"PAGLAYO"
Sampung hakbang papalayo
Mula sa ating tagpuan
Kung saan tayo nagsimula ng lahat
Ngunit dito rin pala tayo magwawakas.Kasabay ng pagtalikod mo
Ay siyang unti unting pag agos ng mga luha ko
Habang binibilang ko ang hakbang mo
Ay siya ring kasabay ng pag durog ng puso ko.Sa lugar na ito
Dito tayo nagtagpo
Dito tayo nangako
Dito tayo nangarap.Ngunit lahat ng ating pangako
Lahat ng ating pangarap
Ay unti unting gumuho
Sapagkat ang ikaw at ako ay nagtapos na.Laging tumatakbo sa aking isipan
Mahal mo ba talaga ako?
O mahal mo lamang ako dahil ako yung nandito
Dahil lamang ako yung nasa tabi mo.Ngunit ngayon alam kona
Na ang ikaw at ako ay hindi nakatadhana sa isa't isa
Pinaglapit lamang siguro tayo para sa panandaliang saya
At hindi para sa panghabang buhay na pagsasama.Habang ika'y naglalakad palayo
Hinihiling ko na sana'y maging masaya ka
At huwag kalimutan ang ating pagsasama
Mahal kita.Kailangan na kitang pakawalan
Dahil disisyon mo na ako'y bitawan
Pakiusap, huwag kana lamang lumingon
Upang hindi na ako masaktan lalo sa iyong paglayo.