Chapter 21: Mysterious Dancer

5K 21 4
                                    

3 weeks nalang sembreak na. Yung huling week para sa finals at itong darating na week naman ay para sa sportsfest. So isang linggo lang na review ang mangyayari. GUREYYT. (Sarcastic! Hahaha)

Isinali nila ko sa basketball. Kasi daw matangkad ako, advantage eka nila. So pag matangkad pang basketball agad? Haha. Gusto din sana nila ko isali sa volleyball, kaso tinanggihan ko kasi ang sakit kaya nun. Panlaban din nila ko sa word factory. :) mas maraming sasalihan, mas malaki incentives sa finals. :))

Isang araw bago ang sportsfest, bumalik na uli dito sa apartment si Ryel. Naaawa na nga ako sa kanya kakapabalik balik nya dito at sa Ortigas para lang magkasama kami. :(

"Boo may pasalubong ako sayo! Yung paborito mong crinkles!" Sabi nya sabay abot sakin ng isang box na chocolate crinkles. :)

Kahit alam nya na bawal ako sa sweets, hindi pa din nya matiis na hindi ako bilan ng matatamis. Para kasi akong baby kung maglambing sa kanya. :)

"Wow! Thank you Boo! Lagot ka na naman nato kay Mama. 30pcs pa tong binili mo. Hihi." Pananakot ko sa kanya. Alam nya kasi na kagagalitan kaming dalawa ni Mama dahil kinukunsinte nya ko. :)

"Hala! Oo nga. E Boo hindi mo naman kakainin lahat yan e. bibigyan mo pa kami dito saka mag uuwi tayo sa bahay pag bumalik tayo dun.

"Ayoko nga! Akin lang to. Bleh!" Pabirong sabi ko habang sinisimulan ko ng ubusin yung laman ng kahon. :))

"Boo! Wag mo kainin lahat! Andami mo na agad nakain o!" Sabi nya ng agawin nya sakin yung kahon ng crinkles.

Halos di na maipinta yung mukha nya sa inis. :) nabubwisit kasi sya pag malakas ako kumain ng sweets, pero wala naman syang magawa dahil hindi din nya ko matiis. :)

Ngumiti ako sa kanya, full smile na kahit bagang ko e kita na. Natawa naman sya dahil may mga chocolate pa ko sa ipin ko. :))

Pumasok na ko ng malapit na mag 5, may last subject pa kasi akong 5-7, break ko lang kaya umuwi muna ako para masalubong ko sya.

Walang masyadong ginagawa, magpapass nalang kasi ng requirements para sa finals. Nakatanaw lang ako sa bintana. Sa kawalan. Nag titingin sa mga estudyanteng nag papraktis ng kung ano.

May mga nag ba-volleyball na puro naman hindi marunong lumaro. May mga nag ba-basketball na parang nagkakainitan na at magsasapakan na. Mga estudyante talaga dito oo.

Napabaling ako ng tingin sa stage. May mga nagpa-praktis ng sayaw. Oily faces dance crew eka nga nung kaibigan ko. Hahaha. Ang oily daw kasi ng mga mukha ng mga dancer nato. :))

Kung di mo pa tititigan, di mo pa mapapansin na may teacher pala silang kasama. Unano kasi yung prof e. hahaha. Pero gwapo naman. Sa totoo lang, sya lang yung masasabi mong marunong sumayaw. Yung ibang dancer na asa stage ang angas ng dating pero di naman marunong sumayaw.

Tinawag ako ng prof ko, natakot ako kasi akala ko nakita nya ko na sa labas nakatingin. Iche-check lang pala nya yung project ko. :)

Pagbalik ko sa upuan ko napalingon ako uli sa bintana. May babaeng sumasayaw. Ang yabang nya gumalaw. Pero magaling sya kung ikukumpara sya sa ibang dancer na nandon.

Para syang lalaki gumalaw, pero mahaba naman yung buhok nya. Naka-pink pa sya. Pero flat chested. Di ko makita yung mukha nya kasi naka balanggot sya. Part ata ng choreography nila yun at halos lahat sila naka-itim na balanggot.

Nanuod ako sa kanila. Hinihintay ko na baka sakaling tanggalin nya yung balanggot nya para masilayan ko yung mukha nya. Pero nag dismiss na si sir, nganga pa din ako. Hahaha. :)))

Umuwi na rin ako. Hindi ko na hinintay na makita pa sya. Nag aabang rin kasi sakin sa bahay si Ryel.

Pagdating ko ng bahay, andun na rin sila Shane. As usual nag chichismisan na naman silang lahat.

"Hi Boo!" Bati sakin ng girlfriend ko. Kiniss nya ko sa lips ng malapit na sya sakin.

"Ay Shane nakita mo ba si Lucky? Grabe ang hot nya!" Kilig na kilig na sabi ni Elyn kay Shane.

"Hindi nga e! Nakatalikod na sya ng mapansin ko sya. Sayang!" Panghihinayang naman ni Shane.

"May bago na naman kayong prospect. Kayo talaga e. " nakangiting sabi ko ng maupo ako malapit sakanila.

Kumandong sakin si Ryel. Inakap ko naman sya from behind. Nakakamiss kasi talaga yung ganto. :">

"Hayaan mo na sila Boo. Mga loveless e. :)" ngingisi ngising sagot ni Ryel.

"Yabang nyo a. Porket masaya lang kayo e. hayaan nyo, mapapasakin rin si Lucky!" Malakas na sabi ni Elyn na sinundan pa nya ng mala-witch na tawa. :))

Umakyat na ko para magbihis. After non kumain na rin kami. Maaga daw kaming matulog para makapunta agad kami sa venue ng sportsfest bukas. Sasayaw daw kasi yung "Lucky" nila.

Napaisip tuloy ako kung sino yung Lucky na sinasabi nila. Dahil wala naman akong nakitang hot na dancer dun kanina. Knowing them both, pag sinabi nilang hot yung guy, hot talaga.

Sa pag iisip ko, naalala ko yung babaeng naka-pink na sumasayaw kanina. Hindi ko alam bakit out-of-nowhere e naalala ko sya. Dahil ba sya lang yung hot na nakita ko kanina sa mga dancers? Posible kaya na yung Lucky nila at yung mysterious dancer na yun ay iisa? Pero parang imposible talaga. Waaaaahhhh... Makatulog na nga lang!

***

- :) boobear

Sana 'Di NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon