Chapter 7: Early Birthday Gift

6.5K 31 2
                                    

Enrollment na. Bagong school na naman. 4th year college na sana ko. Pero dahil pinag shift ako ng course ng parents ko 3rd year palang ako ngayon.

Nasa apartment ni Ren si Ryel ngayon kasama si Rie. Maaga naman ako umalis ng bahay para mas mahaba yung time namin na magkasama.

<<"Boo andito na po ako sa gate. " text ko sa kanya pag kababa ko ng tricycle.

Maya maya lang binuksan nya na yung gate. Hindi pa sya nakagayak, 830am palang kasi. Binati nya ko ng smile nya. Syempre bawal ang kiss at nasa labas kami. :))

Pag pasok namin ng bahay wala pang tao sa salas.

"Asan sila Boo?" tanong ko sa kanya.

"Tulog pa e. napuyat siguro kagabi. Kumain ka na ba Boo?" Tanong nya habang nagtitingin sya sa ref ng pwede nyang kainin.

"Opo. Ikaw kain ka na muna. " sagot ko naman sakanya.

Lumapit sya sakin, may kinuha sya sa ilalim ng table at inabot sakin yung dalawang box. Yung isa malamang ring or necklace ang laman kasi medyo maliit lang. Yung isa naman medyo malaki dun sa isang box pero di ko maisip ano yung laman.

"Hmm?" Yan lang nasabi ko ng iabot nya sakin yung mga kahon.

"Open it! Open it!" Sagot naman nya. Para pa syang bata na excited na excited. Cute. :)

Inuna kong buksan yung maliit na box. Ring nga yung laman. Kinuha nya yung isang ring, hinawakan nya yung kamay ko saka nya sinuot sakin. Ganun din naman yung ginawa ko.

"Ang cute naman nito Boo. :) bagay satin. Thank you!" Sabi ko sakanya saka ko sya kiniss sa lips.

Silver ring sya na hindi magkatuloy. Yung dalawang end nya may sea green na bato na design. Naisip ko bigla yung sabi sakin ng kaibigan ko dati na hindi daw maganda yung ring na may end dahil hindi mag tatagal yung relation. Kinabahan ako ng unti pero hindi ko na masyadong inintindi yon.

"Buksan mo din yan Boo. Advance birthday gift ko yan sayo. :)" excited na sabi nya sakin.

"Excited ka naman Boo. Two weeks pa mula ngayon yung birthday ko e?" Sagot ko sakanya habang binubuksan ko yung isang box. Green na relo yung laman ng box. Ang ganda nya. Limited edition pa.

Bago pa ko makapag salita inunahan na nya ko.

"Napansin ko kasi wala ka ng relo kasi hindi mo na sinusuot yung bigay ng ex mo. Kaya bumili nalang ako. Saka para tuwing ichecheck mo yung time, ako maaalala mo. :) advance happy birthday Boo! I love you!"

I was in awe. Ang galing nya pumili ng regalo. Wala na kong nasabi. Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi kasi ako makapag construct ng tamang sentence to thank her.

"Boo pwede mag salita. :) baka matunaw nalang ako dito kakatitig mo. :)" sabi nya habang hawak hawak nya yung mukha ko.

Hinawakan ko yung mga kamay nya at hinalikan ko.

"I can't find the right words to thank you enough. Alam mo naman na kahit wala tong mga to, makasama lang kita sobra mo na kong mapapasaya. Thank you Boo. Thank you dito, sa lahat ng to. Lalo na sa pagmamahal mo." Sabi ko sakanya habang nakatitig ako sa mga mata nya.

"Ayii. Ako na kinikilig Boo. Haha. :) wala po yun. Basta ikaw. Mahal na mahal kita e. sobra. " sagot naman nya sakin.

Sinamahan nya ko mag enroll sa bagong school na papasukan ko. At dahil irregular ako. Ang pangit pangit ng schedule ko.

"Ano ba yan Boo. 7am-10am tapos 5pm-7pm na kasunod? Ang pangit pangit naman ng schedule mo." Bugnot na bugnot na sabi nya sakin habang inaayos nya yung schedule ko.

"Oo nga Boo e. pano pa kayo ako makakauwi nun e hanggang 7pm lang ang byahe pauwi. Mapapagalitan na naman ako ni Mama nato. " sagot ko naman sa kanya.

1hour na byahe kasi ang layo ng bahay namin sa city kung saan ako nag aaral. At dahil liblib na lugar yung samin, may oras lang ang byahe ng mga jeep.

"Hayaan mo Boo. Kakausapin ko nalang si Mama. Tapos hanap tayo ng apartment mo dito para dito ka nalang titira. Hindi ka pa mapapagod bumyahe." Malambing na sabi nya. Piniga pa nya yung kamay ko at ngumiti sakin.

This feeling. Napakasarap na may nag mamahal sayo. Na alam mong hindi ka pababayaan.

Umuwi na rin ako bago magdilim. Gaya nga ng sabi ni Ryel kinausap nya si Mama. Nung gabing yon tinawagan na nya si Mama at napapayag na mag apartment nalang ako sa isang kundisyon, kung kaming dalawa ang magkasama. Imposible yun, may business kasi si Ryel sa Ortigas na inaasikaso nya. Pero umoo naman si Ryel sa kundisyon ni Mama. Inexplain nalang nya yung tungkol sa business nya kaya napag kasunduan na isasama ko nalang dun yung pinsan ko para kahit wala sya may makakasama parin ako.

Mabilis na lumipas ang mga linggo. Gaya ng normal na nagkarelasyon nagkakatampuhan rin kami pero naaayos naman din agad. Bukas birthday ko na! Aye!

"Boo birthday mo na bukas! :) tatanda ka na." Panunukso ng girlfriend ko habang pinapanood nya kong ayusin yung mga dala dala nyang gamit.

Syempre birthday ko, dapat magkasama kami. :)

"Boo mamaya mo na yan ayusin. Kwentuhan muna tayo. Di mo ba ko namiss? :(" nag pout pa sya at nagpapungay ng mata. Kakaayos ko kasi ng mga dala nya hindi ko agad nasagot yung tanong nya.

"Boo isisinop ko lang po to. Lapit na matapos oh. Wag na tampo. " sagot ko sakanya habang tinutupi ko yung bag na dala nya.

Nagpunta sya sa likod ko at inakap ako.

"Dahil birthday mo bukas, sige hindi na ko magtatampo. :) namiss kasi kita Boo e. sobra."

Humarap ako sakanya at inihiga ko sya sa kama. Napangisi naman sya. Kinikilig? :">

"Boo, you don't know how much i am longing for you."

Then i closed my eyes and move closer to her lips. Then...

KNOCK! KNOCK! KNOCK!

"Dang it!" I snapped.

"Shh.. May mamaya pa Boo. Chill. :)" nakangiting sabi naman sakin ni Ryel.

"Ate kain na daw tayo sabi ni Mama." Sigaw ng kapatid ko.

"Oo sige susunod na!" Sagot ko naman.

Narinig kong bumaba na ng hagdan yung kapatid ko. Tatayo na sana si Ryel pero tinulak ko sya pabalik sa kama.

"Oh? Boo tawag na tayo ni Mama. Baka makahalata yun!" Nag aalalang sabi ni Ryel.

Ako naman todo smile pa din. :) TEASE! :)

"Boo saglit lang. Namiss mo ko di ba? ;)" paglalambing ko naman sa kanya.

Ngumiti nalang sya at namula. :)

Tinuloy ko yung nabitin naming kiss kanina. Sinasabunutan na naman nya ko. Hinawakan ko yung mga kamay nya at idiniin ko sa kama.

I kissed her neck. Mildly sucking on each spot that my lips touches.

"Boo... Baka mag mark yan!" Mahinang bulong nya sakin.

Medyo natawa naman ako, lalo naman syang humagikgik dahil sa nakiliti sya sa hininga ko sa leeg nya.

Tinulak nya ko.

"Boo! Mamaya na ok?!" Nakangiting sabi nya pero alam kong ayaw naman talaga nyang huminto ako.

We kissed once more before we went downstairs for dinner.

I bet this will be my best birthday celebration! :)

***

- :) boobear

Sana 'Di NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon