Inikot ko ang aking paningin at tiningala ang orasan na nakasabit sa dingding ng aking kwarto. Alas 4:00 na pala ng umaga at madilim pa sa labas. Mabilis akong bumangon at inihanda ang aking pambihis. Ginalugad ko ang aking gamit sa cabinet. Ang sabi ng may-ari, naiwan daw ng dating umuukopa ang cabinet kaya okay lang naman daw na gamitin ko.
Laking tipid din kasi kakauumpisa ko pa lang sa pagtatrabaho sa isang cafe bilang crew at di ko pa talaga iniisip na bumili ng kagamitan. Isa pa, hindi naman iikot ang buhay ko dito sa loob ng unit na 'to. Trabaho ang pinunta ko dito sa Manila kaya madalas din akong nasa labas.
Medyo kumportable na ang pakiramdam ko dito sa inuupahan kong apartment. Balisa at hindi ako makatulog noong unang buwan ko. Ibang-iba ito sa nakasanayan kong buhay sa probinsya. Ito pala 'yong sinasabi nilang Manila. Mainit, masikip, ma-trapik. Bata pa ako nang huli akong pumunta dito kaya wala akong masyadong maalala nang huling pumunta kaming mag-anak dito para magbaksyon.
Now, I understand people who prefer to stay here despite the setbacks. Once, you start living here, you'll get used to these things people living a simple and placid life away from the city wouldn't appreciate.
Mabilis nga talaga makahanap ng pera dito.
Tiningnan ko ang picture frame sa tabi ng aking higaan. Picture namin iyon ni Papa nang nag-graduate ako ng high school. Nakangiti si Papa nang malapad habang nakaakbay sa balikat ko. Ako naman ay naka- peace sign. Pitong taon na din ang nakalipas magmula ng nakatapos ako ng high school sa Buenvenida. Miss ko na si Papa. Mag-dadalawang buwan na din pala noong huli kaming nagkita at iyon ay nang ihatid niya ako sa airport.
"Anak, mag-ingat ka doon sa Manila. Bakit ba kasi doon mo talaga gustong magtrabaho, Zac? Ang dami naman pwedeng apply-an dito sa lugar natin," pag-aalaburuto ni Papa habang hila-hila yung maliit na maleta ko.
Hindi ko na dinamihan ng ang gamit na dadalhin. Pinagkasya ko lang lahat ng damit ko sa maleta. Ang mga mahahalagang papeles ay nasa knapsack ko naman.
"Naku, Pa. Ang dami nga ng pwedeng apply-an pero ang dami ko ding ka-kompetensiya, Pa. Kahit nga iyong mga classmates ko dati na may Latin Honors hirap din daw makakuha ng trabaho dito sa atin Pa kaya wise din naman na desisyon 'to na sa Manila ako magtrabaho."
Hindi naman sa minamiliit ko iyong kakayahan ko sa paghahanap ng trabaho since qualified din naman ako pero isang mapait na katotohanan talaga na hindi madali ang paghahanap ng trabaho sa aming lugar since maliit na probinsya lamang ito.
May mga establishments din naman na pwedeng pagtrabahuan kung maswerte ka nga lang. I tried submitting resume to companies that I know would find it attractive. Some were recommended by my friends and classmates pero lagi nalang nauuwi sa wala lahat ng mga attempts ko. I finished BS in HRM in one of the state universities in Buenvenida.
Sa ilang taon na pagiging tambay ay tinuon ko na lamang ang panahon na tulungan si Papa sa aming maliit na tindahan.
Nalugi kasi 'yong negosyo namin na bakery shops simula nang nakapagtapos ako ng high school at nagkabaon-baon kami sa utang. Hanggang ngayon binabayaran pa rin namin 'yon. Marami na din kasi nagsitayuang mga bakery shops at cafe sa siyudad kaya di na din nakakapagtakang natigil ang negosyo namin.
Susubukan kong makabawi.
Dahil realistic lang talaga ang pananaw ko sa buhay, naisipan kong mag-apply ng trabaho sa Manila. Buti nalang talaga naimbitahan ako sa isang interview kaya ibibigay ko na ang lahat. Kung hindi man ako matanggap kung sakali, marami pa naman dyan na pwedeng apply-an.
'Yan kasi ang sabi sa akin ng kaibigan kong si Hero. Kaklase ko noong college at naging kaibigan ko din nang kalaunan. Actually, siya iyong nag-alok sa akin ng apartment na pag-aari daw ng Tita Marites niya. Nagkataon din naman kasi na sa Pasig din iyon. Same location lang din sa pagtatrabahuan ko kung sakali man na matanggap.
BINABASA MO ANG
YOU ARE MY HOME
RomantizmSimula nang umalis ang Mama niya, napilitang mamuhay bilang lalake si Azalea Marie dahil sa galit ng Papa nito sa kanyang ina. She didn't have a choice but to embrace the life her father chose for her with all her heart. She lived as Zac and she was...