Chapter 38: Jealous

4.8K 42 26
                                    

Hello mga mahal ko. :) dahil isa na rin sa readers ko si RYEL, ginaganahan ako mag UD. :) galing talaga ng Boo ko. Kahit hindi ko sinabi sakanya title ng story nahanap pa din nya. :) Mga mahal paki-comment nga sa chapter na to na mahal ko si Boo. :) tatanawin kong malaking utang na loob yun mga mahal. Dadalasan ko na rin mag UD pag madaming nagcomment ng ganun. :) thank you mga mahal. :)) comment and vote mga mahal ha? :*

****************

I woke up in the middle of the night. Ryel is softly asleep, with her head resting on my arm and her arm hugging me close to her. She is so innocent. Her lips, red and tempting.

I brushed the back of my hand on her cheek, she moved, moved closer to me and hugged me even tighter. I kissed her forehead.

"I love you. " she whispered.

"Mahal na mahal kita. " i answered softly.

I hugged her tight and she responded back by hugging me as well.

Narealize ko lahat ng pagkukulang ko sakanya. Lahat ng pagkakamali ko. At kung gano ba nya ko kamahal. Sino ba naman kasi ang mag tya-tyaga na bumyahe para lang makita ako? Di ba sya? E ako nga ni intindihin sya hindi ko magawa.

I made a promise to myself na iintindihin ko na sya. Na iiwasan ko na si Lucky. Na magiging loyal na talaga ko kay Ryel. I won't risk my Boo. Not again. :(

Next morning, nagising kami sa usual na panggising namin, yung mga kasama namin sa bahay na gumagayak.

"Good morning Boo. " bati ko sakanya.

"Good morning Boo. Sakit likod ko. :(" sagot naman nya. Sa salas na naman kasi kami natulog kaya hindi na naman komportable tulog nya.

"Masahe kita gusto mo?" Sabi ko sakanya.

"E gumayak ka na. Tinatamad ka lang pumasok e!" Sabi nya sabay pisil sa ilong ko.

"Yuck ka Boo. Ka-oily ko e!" Sabi ko sakanya sabay alis ng kamay nya sa ilong ko.

"Arte nato. " sagot nya at saka sya nag pout.

Kiniss ko sya sa lips dahilan para ngumiti sya. :">

"I missed you. " i kissed her nose. "So much. "

She smiled, this time, it was breathtaking. :">

After namin mag breakfast together, gumayak na ko for school. Gaya ng lagi nyang ginagawa pag andito sya, nilalagyan nya ng gauze towel yung likod ko. Baby ako e. :) ayaw nya kasing nag kakasakit ako.

"Ano pala schedule mo Boo?" Tanong nya habang inaayos yung towel sa likod ko.

"Itetext ko sayo Boo. Hindi ko pa kabisado e. pero mahaba vacant ko ng lunch ngayon. Sabay tayo maglunch?" Tanong ko sakanya.

"Puntahan kita or puntahan mo ko?" Tanong nya.

"Ako nalang pupunta sayo. :)" nakangiting sagot ko sakanya.

"Huu. Ayaw mo lang na makita ko si Lucky e. " pang aasar naman nya na may kasama pang nguso.

"Boo naman. Deh sige ikaw nalang pumunta don. Ayoko lang naman mapagod ka e. " sagot ko sakanya.

Inakap nya ko mula sa likod ko.

"Biro lang naman Boo. Defensive masyado. Anong oras mo ko sunduin?"

Humarap ako sakanya at inakap ko sya.

"Gayak ka ng mga 11 kasi 1hour mahigit yung mga orasyon mo. Tapos mga 1230 andito na ko. :)" nakangiting sabi ko sakanya. Humarap sya sakin at piniga nya uli yung ilong ko.

"Ang OA mo Boo. 1hour mahigit? Hindi naman e!"

"Aww! Naku. Sige na Boo aalis ako na ha?" Sabi ko sakanya at kiniss ko sya sa ilong.

"Be good. Wag masyadong friendly. Last na to. " bilin nya. Parang may kumurot sa puso ko nung sinabi nyang last na.

"Anong last na?" Tanong ko sakanya.

"Last na chance na. Pag naulit pa wala na. Game over na. " paliwanag nya habang inaayos ayos yung shirt ko.

"Boo naman. :("

"O bakit? Uulitin mo pa ba?" Taas kilay na tanong nya.

"Syempre hindi na. I love you e. :)" sagot ko naman sakanya.

"Huu. I love you too! Sige na pasok na. " sabi nya at kiniss nya ko sa lips.

Pag dating ko sa school, si Lucky agad ang nakita ko sa gate. Nginitian nya ko gaya ng lagi nyang ginagawa na may kasama pang kindat. Yumuko ako, iniwasan ko sya. I made a promise. Hindi ko yun dapat sirain. Nang mapatingin uli ako sakanya, nakasimangot na sya. Para syang nasaktan. Nakaramdam ako ng awa. Pero hindi ko na inisip yun at inalis ko na uli yung tingin ko sakanya.

After ng first class ko, pinuntahan ko na sila Elyn sa tambayan namin, magkaiba kasi kami ng schedule sa umaga kaya hindi kami magkaklase kanina.

"Balita?" Tanong ko sakanila pag dating ko.

"May concert pala sila Lucky. After ng talent portion ng mga lalaban sa pageant. " sagot ni Elyn.

"Ah. Di ba next friday na yun?" Tanong ko naman.

"Oo. Nuod tayo ha?" Aya ni Shane.

"Tanungin ko muna si Ryel. Alam mo naman yun seselos kay Lucky. " sagot ko naman pagkaupo ko.

"E may dapat naman kasi talagang pag selosan. " bulong ni Elyn.

"Aba. May pinaghuhugutan ang abay ko!" Malakas na sabi ni Shane.

Hindi na ko kumibo. Tama naman kasi si Elyn. Mali naman nga kasi ako. Kaya nga magbabago na ko di ba? Hmm.

Pumasok na kami sa next subject namin. Math05. Pag pasok namin, nagtitinginan na naman sila. Hirap ng sikat. Chos! :))

Hinanap ko sa room si Lucky. Wala sya. Bakit kaya? Absent? Hindi. Kanina asa gate sya e. baka umuwi nung hindi ko nginitian? Ang OA ko naman mag isip! Saka bat ba hinahanap ko sya? Sus.

Nakinig na ko sa discussion. Pero kahirap makinig, iniisip ko kasi kung asan ba si Lucky.

Siniko ako ni Elyn na katabi ko. Tumingin ako sakanya, pero sya sa labas nakatingin. Sinundan ko naman yung tingin nya. At nakita ko si Lucky na nagsasayaw sa labas. Kaya pala hindi pumasok. May practice.

Hindi ko masyadong naririnig yung tugtog. Pero nakatingin sya samin, sakin. At tumuturo turo pa sya. Napapangiti naman ako, kaya ngumingiti din sya. Ay sauce! Napatingin ako kay Elyn na nakatingin din sa labas. Nakangiti din sya. Hindi kaya silang dalawa yung nag ngingitian? Pero hindi e. sakin nakatingin si Lucky. Hay! Eto na naman ako. :(

After class kilig na kilig si Elyn na lumabas ng room.

"Grabe. Parang ako yung sinasayawan ni Lucky kanina! Sobrang nakakakilig! Nakatitig sya sakin tapos nginingitian nya ko! Grabe talaga!" Kilig na kilig na sabi ni Elyn.

Nagpaalam na ko sakanila. May date pa kami ni Boo. Ano naman sa puso ko kung sya nga yung nginingitian ni Lucky? Sus.

Pag dating ko ng bahay, nakagayak na si Boo. Naglalagay na naman sya ng kung anu-ano sa mukha nya. VAIN. Hahaha. :))

"Hi Boo. Ready?" Tanong ko pag pasok ko ng pinto.

"Not yet. Give me 10minutes. :)" nakangiting sabi nya habang nagpapahid sa mukha ng kung ano.

"Oki. Hindi mo naman kasi kailangan mag lagay ng ganyan e. maganda ka na. " sabi ko ng umupo ako sa harap nya.

"I know right. Haha. E Boo para lang ma-maintain ang beauty. Para yung iba jan e hindi nag hahanap ng iba. " sagot naman nya.

"Wuuu. Selos na naman. Ikaw lang mahal ko Boo. " paliwanag ko naman.

"Defensive ka talaga Boo. Tara na nga!" Aya nya sakin ng matapos sya sa orasyon nya.

Bothered pa rin ako kung sino ba talaga samin ni Elyn yung nginingitian ni Lucky. Bat ba affected ako? Iiwas na ko di ba? Hay. Bat ba kahirap iwasan naman? Hay. :((

***

- :) boobear

Sana 'Di NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon