ako ng hiyawan sa paligid.

"You're so sweet." paglalambing ko pa. At inakay ko siya patayo.

"Thank You Hon." akma niya na kong hahalikan pero --

*PAK*

"Magsama kayo ng kabet mo! Gago!" pinagpapalo ko siya ng bigay nya na flowers. Sa sobrang galit ko naubos na yun sa kamay ko.

"I won't give you a second chance! No! No! No!" patuloy kong sabi.

*PAK*

Nagising ako sa panaginip ko ng makaramdam na may sumampal sa akin. huh?

"Aba! Di porke't Alforte ka! Mananapak ka na!" pupungas pungas akong bumangon at nakita ko si Sef, Jamie at Miel na nasa kwarto ko.

"Kanina ka pa namin ginigising. Kaya si Sef na nagyugyog sayo." - Jamie

"At siraulo ka. Nananapak ka pala habang tulog! Nasampal tuloy kita. HAHAHA"  - Sef

"Anong meron? Bakit ang aga niyo naman?" naghihikab ko pang tanong sa kanila.

"Tumayo ka na lang dyan at maligo na!" hinila ako ni Miel papunta ng CR. Nanlaki naman ang mata ko dahil kagigising ko lang kaya no!

"Shower up! 15 minutes lang! May trabaho pa ko!" sigaw ni Jamie mula sa pinto. Agad na naman akong naligo.

Pagkatapos ko makaligo, kung ligo nga tawag ko dun =____= ay nag ayos na ko ng sarili ko. Nakaramdam na rin ako ng gutom pero di ko na pinansin dahil ginagawa nila akong sundalo! Kada kilos may minutes na katapat! Asar!!

"San ba punta naten?" tanong ko ng makasakay na kami ng kotse ni Sef. Si Sef na rin ang nag drive. Katabi ko si Miel at si Jamie ay nasa harap.

"Sa parlor ni Mamita." sagot ni Sef.

"Bakit?" tuloy ko pa din tanong

And I Said Yes (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon