Chapter 4: Officially Yours

6.8K 43 6
                                    

7pm na. At sa wakas gising na rin si Rie. Akala ko naman sa bahay lang nila Ren uuwi sila Ryel, pero sa Ortigas pala sila uuwi.

>>"Tita uuwi na po kami. Maraming salamat po. :)" napaka jolly ng tone ni Rie, kaya siguro komportable agad sakanya si Mama.

Hindi pala alam ni Yel na marunong ako mag drive. At dahil loko si Rie, sa passenger seat nya pinaupo si Ryel at sya naman sa back seat.

Habang nag da-drive ako, pasilip silip ako kay Ryel na nakangiti habang nakatanaw sa daan.

>>"Ehem. MJ pwedeng magfocus sa kalsada para naman hindi ako kabado dito?" Pabirong sabi ni Rie. Nahuli nya siguro ko na lingon ng lingon kay Ryel.

Natawa nalang kaming lahat. :)

Sumakay na sila ng bus. Umuwi na rin ako. Pag dating ko ng bahay may text agad si Ryel.

>>"Thank you Xie. :) mag ingat ka. Text mo ko agad pag nabasa mo na to. Sobrang thank you. :)"

Maya maya nag ring na yung phone ko.

"Hello?" Sagot ko.

"Nakaalis na tong bus. :) inaasar ako ni Rie. " sagot naman ni Ryel. Parang kinikilig pa sya sa tono ng boses nya.

"Hmm? Bakit?"

"E pano di daw tayo man lang nakapag kiss dahil sa mga tao sa inyo."

Natawa naman ako dun. Haha.

"Kung alam lang nya. Hahaha" sabi ko naman.

Magkausap kami sa phone hanggang sa makauwi sila sa kanila. Napuputol putol din syempre. Pero most of the time magkausap kami.

Ilang araw pa na ganto yung set-up namin. Minsan nung magkachat kami. Inopen ko yung tungkol sa kiss. We never talked about it since nangyari yun.

"Nagsisisi ka ba na nagkiss tayo?" Doubtful pa ko sa words na gagamitin ko.

"Ha? Out of nowhere ka naman magtanong. Haha" sagot naman nya. Ang cute nya talaga pag nakangiti sya. Syempre magkawebcam kami.

>>"Bakit nag sisisi ka ba na nagkiss tayo?"

>>"Hindi. Hindi naman ako ganung tao. Kung ayaw ko hindi ko naman hahayaan na mangyari e. "

Two weeks palang kami na magkakilala. Pero sa two weeks na yun walang araw na hindi kami nag usap, nagchat, nagka-text. Kaya siguro iba na nga yung bond namin.

Hindi ko sigurado kung ano ba kami. Kung ano bang dapat kong gawin. Hindi naman main issue yung age gap. Malapit na ako mag 19, sya naman 23. Hindi naman masyadong magkalayo. Ang iniisip ko kung ready na ba kami pareho. Kagagaling lang namin sa break up pareho. Kakakilala lang namin. Love na ba to? O masaya lang kami?

Birthday ng bunso namin. Syempre invited si Ryel. Hindi daw makakapunta si Rie dahil sasamahan naman nya si Ren.

>>"Hmm. Sige po. :)" yes! :)

Birthday na ni bunso. Sinundo ko na din sya sa babaan. Sobrang masaya ko na nakita ko uli sya. Grabe effort nya, kahit mapagod sa byahe magkita lang kami. :)

Habang nag re-ready para sa party ang lahat, kami naman nasa salas lang. Kachat nya kasi si Ren at Rie.

Nag lalaro ako ng kinalabit ako ni Ryel, pinabasa nya yung message ni Ren.

>>"Kayo na ba? :)" tanong ni Ren.

"Hmm? Ano nga ba?" Tanong ko din sa kanya na naka smile. :D

"E ikaw a? Ano?" Confused na tanong naman nya.

"Oo. Mahal kita e. mahal mo ba ko? " tanong ko sa kanya.

At dahil sa ang puti nya, kitang kita ko na nagblush sya. Haha.

"Oo. Mahal din kita.. " nakangiting sagot ni Ryel.

So we made it official. Kami na nga. :"> sobrang saya ko. Grabe. Alam ko mabilis lahat. Wala pang isang bwan na magkakilala kami. But the feeling is mutual. Masisisi nyo ba kami? Gaaahhhhd.... Ang sarap ng feeling. :)))

***

- :) boobear

Sana 'Di NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon