"Mommy, did you find the dinosaurs already?" tanong ni Kio. We kept looking for that set of toys for three days. Hindi ko mahagilap sa loob ng kotse ko. Wala din sa mga plastics bags na bitbit ko na nilipat ko sa kotse ni Marcus at binaba dito sa shop.
Kung naiwan ko man sa kotse niya, mas mabuting bibili nalang ako ng bago.
Umiling ako. Dismayadong umupo si Kio sa tabi ko.
"What will we give to Alina, Mommy?" Kio asked, lukot ang mukha. Si Maggie ang naghatid sa kanya dito sa shop. Suot pa rin nito ang kanyang bag.
"Bibili nalang ako ng bago kapag pupunta ulit ako ng city," mahinahon kong sabi. Hinubad ko sa kanyang likod ang bag at nilapag iyon sa maliit na table sa harap namin.
Hindi pa rin kami nakakabisita kina Lira dahil nga hinahanap pa rin namin ang nawawalang toys na binili ko. Sabi ni Kio hindi daw kami bibisita na hindi dala ang mga dinosaurs dahil malulungkot si Alina.
"No, Mommy, Don't go to city anymore. Baka hindi ka naman ulit umuwi," he pouted.
I chuckled. "Paano yan? Wala kang ibibigay kay Alina."
"She will understand, Mommy. Mabait naman si Alina, diba, Mommy?"
"Oo naman," tango ko. "Mabait siya kagaya mo."
"Sabi ni Lolo, makulit daw po ako."
"Hindi ba totoo?" udyok ko dito.
"Totoo po," pag-aamin ni Kio. "Pero lagi po akong nagso-sorry sa kanya."
"Then, that's good, baby." I pinched his cheek. "Iwasan mo lagi ang maging makulit kasi bad iyon."
"Makulit daw ako kapag tinatanong ko siya tungkol kay Daddy. Hindi daw po niya alam."
I hugged him tight. Pinaulanan ko ng halik ang bumbunan niya.
I cupped his face and looked straight into his eyes. "Do you want to see him so bad?"
He nodded. "Sana tawagan niya tayo, Mommy. Wala po bang signal doon sa kanila?"
"Wala siguro. Pero miss na miss kana rin ng daddy mo."
Ayun. Nasasaktan ulit ako sa kasinungalingan ko.
"I always pray to Jesus that daddy will come home soon, Mommy." Kio wrapped his arms around my waist.
Naantig ang puso ko sa sinabi ni Kio. Hinawakan ko ang kamay niya.
Natulog ang anak ko pagkatapos kumain. Nang gumising siya, diretso nitong kinuha ang libro at sumagot ng assignment. Hindi ito mahirap turuan. Sa katunayan ay kaya nitong mag-aral nang mag-isa. Nagpapaturo lamang ito kapag may hindi naunawan sa instruction. Chinicheck ko nalang kapag tama nga ang mga sagot niya. Hinayaan ko lamang siyang gumuhit pagkatapos masagutan ang assignment nito para bukas.
Isasabay ko na siya pag-uwi ko mamaya. Wala si Arkin na kalaro nito dahil nagpapahinga ito ngayon. Kakalabas lang niya sa hospital at bawal pa lumabas.
Kasama ko si Mylene sa kusina at focused din ito sa ginagawa. Matapos kong ilagay ang cake sa box para ipick-up mamaya ay tiningnan ko saglit si Kio. He was sitting on the couch, talking to somebody on my cellphone in very low tone of voice. Kadalasan kapag ganoon ay si Hero, Billy, Lira or Hope ang kausap nito. Tropa din ng anak ko ang mga kaibigan ko. Hindi naman nila tinuturuan ng kalokohan si Kio. They only entertain him because Kio is such an inquisitive child.
Bumalik ako ng kusina at tinulungan si Mylene sa ginagawa niyang macaroons.
"Ate, parang naririnig ko naman ang kotse ng manliligaw mo," Mylene said.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY HOME
RomanceSimula nang umalis ang Mama niya, napilitang mamuhay bilang lalake si Azalea Marie dahil sa galit ng Papa nito sa kanyang ina. She didn't have a choice but to embrace the life her father chose for her with all her heart. She lived as Zac and she was...