Serena
Ilang oras na kaming paikot ikot dito sa loob ng condo niya. Maya't maya ay tumatawag siya sakanyang parents para alamin kung ano nang nangyayari.
Nag aalala ako para kina sky at savanah. What if magpakita na kaya ako? Para tumigil na sila sa pag habol kina sky? argh! Fuck this life. Napa sandal muli ako sa aking kinauupuan. Tumingin ako kay aila na ngayon ay kausap ang kanyang parents.
"Mom I told you we don't have any connections with them." Sinabunutan niya ang kanyang sarili. Baka naghihinala ang kanyang parents na may kinalaman sila saakin. Which is true naman.
"I don't know where they are! I have my own life my own agenda in life, so I don't know where is aisha and elle."
Sabi na nga ba. Nahihirapan tuloy ako sakanila. Nang dahil saakin napapahamak sila. Simula pa naman noon eh.
"Yes. If I have a lead where they are hiding I'm going to call you first." Ilang minuto pa ay nag paalam na rin siya.
"I don't know what to do anymore ren!" she said while almost crying.
"Sabi ko naman sayo na pwedeng lumabas na ako para tumigil na sila sa paghahanap kay sav or kina aisha." Pagod kong sabi. Napapagod na akong magtago. Simula nung ma aksidente ako ay nagtatago na ako sa mga taong gustong pumatay saakin.
"I'm tired aila. Nakakapagod na promise."
She look at me with tired eyes also. "You wanna do this? Alam mo kung anong mangyayari kapag nangyari ang gusto mo ren. And even if mangyari man iyon ay nandito parin kami para sayo. Walang mag babago sabay sabay parin natin itong haharapin." Mariing sabi niya.
I already thought about that. Kahit anong desisyon ko ay kasama ko parin sila. Pero at least ay mapipigilan sila because their parents would not tolerate on what the things they would do.
"Yes, I will do this. I'm tired of this chasing game. Let me end this." Diterminado kong sabi. Bahala na kung ano man ang mangyari. I already prepared my self for this. Hindi na ako takot mamatay.
But before I will die. I will correct this world. I would change it and restore and continue the things that have been change.
Tumango si aila. "Then we better get going."
Nag bihis muna kami. Nang hiram lang ako ng damit kay aila dahil hindi ko nadala yung luggage ko dito.
"Should I tell them about you or not?" tanong niya.
Naka labas na kami ng condo niya at nasa kotse na ngayon. Papunta kaming mansion dahil doon ang head quarters ng mga leaders.
Ano kaya ang magiging reaction nila kapag nakita ako? Tsk hindi na dapat pa akong mag expect that they would be happy. Sigurado akong bago ako aapak sa hagdan ay patay na ako.
"No." mahinang sabi ko. I know kapag nakita na nila ako ay ipapatigil na nila yung pag hanap kina aisha.
Papasok kami sa isang liblib na lugar. Maraming mga punong kahoy at malawak na lupain. They really prepared this Head quarters. Nasa may gate na kami ng may humarang saamin. Mga assassins sila. Binaba ni aila ang salamin ng bintana.
"I'm with the bloody phoenix" blankong saad niya. Nanlaki ang kanilang mga mata at naka handa ng sumalakay ng biglang pinaharurot ni aila ang kotse.
"Shit. Dito palang ren gusto ka nang patayin. What more kapag naka labas kana?"
Tsk. Papalapit na kami sa mansion. May mga lalaking naka hilera at isang babae. Kasama na roon sina mom and dad. Parang pinipiga ang aking puso ng makita sila. I remember dati proud na proud sila na naging anak nila ako. Ngunit ngayon? Blanko silang naka tingin sa kotse namin.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Phoenix (COMPLETED)
ActionDon't mistake my kindness for weakness. I am kind to everyone, but when someone is unkind to me, weak is not what you are going to remember about me. - Fenikkusu (phoenix) #1 in killing 2019 #1 in Phoenix 2019 #1 in Mafias 2020