"PAGBITAW"
Pagbitaw salitang pilit kong iniiwasan
Ngunit paulit ulit na sumasagi sa aking isipan
Kailangan ko pa bang lumaban?
O mas kailangan ko ng ikaw at bitawan.Hindi mo na ba ako kayang ipaglaban?
Kaya't ako'y iyong bibitawan?
Sa tuwing tayo'y may pagtatalo
Pagbitaw ang laging solusyon mo.Sa lahat ng problemang ating kinakaharap
Salitang pagbitaw ang lagi mong hanap
Ngunit kailan mo hahanapin ang salitang paglaban?
Ni minsan ay hindi mo ito hinanap.Sa tuwing may hindi pagkakaunawaan
Lagi mong sinasambit na ako'y iyong bibitawan
Ngunit ako naman itong si tanga
Na laging nagmamakaawa na huwag mo akong bibitawan.Ano bang mali ang aking nagawa?
Bakit biglaan mo na lang ako bibitawan?
Bakit biglaan mo na lang ako iiwan?
Bakit hindi mo na ako kayang ipaglaban?Panahon na nga ba ito?
Upang ako'y bumitaw na rin saiyo?
Kailangan kona nga bang sumuko sa kung anong meron tayo?
Kailangan ko na bang isuko ang mundo ko?Siguro nga ay kailangan na
Sapagkat ako'y pagod na
Nakakapagod rin pa lang magpatuloy sa pagkapit kahit alam kong ikaw na mismo ang bumitaw
Mahal kita ngunit kailangan ko ng isuko ka para sa kaligayahang hindi mo na sa akin nadarama.