"BUWAN"
Gabing kay dilim
Hanging kay lamig
Bituing nagniningning sa kalangitan
Buwang kay gandang pagmasdan.Ika'y maihahalintulad sa buwan
Sapagkat ikaw ang liwanag sa madilim na daan
Buwang kay gandang titigan
Liwanag na nagbigay daan.Ang liwanag ng iyong pagmamahal
Ang siyang dahilan ng aking kasiyahan
Tanging liwanag na nagbigay buhay sa mapait na nakaraan
Buwan na kay gandang pagmasdan.Katulad ng isang buwan
Ang ating pagmamahalan
Sapagkat darating ang araw na kailangan na nating lumisan at magpaalam.Ngunit kahit ganoon pa man ay masaya ako
Dahil ikaw ang nagbigay liwanag sa madilim kong mundo.
Sapagkat lahat ng bagay ay may hangganan
Hanggang sa muli nating pagkikita ay ikaw at ikaw pa rin ang aking mahal.