"PANGAKO"
Salitang ating binitawan
Katagang aking pinanghawakan
Mga pangakong sa una lamang
Na sana ay hindi na lamang natin binitawan.Pangakong hindi kita iiwan
Pangakong ikaw lamang
Pangakong hindi ako lilisan
Pangakong hanggang ngayon ay aking pinanghahawakan.Ngunit hanggang kailan ko pa ba ito ipaglalaban?
Lalo't alam ko namang ika'y hindi na mahahagkan.
Hanggang kailan pa ba ako aasa?
Na sana isang araw ay muli kang makasama.Umaasa sa mga pangako nating dalawa
Ako'y umaasang talaga
Ngunit bakit ganito?
Sa tuwing naaalala ko ang pangako mo'y nadudurog ang puso ko.Pasensya kana
Sapagkat hindi ko pa kayang bitawan ka
Hayaan mo akong mahalin ka
Kahit alam ko namang may bago na.Hayaan mo muna sana akong kumapit pa
Kahit alam ko namang wala na talaga
Hayaan mo muna ako
Sapagkat hindi ko pa kayang lisanin ang taong naging mundo ko.Habang ako'y patuloy na kumakapit sa pangako mo
Ay isa lamang ang hiling ko
Yun ay ang tuparin mo ang mga pangako mo sa bago mo
Sapagkat kaya ko namang ihanda ang sarili ko.Nakapag disisyon na ako
Handa na akong bitawan ang pangako mo
Hahayaan na kita sa mga plano mo
Handa kitang suportahan sa desisyon mo.Kasabay ng pagbitaw ko sa mga pangako mo
Ay ang tuluyang paglimot sayo
Kasabay ng pagbitaw ko sa mga kamay mo
Ay siya ring paglaya ng puso ko
Mahal ko.Ngunit siguro ay hanggang dito nga lang talaga tayo
Hiling ko na sana ay matupad ang mga pinangako mo
Hindi man para sa akin
Ngunit para sa sarili mo at sa bagong dahilan ng kasiyahan mo.