Chapter 5: Temptation

6.7K 35 0
                                    

Masaya si Ren na naging kami na ni Ryel. Pero si Rie parang hindi ganun kasaya. Iniisip din nya siguro na masyadong mabilis lahat. Na baka masaktan lang uli yung kaibigan nya. Naiintindihan ko naman sya. Papatunayan ko nalang sa kanila na mahal ko talaga si Ryel.

After ng party nagpunta na din kami sa kwarto dahil sa sobrang pagod mag asikaso ng mga bisita.

Yel :"Xie, ano tawagan natin?" Dumapa pa talaga sya para mas malapit sya sakin. Ako naman nakatitig lang sa kisame.

Ako :"Hmm. Ano ba gusto mo? Baby, sweetiepie, cupcake, bukopie?" Seryosong sagot ko na hindi nakatingin sakanya.

Yel :"Hmp. Ang korni naman e. baby?"

Ako :"Common na yun pala. Saka hindi ako sanggol. :P "

Yel :"Yam?"

Ako :"Burger? Haha"

Yel :"Ayaw mo naman ako tulungan e. :("

Humiga na uli sya sa kama. She crossed her arms na para bang nakanguso pa sya. Para syang bata. :) she is so beautiful..

Dumagan ako sa kanya, asa magkabilang gilid nya yung mga braso ko para suportahan ko yung bigat ko. Hindi nya ko pinansin. Ayaw pa din nya ngumiti.

Kiniss ko sya sa noo. Sa ilong. Sa baba. Sa pisngi. At sa tenga nya. Bumulong ako sa kanya.

"I want you to be my boo. I love you, Boo. " bulong ko sakanya.

Hinila nya ko sa kanya na halos lahat ng bigat ko nasa katawan na nya. Inakap nya ko ng mahigpit.

"I love you too, Boo. " bulong din nya.

Lumayo ako ng unti sa kanya para makita ko sya. Ang ganda nya talaga. Ang pula ng labi nya na mala-Angelina Jolie lang. Namumula yung mga pisngi nya at yung mga mata nya na parang laging iiyak.

Dahan dahan kong nilalapit ang mukha ko sa kanya. Sya naman nakatitig sa labi ko.

I kissed her. But this time, gentle than before. We have all the time tonight. So why rush? :)

Nilipat nya yung braso nya sa batok ko. Favorite spot nya atang kapitan yung batok ko. Nilagay ko naman yung isang kamay ko sa bewang nya at yung isa ay nakasuporta pa rin sa katawan ko.

She has the sweetest lips i've ever kissed. Naghihiwalay kami paminsan minsan para huminga at magtitigan.

"Mag shower na muna ako ha? Sobra pawis ko na e. " sabi nya sakin ng maglayo uli kami.

I nodded and smiled at her. Lumabas na sya ng room para mag shower. Ako naman nakatitig sa pinto dahil sinundan ko sya ng tingin. I still can't believe that we're together. Napakabait nya, napakalambing, ang tanga tanga ng ex nya para ipag palit sya sa iba. Pero siguro kaya nangyari yun kasi para sakin talaga sya. :))

Hindi ko namalayan. Nakatulog na pala ako kakaisip...

"Boo. Boo! Gising ka na. Ikaw na maligo. Baho mo na oh. " panggigising sakin ni Ryel. Niyuyugyog pa nya yung braso ko. Hinila ko nga sya. :D

Napatili pa sya ng mahulog sya sakin. Nakadagan na sya sakin ngayon. Nakapikit parin ako.

"Boo naman e. kasyado mo! Bangon na bilis!" Sabay kiss nya sa ilong ko. Babangon na sana sya pero hinila ko sya.

Pagdilat ko nagulat ako kasi hindi pa pala sya nakakabihis. Inaayos nya yung towel na nakatakip sa katawan nya. Siguro muntik ng malaglag yun kanina sa pagkakahila ko sa kanya. Sayang! Joke. :))

"O yang bibig mo isara mo at baka pasukan ng langaw. Labas na at magbibihis na ko. " sabi nya sakin habang hinihila nya ko patayo sa kama.

"Ang sexy mo naman Boo. :)" binasa ko pa yung labi ko saka ko kinagat habang tinitingnan ko sya mula ulo hanggang paa at paakyat uli.

Ang hot ng girlfriend ko! Wooh!

"Hoy Maxine Jillian Cruz Perez. Maliligo ka ba o maliligo ka?" Taas kilay pang tanong sakin ni Ryel.

"Opo, eto na po, tatayo na po Rhiz Ysabelle Fausto Briones! Inaadmire lang kasexy-han mo e. sungit. " sagot ko sakanya bago ko sya kiniss at tumakbo palabas ng kwarto.

Pagkatapos ko maligo, naglaro lang kami ng baraha, nagkwentuhan, nag lambingan. Pinipigilan ko yung sarili ko na gawin yung gusto kong gawin. Hindi ko kasi alam pano sya mag rereact. Iniisip ko kung pano ko uumpisahan.

Napansin nya na may iniisip ako kaya nagtanong sya.

"Boo? Kanina pa ko nag kukwento. Ikaw naman kanina pa tulala. Ano bang iniisip mo?"

Nakahiga na kami sa kama. Nasa braso ko yung ulo nya at nakaakap sya sakin.

Halos damang dama ko na yung buong pagkatao nya kaya hindi ko alam pano ko magrereact. As in.

Ngumiti lang ako sa kanya. Naramdaman ko na uminit yung pisngi ko. Aww. Nahalata ata nya yung iniisip ko.

Ngumiti sya at dumagan sakin. Gaaahhhhdd!! O_o nilagay ko naman sa bewang nya yung dalawang kamay ko. Nagtititigan lang kami, siguro mga 2minutes kaming walang kibo.

"Boo?" Halatang ninenerbyos pa ko dahil nanginginig boses ko.

Hindi sya kumibo. Nakatitig lang sya sakin. Sa labi ko.

"Gusto mo ng kiss? :D" biro sa kanya para naman hindi kami masyadong seryoso. :))

Ngumiti lang sya at inakap ako.

"Boo, mahal na mahal kita.." Bulong nya sakin.

Nagpalit kami ng pwesto. Inikot ko sya kasi gustong gusto kong nakikita yung maganda nyang mukha. I can see in her eyes na parang may doubts pa sya sakin. Siguro nag woworry sya baka mahal ko pa yung ex ko.

"Boo, mahal na mahal kita. Yung meron tayo, etong nararamdaman ko ngayon, sayo ko lang to naramdaman. Sana hayaan mo ko na iparamdam sayo araw araw kung gano kita kamahal." Sinabi ko naman sa kanya. Nangingilid na yung mga luha nya. Hinalikan ko yung nga labi nya.

It became more intimate.. More sensual..

***

- :) boobear

Sana 'Di NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon