Chapter 39: Effect

4.8K 51 8
                                    

Daming nag babasa. Pero kakaunti yung bumoboto. :((

***********

Pag dating namin sa mall direcho agad kami sa favorite naming kainan, Red Ribbon. Uupo na sana ko pero pinigilan nya ko.

"Boo ikaw umorder. :)" nakangiting sabi nya sakin.

"Ikaw na Boo. Nahihiya ako. :(" sagot ko naman.

"E Boo naman. Ikaw na please? Ngayon lang e. :(" sabi nya sabay pout. Syempre dahil mahal ko sya ade pinaupo ko na sya at ako na umorder. ;)

Pagkatapos ko umorder, pinuntahan ko na sya sa table.

"Boo yung sched mo di mo pa sinesend sakin. :(" sabi nya habang tinitingnan yung mga notes ko.

"Sige Boo sesend ko na sayo. " sabi ko naman at kinuha ko yung phone ko sa bag ko. Pagkatapos ko isend binaba ko na sa table yung phone ko. Pero hindi pa nagtatagal e kinuha na nya agad.

"Bilis a?" Nakangiting sabi ko.

"Syempre. Mainam na yung nababantayan ka. " seryosong sagot naman nya.

Hindi ako kinakabahan na hawak nya yung phone ko. Hindi naman kasi ako nag rereply sa mga text ni Lucky. Syempre nagpapakatino na ko e. :)

"Aba. Nakapag bura agad a. " sabi nya sabay baba ng phone ko sa table.

"Tamang duda ka na naman. "

"Galit ka na nyan?" Parang naiinis na tanong nya.

"Hindi ay. Boo naman. Mag aaway ba tayo?" Tanong ko sakanya.

"Syempre hindi. :)"

Maya maya pa ay dumating na yung pagkain namin at kumain na kami. Naalala ko naman bigla yung event next Friday.

"Boo andito ka ba next Friday?" Tanong ko sakanya.

"Uhm. Hindi ko pa alam e. bakit?"

"May event kasi sa school. Talent portion ng mga kasali sa pageant tapos may concert yung..mga dancers." Hindi pa ko sigurado kung dapat bang sinabi ko pa yung tungkol sa concert.

"Hhmmm. Yung talent portion ba talaga ang panunuorin natin o si Lucky?" Hindi nakatingin nyang tanong.

"Boo naman. Kung ayaw mo po naman ade hindi tayo pupunta. " sagot ko sakanya. Hindi pa din sya tumitingin. Ayaw din nya kumibo.

"Boo?" Tawag ko sakanya. Tumingin lang sya sakin.

"Galit ka ba?" Tanong ko ng tumingin sya. Umiling lang sya.

"Boo? Bat ayaw mo ko kausapin?" Tanong ko uli sakanya. Hindi ko alam kung maiinis ba ko dahil ayaw nya ko kausapin o ano. Hay!

"Tara na umuwi. " aya nya sakin pagkatapos nya manahimik ng napakatagal. Hindi na ko kumontra. Umuwi kami sa bahay ng hindi nag uusap.

Pagdating sa bahay, tahimik parin sya. May 2hours pa ko bago yung next subject namin. Nasa salas lang sya. Nanunuod ng tv, at parang wala ako sa bahay. Hay.

Lumapit ako sakanya. Tinabihan ko sya at inakbayan. Deadma parin.

"Boo? May problema ba tayo?" Tanong ko sakanya. Hindi sya lumilingon. Sa tv lang sya nakatingin. Hay. Nakakagago na.

Humiga nalang ako, umulo ko sa hita nya. Wala pa din syang imik. Hay. Bat ba ganto? :((

"Uuwi na ko bukas. " biglang sabi nya. Napaupo ako sa gulat.

"Boo naman! Kauuwi mo lang babalik ka na naman don!" Naiinis na sagot ko sakanya.

"Para makabalik ako next week. Para makanuod tayo. " walang kagana ganang sagot nya.

"Boo kung mag aaway lang tayo dahil dun wag na tayo pumunta. "

"Pupunta na nga tayo. Ok lang naman. Pumasok ka na. Anong oras na. " mas malambing na yung tono ng boses nya ngayon.

"Ok lang ba talaga sayo Boo?" Tanong ko sakanya habang nakatitig sa mga mata nya.

"Oo nga. Wag ka na mag isip ng kung ano. " sabi nya at saka ako dinampian ng halik sa labi.

Bago pa sya tuluyang makalayo, hinawakan ko yung ulo nya, hinalikan ko sya. A very passionate kiss. :"> the kiss that i missed for so long.

"Can you stay until Sunday please?" Tanong ko sakanya ng maglayo kami after the kiss.

"Let me think about it. Sa ngayon, pumasok ka na muna dahil baka malate ka pa. " sagot nya at saka pinisil pisil ang ilong ko.

"Boo. Maaga pa. ;)" sagot ko at saka ko sya nginitian ng makahulugan. :)))

"Boo ha. Tanghaling tapat. " taas kilay nyang sagot pero hindi din nya mapigilan ang mangiti. :)

"I missed you Boo. You know that?" Malambing kong sabi sakanya.

"No. Haha. :)" sabi nya at saka nag behlat.

"E ako namiss mo? :)" tanong ko saka ako ngumiti ng sagad. :D

"Hmmm. Palagay mo Boo?"

"Hindi ata e?" Sagot ko saka ako ngumuso.

"Namiss kaya kita! Sooobbbrrraaaa!!!"

"Kiss mo ko para maniwala ako. :)" sabi ko naman. Kiniss nya ko sa lips.

"E yung madami para mas nakakapaniwala. :D" pangungulit ko sakanya. Kiniss naman nya ko ng madami. :)

Inakap ko sya ng mahigpit saka ko sya kiniss ng maraming marami. :)

"Sige na Boo pumasok ka na po. Ayokong malate ka. " sabi nya habang akap ko sya.

"Sige Boo. Uuwi ako agad. Gusto mo pasalubong?" Tanong ko sakanya.

"Uhm. Wag na Boo. Para namang meh malapit na mabibilan sainyo ng masasarap. Hehe. " sagot nya habang inaayos yung towel ko sa likod.

"Ay kayabang nare. Ako nalang pasalubong mo. :)" sabi ko saka ko hinila yung kamay nya para iakap sakin.

"Gusto ko yan. :D" sabi naman nya ko saka nya ko kinagat kagat sa braso.

"Aray ko Boo!" Sabi ko habang ngumingisi ngisi ako.

"Kakagigil ka Boo e. sige na pasok ka na po. I love you. Pakabait ka ha?" Bilin nya sakin habang nakaakap sya sa batok ko.

"Opo. Opo. Opo. I love you more. Hintayin mo ko ha? Uuwi din ako agad. 2hours lang naman yung susunod kong klase e. " sabi ko sakanya habang kini-kiss ko sya sa noo, pisngi at labi.

**********

Sunday nga umuwi si Ryel. Wednesday daw sya babalik. Medyo magpapa-good shot daw muna sya kila Nanay para hindi sya ganong makagalitan. Hindi na ko umuwi ng Bulacan tutal may pasok rin naman kinabukasan.

"Ate? Namimiss na kita. :( tagal mong hindi nagtetext. Sana po makanuod ka sa friday. Para po sayo yung mga sasayawin ko. " text ni Lucky kaninang umaga na ngayon ko lang nabasa. Buti nalang nakaalis na si Ryel nung nagtext sya.

Hindi ko alam bakit ba may kakaibang epekto sakin si Lucky. Gusto ko naman talagang umiwas. Pero bakit ganun? Bakit hindi ko sya maiwasan? Hay. Ano ba talaga tong nararamdaman ko? All this time na hindi ko sya tinetext, nahihirapan ako. Gustong gusto ko sya itext pero ayoko namang masaktan si Ryel. Hay. Bakit ba ganito. :( ano bang dapat kong gawin?

***

- :) boobear

Sana 'Di NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon