Phoenix- Cross path

3.5K 78 3
                                    

Tanong ko lang sino nalilito sainyo about sa mga characters? Kung nalilito po kayo pasensya na part po talaga yun sa story. If hindi ako magdadagdag ng characters walang book 2 na mangyayari. So please bare with it.
--------------

Monique

"Is every thing all set?" Nakakairita na 'tong si marco.

"Oo" poker face kong sagot. Kanina pa siya. Parang first time kong aalis papuntang ibang bansa.

Nangunot ang noo niya. "I'm just checking."

I rolled ng eyes. "Oo na. Tara na sav" aya ko kay sav na nasa labas parin ng kotse.

Tumingin siya kay marco at ngumiti. Napangiti naman ako. Sabi na nga ba may something sakanila. Hihihi.

Ilang sandali pa ay pumasok na si sav at nag bye bye na ako kay marco. Sabay kami ni sav papuntang japan. Sasamahan niya daw ako.

"Anong binabalak mo?" Nakatitig siya saakin. Parang tagos sa kaluluwa yung titig niya.

Pagak akong tumawa. "Ang balak ko ay maglibot sa buong japan. Yun lang. I want to know the past of it and the present." Nakangiting sagot ko.

Napasimangot siya. "Tsk. You're playing safe." Flat niyang sabi. I sigh.

Tahimik lang kami papuntang Airport. Naka private plain kami kaya no need na maghintay pa kami. Ng lumipad na kami ay tahimik parin kaming dalawa.

"Uy galit ka?" Ako na yung unang nagsalita. Kasi naman ano bang mali sa sagot ko kanina?

"No." Ayan nanaman siya sa isang word. Pag galit yan isang word lang ang sinasabi niyan. Tsk. Akala ko pa naman enjoy tong trip na to.

Hindi ko na siya ginulo pa. Ng dumating na kami sa japan ay sinalubong kami ng isang kotse. Sinabi ko na kay dad na ayokong may susundo saakin ehhh.

"Behave kung ayaw mong ipa patay kita sa mga kasamahan ko" banta niya. Nag bleh ako. Akala niya matatakot ako? Tsk utot niya.

Nagmartsa na ako papasok ng kotse at ganun rin siya. Habang papaunta sa Hotel ay nakatingin ako sa labas ng bintana.

"You missed japan?" Bigla niyang tanong.

"No" flat kong sagot. Nakatingin parin ako sa labas ng bintana. Magulo ang labas.

"You want to go ahead sa Asano Mansyon?" Napatingin ako agad sakanya.

"Mansyon?" Takang tanong ko. Ang pagkaka-alam ko ay dito nakatira ang pinakamalakas na yakuza sa mansyon.

"Ginawa na nila itong parang temple. May ibang hide out na sila o masasabi kong mas malaking mansyon. Malayo ito sa syudad at walang nakaka-alam nito"

"So ginawa itong temple na pwedeng punatahan ng mga ordinaryong tao?"

"Oo. Dito mo malalaman lahat ng tungkol sakanila" seryoso parin siya. Napatango ako.

"Sigi pumunta na tayo doon ngayon" sinabihan ko ang driver na pumunta sa lugar na iyon. Curious ako kung ano yung tungkol sakanila. They are the strongest yakuza.

Nang makarating na kami sa lugar na iyon ay sabay kaming lumabas ng kotse ni sav. Pumasok kami sa loob. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. pagpasok palang makikita mo ang malaking staircase sa gitna ng mansyon. Sa laki ng mansyon ay pwede ka ng makipaglaban sa loob. Maraming antic na gamit. Sa pader ay makikita mo ang iba't-ibang sandata na ginagamit nila. At lahat ng ito ay nakakamatay.

"Tara sa taas" iginaya ako ni sav sa taas. Pag-akyat mo ng staircase ay makikita mo agad ang malaking portrait ng isang lalaki at babae na may kasamang isang sanggol.

The Mafia's Phoenix (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon