Chapter 28: Escapade

4.7K 27 0
                                    

I woke up the next morning lying next to her, my beloved Ryel. Nakaakap sya sakin at gaya ng dati, nakasiksik sya sa kilikili ko. Nawala lahat ng sakit o galit na nararamdaman ko ng makita ko yung maamo nyang mukha.

"MJ! Kaya mo na ba pumasok?" Tanong ni Elyn ng makalabas sya sa banyo at makitang gising na ako.

Nagising naman si Ryel ng gumalaw ako at tumingala at parang nahihiyang lumayo sa pagkakaakap nya sakin. Nagkailangan pa kaming dalawa kung ano bang gagawin namin kaya tumayo nalang ako.

"Oo ok na ko. Papasok na ko para makapag exam. Mahirap na rin yung may special exam pa. " sagot ko naman kay Elyn habang nag sisipliyo sya.

Umakyat na ko para mag gayak ng damit at naiwan naman sa baba si Ryel na wala paring imik.

After ko maligo, may nakaprepare na na breakfast. Bilin din kasi ni Mama kay Abby na wag akong pababayaan dahil wala akong alam sa gawaing bahay.

"Boo kain na tayo. " aya ko kay Ryel na nanunuod lang ng tv.

Lumingon sya, unsure if ngingiti ba sya or what. Lumapit ako sakanya, i kissed her head and smiled at her. She smiled and hugged me back.

"I miss you so much!" She whispered to my ear.

"Oh. Tama na yan. Baka malate tayo. " biro naman ni Shane sa amin.

Sabay sabay na kaming kumain. Maiiwan sina Abby at Ryel sa bahay, mamaya naman dadating na rin daw si Cathy.

Kahit wala akong masyadong nareview, confident naman ako sa mga sagot ko kaya nauna na naman akong natapos mag exam kesa kila Shane. Gaya ng nakasanayan ko, umupo muna ako sa ilalim ng puno ng mangga habang hinihintay ko sila.

"Hi ate!" bati ni Lucky habang nag we-wave sya at papalapit sakin.

Hindi ako sumagot, ngumiti lang ako at nag wave din sa kanya.

"Bakit po hindi ka nag rereply? Hindi naman ata yun yung number mo e?" Tanong ni Lucky. Tiningnan ko sya pero sa malayo sya nakatingin.

"Ha? Yun yung number ko. Medyo busy lang kasi. Finals kasi natin. " paliwanag ko naman sakanya.

"Sige po. Basta ate sa bakasyon itetext mo na ko ha?" Nakangiting sabi nya sakin. The way she act, she talk, she move, you can tell that she isn't mature enough. But there is something in her that makes me say yes to her everytime she asks for something. Argh.

Nginitian ko lang sya and she smiled back.

"MJ!!!" Malakas na tawag sakin ni Elyn. Nakakunot ang noo nya. Na parang galit sya na magkasama kami ni Lucky. Iniisip nya siguro si Ryel.

Nagpaalam na ako kay Lucky at pinuntahan sina Elyn.

"Ayan ka na naman ha!" Sabi ni Elyn malayo palang ako sa kanila.

"Wala naman akong ginagawang masama. " sagot ko naman sakanya. Hindi na sya kumibo at sabay sabay na kaming umuwi.

Pag dating ko ng bahay, naka empake na sina Abby at Ryel. Uuwi kasi kami ngayon ng Bulacan dahil bakasyon na. :)

"Boo sabi ko intayin mo ko dumating para ako na nag empake ng mga gamit natin. " sabi ko kay Ryel pagkatapos nya ko dampian ng halik sa labi pag dating ko.

"E Boo pagod ka kasi galing school. Saka baka may maiwan ka na naman. Ulyanin ka e!" Sagot naman nya habang nakaakap sakin.

"Ayii! Labing labing na naman yung dalawa o. Parang walang nangyari a? Haha!" Panunukso ni Elyn.

Hindi nagtagal, umuwi na rin kaming lahat. Si Cathy lang ang maiiwan sa apartmet dahil sya lang naman ang may pasok kahit sembreak na.

On our way home..

"Boo ok na ba tayo?" Tanong ni Ryel sa akin habang nakasandal sa balikat ko.

"Uhmmm.. Siguro. " sagot ko naman sakanya.

Naging tahimik na kami sa byahe. Nakasandal lang sya sa balikat ko, at ako naman sa ulo nya. Magkahawak kami ng kamay at tig isa kami ng headset habang nakikinig sa iPod. Once in a while titingin sya sakin at iki-kiss ako sa lips o cheeks. :) napaka-sweet nya talaga. Pero sana sakin lang nya to ginagawa. :(

2nd day na ng vacation, ngayon din kami pupuntang Batangas, sa resthouse nila Ryel. 2 days kami sa Batangas, at 3days naman sa Ortigas.

Dati rati ay hindi ako pinapayagan nila Mama na mag overnight sa ibang bahay, pero dahil sobrang lakas ni Ryel kay Mama, 1week akong mawawala sa bahay. :)

Matagal tagal din ang binyahe namin mula sa Bulacan hanggang Batangas. Nag commute lang kami dahil sa Batangas na daw kami pi-pick up-in ng sundo nya.

Pag baba namin sa terminal, hinihintay na kami ng black na SUV. Pag sakay namin binati kami ng driver at ng yaya nila.

"Butchoy san tayo diretso?" Tanong ng driver. Butchoy? Haha. :))

Nanginiti ako at tumingin sakanya.

"Kuya Manny naman! Dalaga na ko e! Ryel kasi! Ayaw ko na ng Butchoy!" Parang bata na sabi nya.

Natawa naman ako kaya natawa din sina Kuya Manny at Ate Bising.

"Hmp! Tara na nga sa Bukid kuya!" Sabi uli ni Ryel.

Nag umpisa ng mag maneho si kuya Manny. Lumingon sakin si Ryel at ngumiti.

"Bakit?" Naguguluhang tanong ko sakanya dahil sa makahulugan nyang ngiti.

"You'll gonna love everything i prepared for you. " sagot naman nya.

For now, kakalimutan ko na muna lahat ng naging problema namin. I eenjoy ko na muna yung time na kasama ko sya. Ano kayang ni-ready nya at parang masyado syang excited? Waaah!!! Naeexcite na din ko :)

***

- :) boobear

Sana 'Di NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon