CHAPTER 4

66 4 2
                                    

A/N: Dedicated to @QueenXGREEN :) Hiyang hiya ako sayo eh . WAHAHAHA

~

"Sabrina! Ano ba! 7:30 na! 30 minutes na tayong late sa Party!!" sigaw ni Kuya Sam mula sa sarado kong pinto. Abala pa kasi ako sa pananalamin.

I wear the Long Pink Halter Gown na bigay ni Dad. May dumating pa talaga na stylist para ayusan ako. This is the first time na dadalo ako sa company party namin. Kung kaya't abot abot ang kaba ko.

"I feel uncomfortable with my gown kuya! Nakalabas na yung likod ko!" sigaw ko sa kanya mula sa pinto.

"Come on Sab! Wag ka na mag inarte! Kanina pa text ng text at tawag ng tawag si Dad!" galit na yata si Kuya. haysss

Huminga ako ng malalim. I turn around to make a last look. Okey Sab. This is it! Pansit!

"Sa wakas! Lumabas ka din!" tinignan lang ako ni Kuya saka nauna nang bumaba ng hagdan.

"Hintayin kita sa kotse! Bilisan mo na!" sigaw niya sakin. Bakit ba napakahilig niya sumigaw! tsk

"Gentleman!" bulong ko sa sarili ko bago ako nagmartsa sa hagdan. Dahan dahan lang akong naglakad dahil mataas ang grey stilleto na suot ko. Ugh! Baka mamaya matapilok ako in front of the crowd! Kahiya!!

"Sabrina! Naku! Ang ganda ganda mo!" Mami Luds approached me as she headed out of the kitchen. Tinulungan niya na rin ako makababa.

"Thank you Mami" niyakap ko siya. Hinawakan niya naman ako sa braso.

"Sige na. At baka magalit na ang kuya mo. Mainipin pa naman yun!" tinanguan ko naman siya at diretso na kong lumabas papunta sa sasakyan ni Kuya.

Nagmukhang driver ko si Kuya dahil sa likod ako nakaupo. Di ko alam kung bakit parang sinisilihan ako sa kinauupuan ko at di ako mapakali.

"Kuya. Mapapansin ba nila na late tayo?" kinausap ko na lang si kuya para mawala ang kaba ko.

"They sure will Sabrina. Even the Press. Magkakandarapa ang mga yun. Lalo't ngayon ka lang lalabas sa TV."

"Gosh! Kung alam ko lang sana maaga tayo umalis para konti pa lang ang tao!"

"Sino bang matagal kumilos? Ako ba?"

"Napaka- mo!" inirapan ko siya. I heared he tsk. Ayaw niya talaga nang pagiging childish ko. haha

And I Said Yes (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon