Chapter 12: Caught

5.4K 29 2
                                    

Show me some love readers. :( nalulungkot po ako e. :((

***

I was still standing there at the front door. Staring straight at them. They were so close, sitting beside the table, hands intertwined, eyes locked with each other.

"Boo?" Tawag ko sakanya. Nagulat silang dalawa. Halos malaglag si Cathy sa upuan sa pagkakaatras nya ng monoblock na inuupuan nya. Mabilis namang lumapit sa pinto si Ryel.

"Boo! Kanina ka pa ba dyan?" Kabadong tanong ni Ryel.

"Long enough to see what i supposed i SHOULDN'T see i guess?" I emphasized the word shouldn't, and i gave Cathy a disgusted look. Cathy was just staring at the floor pretending not to hear anything.

"Boo it is not what you think it --" paliwanag nya pero hindi ko na sya pinatapos.

"Magkahawak kayo ng kamay, nag tititigan kayo and you're like just inches away from each other. And you're telling me it is not what i think it is?!" I tried not to raise my voice. Waaahhh. Pero hindi ko na talaga mapigilan sa sobrang selos ko.

"Wag mo syang sigawan MJ!" Sigaw sakin ni Cathy. Tinitigan ko sya ng masama. Lalapit sana ko sakanya pero pinigilan ako ni Ryel.

"Cathy stop it. At wag mo ring sigawan si Xie." Sagot ni Ryel kay Cathy.

Umakyat na ko ng kwarto. Napatingin ako sakanila habang umaakyat ako ng hagdan. Susundan ako ni Ryel pero hinawakan sya ni Cathy sa braso na parang pinipigilan. Tss.

Humiga ako sa kama. Nag talukbong ng kumot at nag dagan ng unan sa mukha. Kahit napakainit hindi ko na nagawang isindi yung electric fan sa sobrang inis ko.

Maya maya pa may nagbukas ng pinto, si Ryel siguro. Lakas naman kasi ng loob ni Cathy kung papasukin nya ko dito. Binuksan nya yung electric fan at umupo sa tabi ko.

"Boo can we please talk? Let me explain please?" Sabi ni Ryel habang dahan dahan na inaalis yung unan na nakadagan sa muka ko.

Pinipigilan ko naman sya na hilahin yung unan. Naiinis parin kasi ako.

"Boo please?" Nanginginig yung boses nya at parang maiiyak na sya. Darn. Wag kang iiyak please!

Maya maya narinig ko na humihikbi na sya at parang pinipigil nya na marinig ko na umiiyak sya. Deym!

Bumangon na ko. Nakita ko sya na nakaupo parin sa tabi ko. Hawak ng dalawang kamay nya yung mukha nya. Taas baba ang balikat nya na parang nahihirapan na sya huminga. Hay! I hate seeing her like this!

"Stop crying. It's not helping." Sabi ko sakanya, pulling her close to me.

Umakap sya sakin. Still crying. I let her head rest on my chest. Inaayos ko naman yung buhok nya habang hinihimas ng isang kamay ko yung likod nya.

"Boo hindi ganun--" subok nya uling magpaliwanag. But i'm too pissed to listen to this so i cut her off.

"No Boo. Don't start it. I don't want to hear anything. Sasabog na ko. Hindi ko kayang makarinig ng kahit ano pa. Wag muna ngayon. " sagot ko sa kanya. Pinipilit kong wag mag taas ng boses sakanya dahil iiyak lang sya lalo.

She cried and cried. Hindi ko alam kung nagi-guilty ba sya o ano kaya hindi na sya nahinto sa pag iyak. Malapit na mag 5. Pero hindi na ko pumasok dahil ayokong maiwan sya na ganto at na sila lang ni Cathy ang maiwan dito.

Tinawagan ko si Elyn.

"Hello? Asan ka na?" Tanong ni Elyn.

"Pasabi sa prof natin hindi ako makakapasok ngayon. Masakit ulo ko e. " sagot ko naman.

>>"Nag text sakin si Cathy. Ahm. Sorry dun ha? Hamo at pagsasabihan ko."

<<"Sige. Salamat. "

Nakatulog na si Ryel, sa sobrang pagod siguro kakaiyak. Bumaba na muna ko para kumain. Wala na dun si Cathy. Si Abby nag luluto na ng hapunan.

"Asan si Cathy?" Tanong ko kay Abby.

"Hindi ko alam 'te. Wala na sya nung dumating ako e. " sagot naman nya.

Maya maya pa dumating na sila Elyn.

"MJ ano na lagay?" Tanong nya sakin.

"Ayun tulog pa si Ryel. Halos apat na oras kasing umiiyak. Di ko naman mapatahan. " sagot ko naman.

"Ay bat naman umiyak ng umiyak si ate Ryel?" Tanong ni Abby.

"Naabutan kasi ni MJ na magkahawak ng kamay si Ryel saka si Cathy. " paliwanag ni Elyn.

"E bat kasi sila magkahawak ng kamay?!" Inis na inis na tanong ko.

"Umamin daw si Cathy kay Ryel na may gusto sya kay Ryel. E ayaw naman ni Ryel at mahal na mahal ka. Kaya sabi nya kay Cathy friends lang talaga sila. E ayun. Dumating ka na. " kwento ni Elyn.

"Wag ka na mag alala MJ kasi ikaw lang naman mahal ni ate Ryel. Kaya wag ka na mag selos. Saka isang inom lang ni Cathy makaka move on na yun. :)" pabirong sabi ni Shane.

Nagtawanan naman kami. Maya maya pa bumaba na si Ryel. Magang maga pa din yung mga mata nya.

"O e bat naningkit na yang mata mong malaki ate Ryel? :)" Panlolokong tanong ni Abby kay Ryel.

"Uhm. Abby naman e. " parang batang sagot nya. Akala namin nagbibiro lang sya pero umiiyak na naman pala.

Nilapitan ko sya at inakap. Hinalikan ko sya sa noo.

"Hala ka Abby. "Pabirong sabi ni Shane.

Nagtawanan naman kami. Tumawa na rin si Abby.

"Tama na Boo. I love you." Malambing na sabi ko sakanya.

Tumingin sya sakin. Basa pa din ng luha yung mga mata nya.

"Boo so--" bago pa sya matapos, hinalikan ko yung mga labi nyang namumula.

Napapikit nalang si Ryel. Nakita ko naman yung tatlo na nakatitig samin.

"Ano ba yan. Masyadong PBB Teens?! Hahaha!" Pabirong sabi ni Elyn.

"Di na nahiya saming mga bata o!" Sagot naman ni Shane.

Nabalutan ng tawanan ang buong bahay.

"Mahal na mahal kita Boo. " bulong sakin ni Ryel at inakap nya ko ng mahigpit.

***

- :) boobear

Sana 'Di NalangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon