Phoenix- Plan B

4.2K 93 3
                                    

Gomenasai! Sa sobrang pagkahumaling ko sa anime hindi ko na ito naisip. XD

===========

Serena

"Ren hindi mo man lang ba susugurin ang pamilya mo dun sa japan at itatanong kung bakit nila nagawa ang bagay na iyon?" Kanina pa nagrereklamo si aila tungkol jan.

Nangalumbaba ako sa mesa. "Bakit ko naman iyon gagawin? Bahala na sila kung bakit hindi nila sinabi saakin. For me i'm still the only princess in our clan" ayoko ng may kaagaw.

"Aist! Ewan ko sayo ang labo mo" naiirita niyang sagot.

"Bakit sira na ba ang mata mo at malabo na ako sa paningin mo?" Nanunuya kong tanong. Pumula agad ang mukha niya.

"Wag kang pilosopo serena! Babangasan talaga kita" banta niya. Nag 'bleh' lang ako.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Nandito kami sa loob ng classroom. Wala daw silang gana kumain. Tsk.

"Uy ang ganda nung bagong transferee pare!"
"Oo nga! Kaya nga lang may kahawig siya dito sa campus"

Hindi ako mahilig mag eavesdrop kaso nakuha talaga nila ang atensyon ko. Lima silang lalake na dumadaan sa labas ng room. At rinig na rinig namin ang pag kukwentuhan nila.

"Hmp! Sino nanaman kaya yan?" Nag cross arms si aisha.

"Ah! Alam ko na  kung sino yung kahawig niya! si ren!"

Bangasan ko kaya to? Maka ren saakin akala mo close kami. Biglang nangunot ang noo ko. Iwonder kung sino yang kamukha ko.

Narinig kong umubo si elle kaya tinignan ko siya "what?" Tanong niya. I just shrug sakto naman dumating na yung prof.

"Class we have a transferee here so be nice to her" tumango sila. 

Dahan-dahang pumasok ang new student.

"Fuck"

"Shit"

"Wew"

Rinig kong sabi nila aisha. Kumuyom ang kamao ko. Anong ginagawa niya dito sa school ko?! 

"Class we have a transferee here so be nice"

"Ano bang balak ng kapatid mo?" Curious na tanong ni aila.

Huminga ako ng malalim. Ang hirap mag tiis ng galit.

"Hi. Im Angel Asano"

"Abat! Tuluyan na atang nabaliw yang babaeng yan. Ang lakas ng apog gamitin ang apilyido mo ren" inis na inis na wika ni aisha.

"Pabayaan niyo na. Ngayon niya lang naranasan maging asano kaya samsamin na niya" malamig kong sambit.

May nag taas ng kamay.

"Kaano-ano mo si serena asano?" May nagtanong galing dun sa likod.

"Uhm. She's my sister" at tumingin siya sa gawi ko confident pa siya.

Tuluyan ng nabali ang ballpen na hawak ko. Sana pwedeng pumatay gamit ang mga mata dahil kung pwede kanina pa siya patay double dead pa ata.

Wala ng nagtanong. Sinabihan lang siya nung prof na mag hanap ng bakanteng upuan. Sakto naman na bakante yung upuan sa tabi ni skyler.

"Omg. Wag mong sabihin na jan siya uupo sa tabi ni skyler?" Gulat na si aisha.

Bumibilis na ang paghinga ko. Tumungo ako para walang makakita sa mata ko.

"Calm down ren." Pagpapakalma saakin ni elle. Napansin niya atang nawawala na ako sa katinuan.

"Hi im angel" nakita kong inilahad ni angel yung kamay niya kay skyler. Unti-unting tinataas ni skyler ang kanyang kamay. Wag mong sabihin na makikipag kamay siya kay angel?

"Tss. I already know you" walang ganang sagot ni skyler.

"Buti naman"

para akong nabunutan ng tingin da puso.

"Oh? bakit hindi kita kilala?" Naku kunot ang noo ni angel.

"Ewan ko sayo"

"Pffftt haha" tumawa agad si aisha. May hampas pa sa mesa kaya napatingin saamin ang prof.

"Sorry"

Napangiti ako. Medyo nawala na yung inis ko.

"Dating gawi tayo" sambit ni aila. Katatapos lang ng klase.

Pag pasok namin sa cafe nahagilap agad ng mga mata ko si angel. Tsk. Kasama niya yung mga bitch.

"Tsk. Bagay lang sakanila makipag kaibigan sa mga yan. Kalahi niya eh" at umirap si aisha.

"Pabayaan nalang natin sila" sagot ni elle. Tumango kami. Kasama namin sina skyler nauna na sila dun sa table.

Pagkatapos naming umorder umupo na kami sa pwesto namin.

"Ayan papalapit na sila" patay malisya ni aila.

"Hi." Agh!

Walang sumagot kay angel.

"uhm. Skyler yayain sana kita sa party ko tonight" malandi niyang sambit.

Ang landi! Siguro nung naninilbihan pa siya sa bahay kinikimkim niya lang yang kalandian niya.

"Sorry angel may lakad kami mamaya ng tropa" si aila ang sumagot.

"Please sky" may pa himas himas pa siya sa balikat ni skyler.

Thats it! Tumayo ako at hinarap siya.

"Hindi mo ba narinig na may lakad kami mamaya? O baka nabingi kana?" Taas kilay kong tanong.

Nag cross arms siya. "Bakit hindi naman siya ang sumagot ah?"

"So? Yun naman ang sasabihin niya"

"Alam mo ren mag share ka naman tutal ate mo ako"

"Tsk. Share? Wala yan sa vocabulary ko. At ate ba kita?" Kunot noo kong tanong pero naka ngiti ako. "Kasi last time i check maid ka namin"

I saw her clench her jaw.

"You don't to me like that. Ate mo ako at kaya kitang burahin ngayon din" seryo niyang wika.

I smile at her sweetly "then do it" hamon ko sakanya.

"May tamang oras para jan"

"Tsk. Uunahin na kitang burahin sa mundong ito"

Tumawa lang siya at tumalikod na kasama yung alipores niya.

"Woah! Ang isang anghel naging demonyo" sabi ni aisha.

"Matagal na siyang demonyo ngayon lang lumabas ang anyo niya."

And i don't like the new angel now. I want her to be tamed.

--------------

Konichiwa! Teka kailan ba yung huling update ko?

Btw yay! Thank you sa votes yung nagpa dedicate saakin. Teka lang. XD

The Mafia's Phoenix (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon