Chapter 3

64 4 0
                                    

* NAIA AIRPORT *

Martina's POV

Kakarating lang namin sa Manila. Inaantay ko ngayon ang aking bag na lumabas. Bumabagabag pa rin sa isip ko ang mukha ng lalaki.

"Earth to Martina!!!"

"Aaahhh!!!, ano ka ba naman Dreia nagulat ako sa iyo eh"

"Eh kung tignan mo kaya ang paligid ng Airport halos ikaw na lang kaya ang natira dito. Ang iba nating kasama pa-akyat na ng bus. Tayo na lang ang natira"

"Psh..  oo na. Ayun na pala yung bag ko oh!"

"Tara na tawag na tayo ni Ma'am Angie"

Kung sino ka mang lalaki ka malalaman ko rin ang pangalan mo....

Tina's POV

Nag tetext kami ngayon ni Zeke. Naka-landing na sila, at kasalukyang papunta sila sa Jollibee para mag-breakfast.

Ewan ko lang kung bakit parang masama ang kutob, para bang may mali na mangyayari kay Zeke. Basta ewan ko!!

Pero higit sa lahat alam kong ako lang ang nasa puso ni Zeke. Hindi pa man kami basta parang nafefeel kong may nas hihigit pa sa friendship namin ni Zeke.

"Ms. Chua, you are not listening to me!! You are thinking of something else. Is it related to our topic? Would you mind sharing it to us?" Nasisigaw na suway sa akin ni Sir Saavedra

"I'm sorry sir"

Anu ba naman iyun nagulat ako kay sir. Tinago ko na cellphone ko dahil baka kunin naman ito ni sir.

Martina's POV

Kakatapos lang namin kumain sa Jollibee. Papunta na kami ngayon MOA dahil bago kami pupunta nang Baguio ay mag-shoshoping kami ng MOA.

"Students, find your partner!!"

Hinila ko kaagad si Dreia dahil baka naman iba ang makakuha sa kanya. Alam mo namang napaka-friendly niya.

"Gurl, tayo ang mag-partner huh?" Sabi ko sa kanya.

"Sure, bili tayo ng mga stuffs about One Direction huh?"

"Haay, oo na nga"

Si Dreia kasi ay patay na patay  sa bandang One Direction. Last time nga tinanong nya ako kung ano ang aking fandom, sinagot ko siyang wala. Pero ang totoo rin naman ay wala akong fandom. Dahil may pagka-geeky girl ako. Op!!! Pero wala akong braces at glasses, ako yung geeky na pag-aaral lang ang ginagawa.

"Gurl, sabi ni Ma'am ay bibigyan niya tayo ng 200 (100 per person) para sa ating lunch. At yung pang-shoping natin ay mula sa pocket money natin, dapat andito na tayo sa lugar by 1 pm, ok na?"Bungad ni Dreia.

"Oo ma'am, para kang si Ma'am Angie 2"

"Grabe ka naman!, tara na pasok na tayo"

Pagkapasok namin ay una naming pinuntahan ang Oddysey para makabila man lang si Dreia ng mga merchandise ng One Direction.

"Girl ano bang bibilhin mo?" Tanong sa akin ni Dreia.

"Ah-ah itong Total Girl na lang na magazine,"

"Gurl ok ka lang ba talaga? Parang malalim ang iniisip mo huh?"tanong ni Dreia

"Ah-ah-ah oo naman ano ka ba?" Nauutal kong sagot.

Tapos na kamimg mag-lunch andito kami ngayon ni Dreia sa meeting place namin. Iilang kasama ko pa lang ang nandito.

Ilang saglit lang ay nakita ko naman ang lalaking misteryoso, kasama ang kanyang mga barkada. Siguro bumili sila ng T-shirt dahil bago ang t-shirt niya hindi katulad nung kanina.

"Gurl, baka matunaw ka" pabulong na sabi ni Dreia.

"Huh? Eh kay sino naman ako matutunaw?"

"Ayun oh si Zeke"

"Sinong Zeke ang sinasabi mo?"

"Ayun oh, yung lalaking nakawhite na Manila t-shirt na may leather jacket"

Siya nga!! Yung lalaking titig na titig sa akin sa canteen.

"Uuuhhhmmm, hindi ako sa kanya nakatingin sa store ako nakatingin hindi kay Zeke, wait paano mo siya nakilala?"

"Si Kuya Dylan (kuya ni Dreia) nagka crush sa ate niya, actually nagka-MU sila noon. At dahil patay-patay si kuya kay Ate niya na si Christine, alam lahat ni kuya ang pangalan ng mama at papa niya ang pangalan ng kapatid niya, at pati na rin ang mga gusting kulay o pagkain ni Ate Christine"

"Aba!!! Ganoon pala ka patay si Kuya Dylan kay ate Christine"

"Sinabi mo pa!!!"

"Hahaa" tawa naming dalawa

"Kids, akyat na tayo ng bus para maaga tayo makarating sa Teacher's Camp"

Katabi kami ni Dreia dahil naantok kami dalawa ay tumolog kami muna, hindi naming namalayan na nakarating na kami pala sa teacher's camp.

Isa-isa kaming dala ng bag namin dahil ang laki bag namin ni Dreia ay kaming dalawa ang nahuli.

Pagkadating namin sa Lobby ay ina-signan kami ng rooms kung saan kami makatulog for 12 days dahil sa Convention,  Syempre kasama kami ni Dreia sa silid kasama ang jba naming kasama.

Dahil nasa 2nd floor ang aming room at stairs lang ang meron. Nahirapan kami talaga ni Dreia.

"Hali ka tulungan kita" sabi ni Zeke

Hindi na niya ako pinatapos pa at inakyat ang bag ko pataas. Hindi ko alam kung ankng nararamdaman ko , parang may nag-on sa puso ko na kiligin ako. Basta! Ewan ko.

"Gurl, magbibihis lang ako sa CR," sabi ko kay Dreia..

Habang hinihintay ko si Dreia ay napaisip ako, Gwapo rin naman si Zeke, moreno, mataas, as per Dreia nga ay Top 2 sya......

wait ano bang sinasabi ko. Dapat inuuna ko muna ang pag-aaral at sundin ko ang motto ko inlife na:

ako pero bahala na....

Study First, Boys Later

oo alam kong corny 

" sige Gurl pagkatapos mo ako rin"

Haay... parang ewan ko na lang kung ano ang nangyari sa akin.

Zeke's POV

Nakarating na kami sa mga silid namin. Naisipan kong bumaba muna para makalanghap ako ng masarap na hangin kahit madilim na.

Sa hagdanan ay nakita kong nahihirapan si Martina magdala ng bag niya.

Ewan ko kung anong pumasok sa akin na biglang tinulungan ko siya, pero bakit iba ang nararamdaman ko ng ng mahawakan naming magkasabay ang handle ng bag niya. Parang nakikilig ako. Ah! Basta! Ewan ko!

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon