Phoenix- Hurt

2.2K 38 6
                                    

Aila

"Ano bang nangyari sayo at may pasa ka?" inis na sambit ni jasper.

I rolled my eyes. Hindi nila dapat malaman na nagkita na kami ni serena or else madadamay ang buong mafia world.

"May nakalaban lang ako kanina." mahinang sabi ko.

"Tsk. Kung sino man itong nakalaban mo ang GALING niya naman."

Tinitigan ko siya "sinusubukan mo ba ako jasper? Baka ikaw ang balian ko ng buto?" nanghahamon kong wika.

Biglang may pumasok na mga peste. "Oy love birds tama na yan." aisha said.

Napatingin kameng dalawa sakanila. Bigla kong naalala si savanah. "nasaan si rank 1?" tanong ko.

"Umalis na." si elle ang sumagot.

"and hello! Tayo na ang rank 1 nuh!" pumalakpak si aisha.

Napatingala ako pero tinignan ko sila agad. "si sky?"

"Siya ang naghatid kay savanah." si elle ang sumagot ulit.

I silently curse. Mukhang itutuloy ni sky ang kanyang balak kay savanah. Pero paano si serena? Shit this life!

"kumain muna tayo. Nagugutom na ako." I said. Kakausapin ko nalang si serena about this matter.

Serena

Nakarating na ako sa hotel na tinutuluyan namin. I feel happy na nagkita na kami ni aila and that I already talked to her.

Dumaretso ako sa kitchen kukuha na sana ako ng baso ng may narinig akong parang may nag uusap sa isang kwarto. Sumilip ako at nakita kong naka open ng kaunti ang room ni sav. Lumapit ako to make sure na may tao.

"Are you sure na wala ng masakit sayo?"

Namumukhaan ko ang boses na yun. Sumilip ako at nanlaki ang aking mata. No way! Bakit nandito siya?

"Yes. Okay na ako. Salamat sa pag hatid dito saakin. Naabala pa kita." nakangiting sabi ni sav.

"No problem." naka ngiti ring sagot ni sky

That smile na nagpahulog saakin. I feel like there's so many needle in my heart. Masakit palang makita na may iba ng atensyon ang taong mahal mo.

Nakita kong tumayo na si sky kaya dali-dali akong nagtago.

Lumabas na siya at umalis na ako sa pinag tataguan ko. Pumasok naman ako sa kwarto ni sav.

"oh? Kanina kapa? Nagkita ba kayo ni skyler?"

Umiling ako. "Anong nangyari sayo?" mataman kong tanong sakanya.

"Tsk. Malalakas ang Queens. Kahit na matagal na silang nawala sa mafia world they still ranked 1" blanko niyang sabi. Palihim akong napa iling.

"Okay lang yan. Sige magpahinga kana." ngumiti ako sakanya at lumabas na sakanyang kwarto.

Paglabas ko ay may na tanggap akong message. Galing ito kay aila.

Aila

Hey! I just want you to inform na may binabalak si sky at alam kong alam mo kung ano ito.

Napaisip ako. Kaya ba lumalapit si sky kay sav ay dahil nakikita nila ako sakanya? At wala bang alam si sav dito?

Dumaretso ako sa kwarto at naligo. Nag flashback lahat ng masasayang nangyari sa buhay ko nakilala ko sina aila at si skyler. Ayaw ko mang ma-attach sakanila ngunit sila mismo ang lumapit saakin kahit na ang sama ng ugali ko. Ngunit ngayon sa isang iglap nagbago lahat.

"fuck this life" mahinang mura ko. Lumandas ang sariwang luha sa aking pisngi.

Nawawalan ng pag-asang maibalik ang dating nasa akin.

Savanah

Napa higa ako sa kama. Ano ba itong nangyayari saakin? I know na may binabalak si skyler saakin pero that kissed na nangyari kagabi. Parang punong puno ng pagmamahal.

"Gosh!!!!" Ginulo ko ang aking buhok. Tapos ano itong ginagawa niya? Hinatid niya pa ako dito. Shit!

Napahawak ako sa aking labi. Wala sa sariling napa ngiti ako. Bago siya lumabas ay ninakawan niya ako ng halik.

Gumulong ako sa kama. Feeling ko pulang pula na aking mukha.

Hindi ko ito dapat nararamdaman. I know na may ibang babae ang nilalaman ng puso niya, pero hindi ko mapigilan.

Kinaumagahan nagising akong magaan ang aking pakiramdam. It's like there is something making me feel like I'm floating or guni-guni ko lang?

Lumabas na ako ng kwarto dahil wala akong mapapala roon. Nakita kong kumakain mag isa si monique.

"hey. Something wrong?" tinignan niya ako na parang may nagawa akong mali pero nawala rin ito agad at ngumisi siya.

"Wala naman. Uhmmm aalis ako ngayon may pupuntahan lang."

Kumunot ang noo ko.

"what?" tinignan niya ako.

I sigh "Saan ka nga pala nagpunta kahapon?" kumuha ako ng hotdog at kinagatan.

"Jan lang sa tabi-tabi"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"okay. Basta wag ka lang papagabi. Baka mapano ka pa jan sa daan. Mahirap na" payo ko sakanya. Totoo naman baka ano pang mangyari sakanya at wala pa ako.

"bakit ano bang meron? Hindi ba safe naman pag gabi?"

Tinignan ko siya yung titig niya parang nanunubok.

"Basta. Txt me or call me kung may nararamdaman kang sumusunod sayo or what okay?"

"what ever" tumawa lang siya. Feeling ko may problema to. "ikaw may lakad ka?" tanong niya.

"Ako? Yup. Pero titignan ko pa kung matutuloy ba o hinde." Ni hindi ko nga alam saan ako pupunta ngayon tsk.

"Oh? Bakit naman? May nanliligaw ba sayo?" mataman niyang tanong.

Nanliit ang mga mata ko. "Anong ibig sabihin mo jan nique?"

"HAHAHA wala naman joke lang. Ano mag bibihis na ako para maaga ako maka uwi." tumayo na siya.

Tinignan ko lang siya. "Monique kung anu-ano nanaman yang iniisip mo. Kung about yan kay marco tigilan mo na" napa iling ako.

Lumingon siya. "Bakit? Meron na ba talagang iba?"

"Tsk ewan ko sayo" iiling iling na pinagpatuloy ko ang pag kain.

Serena

Tsk. I need to get a hold of my self Or else maghihinala yun kung bakit ganito ang inaasta ko.
Nang natapos na ako ay lumabas na ako. Walang tao sa sala. Tsk tumunog ang cellphone ko.

Aila

Hey! Nandito na ako sa basement saan kana?

Hindi na ako nag reply lumabas na ako kaagad at bumaba. Nang makita ko ang kanyang sasakyan ay pumasok na ako kagaad.

"omyghad! I miss you!!" bigla niya akong hinila at niyakap.

"uhhmmm aila baka kahapon nagkita na tayo?" I pat her back.

Humiwalay na siya. "Sorry naman. Sungit mo ah?" natatawang sabi niya. Pinaharurot na niya ang kotse.

"Wala lang." tumingin ako sa labas at naisip ko nanaman yung nangyari kagabi.

It really hurt me na nakikita niya ako sa ibang babae. Lalo na pag naaalala ko iyong nangyari sa club.

The Mafia's Phoenix (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon