Ika-Limang Tula

7 1 0
                                    

"PANSAMANTALA"

Pansamantala huling salitang iyong binitawan
Sabi mo'y pansamantal muna tayong magpahinga
Pansamantala muna tayong maghiwalay na dal'wa.

Ngunit ang salitang pansamantala
Ay tila naging permanente na
Sapagkat habang ika'y nagpapahinga
Ay nakahanap ka ng iba.

Tila ba parang binalewala mo ako nung nakilala mo siya
Tila ba parang nakalimutan mo na may iniwan ka pansamantala
Nakalimutan mo na yatang may tayo pa.

Nakalimutan mo ba talaga?
O sinadya mong kalimutang may ako pa
Tila ba'y balewala lamang sayo ang salitang tayo
Dahil nagkaroon na ng kayo.

Sana ay sinabi mo na lang
Na hindi na ako
Na hindi  na tayo
Upang hindi na tayo nagkaganto.

Sana ay hindi mo na lamang sinabi ang salitang pansamantala
Kung sa huli ay bibitaw ka rin naman pala
Sana'y sinabi mo na lamang na ayaw mona.

Dahil ang buong akala ko
Ang salitang pansamantala ay magbabago pa
Ngunit nagkamali pala ako
Sapagkat ikaw mismo ang nagloko.

Pansamantala?
Pansamantala mo akong iniwan
Ngunit sa iyong pagbalik ay may bago kana
Ang salitang pansamantalang pahinga ay naging paalam na.

Labing Dalawang TulaWhere stories live. Discover now