Chapter 25

255 7 10
                                    

I still asked although I was sure it was him.

"You know me?" manghang sabi niya. Lumapit ito sa akin at tinutok sa mukha ko ang flashlight.

"Ano ba! Nasisilawan ako," iritadong sabi ko at pilit umiwas sa liwanag.

"Oh, I'm sorry," he politely said. Binaba ulit nito ang flashlight. "Ikaw pala yan, Zac."

Napalunok ako. I can feel my lips shaking. I must look so pale right now. Mas bumilis ang pagtaas-baba ng dibdib ko.

He recognized me but not as Azie as he used to call me. Wala nga itong naaalala. Kung meron man, ang nangyari lamang sa natapos na reunion.

"Don't you really know me?" pagbabasakali ko.

Kumunot ang kanyang noo. "Are you not Zac?" he asked, confused.

I sighed. Hindi nga niya ako naaalala sa paraang gusto ko.

"Ako nga," sabi ko. "Bakit nandito ka?"

"Sa'yo ba ang kotse na 'yon?" turo nito sa direksyon kung saan naiwan ang kotse ko. "Nadaanan ko kasi kaya napahinto ako. Naisip ko baka nasiraan kaya tumigil pansamantala pero napansin kong walang tao. Kaya naglibot ako at nakita kita. Natanaw kitang tumatawag pero hindi na umilaw ulit ang cellphone mo."

"Are you stalking me?" lakas-loob kong tanong.

"What?" bulalas niya. Parang hindi ito makapaniwala na naitanong ko iyon. "I'm not."

Bakit kasi lumabas iyon sa bibig ko?

"Okay," seryosong sabi ko. "Now, go."

"I'm here to help you," saad nito. "Nasiraan ka ba ng sasakyan?"

"Marunong ka ba mag-ayos ng sasakyan?" tanong ko.

Umiling siya. "I don't know how to fix your car, but I can offer you a ride home."

"At iiwan ko ang sasakyan dito?" mariing sabi ko.

Tumango siya. "May kilala akong pwedeng tawagan para mag-ayos but not tonight. Malakas masyado ang ulan at delikado ang daan dito."

We fell in silence. Kailangan ko ng tulong, oo. Pero bakit siya ang kailangan tumulong sa akin?

"Ayoko."

"What do you mean by that?" nahimigan ko ang iritasyon sa boses niya.

"Umalis kana. Iwan mo na ako dito. May susundo na sa akin," I lied.

"You're lying," he firmly said.

"I'm not," matigas na sabi ko.

He deeply sighed. "Then, I have no choice."

Tiniklop nito ang payong at binulsa ang cellphone saka tumalikod. Akala ko ay iiwan nga niya ako pero hindi ito humakbang. Mayamaya ay humarap ito sa akin at lalong lumapit. Napapatras naman ako hanggang sa dumikit na ang likuran ko sa puno.

"What are you doing?" tarantang sabi ko.

"I insist to get you home tonight," sabi niya at pinangko ako. Napasinghap ako sa ginawa niya.

"Put me down," sigaw ko. "Ano ba!"

Nagsimula na itong maglakad. May hawak itong flashlight at payong sa magkabilang kamay habang buhat ako. Nagpumiglas ako para maibaba ako ngunit hindi ito natinag. He continued walking like he knew the place so well.

Bigla itong huminto. "If you keep moving, bibitawan talaga kita."

"Better."

"Okay," akma nitong bibitawan ako. "So you can greet the snake before us."

YOU ARE MY HOMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon