Phoenix- Over

3.4K 98 12
                                    

Yay! Hindi ko talaga matiis na maghintay ng 50 votes. XD
---------------

Third person's POV

Nang matumba si serena ay biglang natahimik ang buong arena. Ilang sandali pa ay naghiyawan ang ibang mga tao dahil nanalo ang kanilang pambatong mafia's phoenix.

"No!" Napatayo sina aila sakanilang kina uupuan. Tumakbo sila pababa ng VIP room para puntahan ang kanilang kaibigan na wala ng malay sa gitna ng arena.

Nakatayo lang si angel doon. Hindi siya makapaniwalang nanalo siya sa laban nila.

"Ren! Ren! Wake up onegai!" (Please) naiiyak na sambit ni aila. Binuhat nila jasper ang katawan ni serena.

"Dadalhin natin siya sa hospital!" Bumaba sila ng arena habang dala dala ang walang buhay na si serena. Umiiyak na si aisha habang si elle naman ay naka kuyom ang kanyang kamao.

Pinunasan ni elle ang luhang lumandas sakanyang pisngi "magbabayad sila sa ginawa nila kay ren" sambit niya.

Samantalang sa loob ng arena ay nagkakatuwaan na ang mga tao. Ang mga mafia leaders ay nakangiti ngunit mababakas sa mukha ng magulang ni serena na galit na galit sila.

"Paano ba iyan? Angel won the battle?"nanguuyam na sambit ng isang mafia leader. Masamang tiningnan siya ni hence.

"We still need to decide" mariing sabi ni hence.

Aila's POV

Pinunasan ko ang luha ko. Kainis! Bakit ba siya nagpa talo? Anong nangyari? Nasa kondisyon naman siya kanina habang naglalaban. Kaso nung tumingin siya kay skyler bigla siyang nawalan ng gana.

"Jasper pwedeng paki bilisan?! Hindi natin alam kung buhay pa si ren!" sigaw ko kay jasper.

Nasa likod sina aisha,elle,jayce,at blaise binabantayan nila si ren.

"Aila!"biglang sumigaw si aisha. "Si ren humihina ang kanyang pulso!" Nagpapanic niyang sambit. Tumingin ako sa likod.

"Sandali nalang malapit na tayo!" Medyo nasa may bangin kami dumaan para mabilis ang pag punta sa hospital.

"Fuck!"

"They are attacking us!"

Sinisugod kami! Hindi ko alam kung sino! Ano pa ba ang kailangan nila? Naghihingalo na nga si serena tapos hahabulin parin nila kami?!

"Do something?!" Sigaw ko. Kailangan namin silang malinlang.

Bumaling ako sa likod "may isang hahawak kay ren" nagka tinginan sina elle and aisha.

"Ako na" sabi ni elle. Tumango ako at tumingin sa side mirror. Ang rami nila.

Narinig kong nagpapa ulan ng bala si elle sakanila at inaasinta ang gulong ng mga ito. Nice one elle.

Kinuha ko yung baril sa compartment. Gagawin ko ang lahat makarating lang kami sa hospital. Binabaril ko na rin sila.

Dalawa kami ni elle ang bumabaril pero mukhang kulang parin dahil sa dami nila.

"Shit! Saan galing ang iba jan?" Sabi ko sabay mura. Nakakainis kasi lalong dumadami yung mga kalaban namin.

"Hindi natin sila kaya pag tayong dalawa lang aila. Masyado silang madami" sambit ni elle.

Tumango ako "sinong may granada dyang dala?" Tanong ko sakanila sa loob.

"Ako!" Sigaw ni jayce. Napa ngisi ako.
"Give it to me" inabot niya naman saakin iyon. May pinindot ako dito at saka itinapon iyon sa mga kalaban.

"Nice one aila!" Naka ngising puri ni aisha. Ngumiti lang ako.

Hindi ko pa alam kung natamaan ba sila nito. Dahil hindi pa nawawala ang mga usok.

Ilang sandali pa ay unti-unti ng nawawala yung usok.

"Fuck?!" Mura ko.

"Bakit?" Tanong ni aisha.

Napa kagat ako saaking ibabang labi. "Ni hindian lang sila nabawasan!" Sigaw ko.

"Fuck you!" Narinig kong sigaw ni jasper at pinabilis pa lalo ang takbo ng sasakyan.

Tumingin ako ulit sa likod.

"What the fuck?!" Again sumigaw nanaman ako.

Pinapaulanan na nila kami ng bala at may nakita ako yung sa isang kotse may pinalabas silang shotgun at granada.

"Shit shit shit!" Kung hindi kami iiwas siguradong luto kami nito. Pero wala namang ibang daan dahil nandito kami sa bangin.

"Ano na ang gagawin natin?" Limingon ako kay aisha at ilang sandali nalang iiyak na siya.

Napa sandal nalang ako sa upuan. I don't know what to do. Naramdaman kong hinawakan ni jasper ang aking kamay kaya napatingin ako sakanya. Ngumiti lang siya.

Ilang sandali pa ay naging slow motion ang nangyari. Tumilapon ang sasakyan namin na umuusok at nahulog sa bangin.

Third person's POV

Bumagsak ang sasakyan sa ibaba ng bangin. Wasak na wasak ito.

"I think they are already dead" naka ngising sambit ng isang lalaki na naka itim.

"Yes. And our mission is over" malamig na wika ng isa ring lalaki na leader nila.

Ilang sandali pa ay sumabog ng malakas ang kotseng nahulog. Lingid sa kalaaman ng mga lalaki ay wala ng tao sa loob ng kotse. Sina aila,jasper,aisha,jayce,elle,bliase at serena ay napa labas sa kotse.

Arena

"Nani?!" Umalingawngaw ang sigaw ni hence sa buong arena. Nabalitaan nilang sumagob ang sasakyan nila serena at ang mga kaibingan nito.

"Find my daughter!!" Sigaw ni hence. Bigla namang tumalima ang mga assassins.

"No my princess is still alive! No!" Malamig na sambit ni yumiko.

"What happen to they're car?" Tanong ni angel. Ibinalita naman sakanya ng isang lalaki ang nangyari. Tumango siya.

Sa isip ni serena ay alam na niya kung sino ang gumawa noon sakanyang kapatid.

"Poor thing. Imbes siya lang ang andun sa kotse nadamay pa ang kanyang inosenteng mga kaibigan." Sambit niya. Sumilay ang isang mala demonyong ngiti sakanyang labi.

------

Simula ng araw na iyon ay si angel na ang bagong mafia's phoenix. Nahanap rin sina aila. Ngunit si serena ay hindi na natagpuan. Ngunit may natagpuan silang isang bangkay na sunog na sunog ang katawan. Halos hindi na makilala ang mukha.

Nag iba narin ang mundo ng mafia. Mas naging magulo at wala ng kumakalaban sa mga masasama.
Kumbaga ang buhay ni angel ay buhay prinsesa lang. Lumalaban lang siya pag kailangan.

Sina aila ay hindi na bumalik na pagiging mafia. Hindi na sila lumalaban ngunit may koneksyon pa naman ang mga magulang nila sa magulang ni serena.

Paano na ngayon ang mundo ng mafia? Walang magbabalanse sa mundong ito. Mahahanap pa kaya si serena? At kung mahanap man siya anong mangyayari kapag bumalik siya?

---------

(Punas luha) ano kayang mangyayari sa susunod? Excited man ako. Hahahaha
clue: new life.

The Mafia's Phoenix (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon