CHAPTER 6

42 2 1
                                    

"Pakainin niyo ho siya pagkagising niya. Kailangan niya rin  inumin mga gamot niya. Huwag na wag niyo siya stressin." nadinig kong boses ng pamilyar na lalaki.

Gusto ko man magmulat ng mata ay di ko kaya. Parang ang bigat din ng pakiramdam ko kung kaya pati pagbangon ay di ko magawa.

"I'll go ahead. Mr.Alforte will be here soon para sunduin siya." narinig ko ang paglakad papalayo ng lalaki. Di ko siya gaanong makita dahil nanlalabo ang paningin ko.

Unti unti kong minulat ang mata ko at sinubukang sumandal sa headboard ng kama. Kulay Blue? Kelan pa naging blue ang kwarto ko? Eh yellow 'to?

"Mami Luds!!" pilit kong nilaksan ang boses ko para marinig ako ni Mami. Sigurado akong binabantayan niya ko sa labas.

"Mami-- Aray!" naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko kasabay ng pagkahilo ko. Shit! Ano ba yan!

Biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ang niluwa ang isang di naman gaanong matandang babae na may dalang tray ng sopas at mga gamot.

"Naku iha! Humiga ka lang at magpahinga!" inakay niya ko para mahiga ulit. Minamasahe ko ang ulo ko sa pagbabakasakali na mawala ang sakit.

"Si Mami Luds po? Bago lang ho ba namin kayong katulong? Bakit po kulay asul ang kwarto ko?" sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Naku iha. Wala ka bang matandaan kagabi?" naupo siya sa tabi ng kama ko at akmang susubuan na ko ng sopas pero..

"OH SHOOT!" napabalikwas ako ng bangon nang maalala ang nangyari kagabi. Naglayas nga pala ako pero nasaan ako?! Kaninong bahay 'to?!

"Naku Manang pasensya na pero kailangan ko na umalis." kahit nahihilo ako at  nanghihina ay bumangon ako sa kama.

"Jusko iha. Saan ka pupunta? Bawal ka magpagod. Kailangan mo magpahinga at mamaya susunduin na kayo ng Papa niyo."

"What?" napatigil ako sa narinig ko. Papa ko? Huh! May Tatay nga pala ako.

"Sabi po kasi ni Ser El susunduin daw po kayo ni Mr.Alforte."

"Susunduin? And who the hell is this El?"

"Si Ser Marcus po."

napasampal na lang ako sa noo ko. ang gaga ko. Bakit ako nagpa uwi sa gunggong na yun. Di ko naisip na papauwiin rin ako nun sa bahay.

"Pahiram ho ng telepono niyo." kalmado akong naupo sa gilid ng kama.

And I Said Yes (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon