Chapter 09

288 6 16
                                    

"Nakakatawa siguro pinag-uusapan nila, no?" biglang tanong ni Lira sa'kin.

Kanina pa kami dito nakadungaw sa bintana ng classroom namin at dahil nasa ikalawang palapag ito, tanaw namin ang lahat ng nangyayari sa buong field.

Napadako ang tingin ko sa tinutukoy nya. Kina Marcus at Macy. Magkatabi silang nakaupo sa student center at panay ang halakhak ng mga ito.

"Malamang," pansin ko rin na nakakatawa ang pinag-uusapan nila. Binalik ko na ang tingin ko sa kinakain ko.

Naisipan kasi namin nina Lira na dito kumain sa loob ng room. Dito kami pumwesto sa may bandang bintana.

Payag naman kasi 'yong adviser namin na doon kami kakain ng lunch basta't huwag kaming magkalat doon.

Simula kasi nang nanligaw si Marcus kay Macy ay hindi na kami magkasabay kumain sa tanghali. Sa umaga naman, mas nauuna itong umalis.

Sa hapon naman ay nagpapaiwan ito dahil may lakad pa sila ni Macy kaya nauuna akong umuwi.

Magdadalawang buwan na din na ganito. Siguro ay sila na ni Macy kaso hindi lang nila masyadong binu-broadcast.

Nakaramdam ako ng lungkot. Nasanay kasi ako na kami lagi magkasama ni Marcus.

But, everything changed when Macy came into the picture.

"Sila na ba?" tanong ulit sa'kin ni Lira. 

Katulad ko rin si Lira pero iba ang rason niya bakit niya gustong kalimutan ang pagiging babae.

Nasawi ito sa unang pag-ibig nya. Kaya ito ang naisip nya para makalimutan ang lalake at maka-move on na. Sa ibang school nag-aaral ang lalake at di rin sila halos nagkikita kaya nakahanap ng iba.

"Ano sa tingin mo? I asked sarcastically. Napaarko ang isang kilay ko.

Kailangan pa bang itanong 'yon? Lagi naman magkasama sina Marcus at Macy so baka sila na nga.

Sumubo nalang ako ng kanin. Pero hindi ko rin malasahan ang pagkain. Parang bumara lang iyon sa lalamunan ko.

I felt annoyed already because she kept asking me questions about them. As if naman may alam ako sa mga nangyayari sa dalawa. Hindi na nga kami nag-uusap nang masinsinan ni Marcus, eh.

We only had these small talks. Hindi naman kasi maiwasan minsan lalo na pag may activities tapos groupmates kami.

Napasulyap ulit ako kina Marcus at Macy. Panay pa rin ang kwentuhan nilang dalawa pero di na nagtatawanan. Bigla kasing nagseryoso ang mga itsura ng mga ito.
Naubos na 'yong oras niya kay Macy.

Pero bakit ang dali pa rin para sa kanya ng mga lessons namin?

"Ang suplada mo naman. Tinatanong ka lang naman, eh. Selos ka?" she spat before she want back to her food.

Pansin ko lang makwento din pala si Marcus sa iba. Hindi kasi ito nakikipag-usap sa mga classmates namin maliban lang kung related iyon sa mga subjects namin.

May mga kaibigan din ito sa room namin pero hindi siya masyadong sumasama sa mga trip ng mga ito. Masyado itong tutok sa pag-aaral.

Kung di ako sinasama nina Lira at Hope sa mga trip nila, kami ni Marcus madalas magkasama.

"Bakit naman ako magseselos? Ikaw siguro, maniniwala pa ako."

"Slight. Crush ko si Marcus, eh," napahalumbaba siya at pinapungay ang mga mata.

YOU ARE MY HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon