"MAHAL KITA"
Dalawang salita walong letra
Paulit ulit kong sinasabing mahal kita
Paulit ulit sayong ipinapadama
Ngunit hindi mo pala ito nakikita.Mahal kita
Totoong aking nadarama
Na kahit hindi mo makita at madama
Ay patuloy pa ring ipaglalaban hanggang sa mahagkan ka
Ngunit ako ba'y may halaga?O ang salitang mahal kita
Ay kay labo na saakin ay iyong ialay pa
Habang lumilipas ang oras na magkasama tayong dal'wa
Ay kasabay ng pagkupas ng iyong nadarama.Ako ba ay iyong mahal pa?
O ako na lamang ang nagmamahal sa ating dal'wa
Ako pa rin ba?
O nakahanap kana ng bago habang nasakin kapa.Ang salitang mahal kita
Ay unti unti ng nagbabago
Sapagkat natauhan na ako
Na ang ikaw at tayo
Ay hindi para sa isa't isa.Mahal kita
Huling dalawang salita
Na saakin ay iyong maririnig
Sapagkat tanggap kona.Ang salitang mahal kita
Ay hindi para sa ating isa't isa
Nawa'y maiparamdam mo sakanya ang pagmamahal na kahit kailan ay hindi ko nadama.