Chapter 22

269 8 18
                                    

Laglag ang balikat kong umupo sa backseat. Sa frontseat si Hope at si Billy ang magda-drive sa amin papuntang venue ng reunion, sa isang beach resort na pagmamay-ari ng classmate namin. Tagumpay na napakiusapan ni Hope si Kio na bukas na namin ise-celebrate ang birthday nito.

Nilingon ako ni Hope. "Kitams? Sabi ko sa'yo papayag ang anak mo, eh. Ikaw lang talaga itong unwilling sa mga ganito. Girl, learn to unwind. Wag ka nga puro trabaho lang. Daig mo pa ang may pinapakaing sampung anak sa sobrang kasipagan."

I rolled my eyeballs at her. "Hello? We're not that close with our classmates. Why do we need to go and endure the boredom?"

"Huwag mo ngang pangunahan," inis na sabi niya. "Baka naman mag-enjoy tayo doon. At isa pa, wala ka bang nami-miss ni isa sa mga classmates natin? Kahit papaano naman ay naging pamilya din tayo noon, diba? It wouldn't hurt to come by and say hi for the first time in a while, right?"

Hindi ako kumibo. Patuloy lamang ako sa pagtanaw sa labas ng bintana at ini-enjoy ang view.

"O baka naman mas gusto mo lang makita iyong umaalialigid na gwapong kuya doon sa shop mo. Ayieeh," tukso pa nito at humagikhik na tila siyang-siya.

"Ugh. Just shut up, Hope," I muttered.

Hindi ko na nga makakasama si Kio sa birthday niya, may gana pa siyang tuksuhin ako kay Brent. Si Brent ang lalaking laging pumupunta sa shop para umorder ng kung anu-ano hanggang sa kalaunan ay napaghahalataan kong may ibang balak sa akin. Gusto daw nitong manligaw sa akin pero hindi ko pinagbigyan. Ngunit sa kabila ng pagtataboy ko rito, pursigido pa rin itong baguhin ang isip ko.

"Tantanan mo na si Zac. Nagmagandang loob na nga na samahan ka tapos tutuksuhin mo pa," saway ni Billy kay Hope.

Bumuntong hininga ako. "Thank you, Billy. Ikaw lang yata itong nakakaintindi sa pinagdadaanan ko habang itong jowa mo at iyong isang kilala natin ay panay ang bugaw sa akin na i-entertain ang lalaking 'yon," sabi ko.

"Kaligayahan mo lang ang iniisip namin ni Lira, girl. Wala namang masama kapag sinubukan mo, diba? Malay mo mag- work naman kayo ni Brent. Oh, diba? Magkaka- daddy na rin si Kio 'cause why not? Daddy material naman si kuya mong maamo ang fes. Sayang ang genes."

"Well, personally, I know Brent. My friend hired him as an architect of his family's house and we were together in some family occasions. I can say that he's a good man," dagdag pa na Billy.

Halatang botong-boto nga ang buong sambayanan kay Brent. Ano ba ang aayawan mo sa kanya? Professional, gwapo, may pera at ayon nga sa nakararami, mabuting tao si Brent. At dahil nga sa huling dahilan ay ayokong subukan. Napakabuti niyang tao para lang sa isang tulad ko.

"See? Kaya nga gora na yan girl. O baka naman naiisip mo pa rin ang daddy ni Kio? At sino ba talaga 'yon ha? Ang tindi mo rin magtago ng sikreto, no?" nahimigan ko ang tampo sa boses ni Hope.

I sighed again. "Idlip lang ako. Gisingin niyo nalang ako kapag malapit na tayo," pag-iiba ko.

"Yan. Ganyan ka. Nakakahanap ka talaga ng lusot kapag napag-uusapan ang tatay ng anak mo," she tsked.

Pinikit ko ang mga mata at umaktong natutulog. I heard her scoff.

"Huh! Malalaman ko rin naman yan balang araw. I'm not losing hope because I am Hope," sabi nito at humalakhak sa sarili nitong punchline.

Umiling-iling ako.

Kung hindi mo lang talaga kilala si Hope ay iisipin mo na baliw talaga siya. Pero ganoon talaga siya, may hirit siya sa mga bagay-bagay. At kahit nagtatampo sila minsan ni Lira sa akin dahil sa pagtatago ko ng sikreto ay nararamdaman kong mahal na mahal ako ng mga kaibigan ko.

YOU ARE MY HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon