4

6 0 0
                                    

Lumipas ang ilang linggo mula nang umattend ako sa kaarawan ng pinsan ni Lexa. Balik na naman ako sa routine ko araw-araw, bahay at trabaho lang. Minsan napapaisip ako hanggang kailan magiging ganito ang buhay ko. Ayaw ko namang magtali ng lalaki sa buhay ko para lamang magkaroon nang excitement. Unfair naman kasi sa kanila na baka makahanap pa sila nang para talaga sa kanila. Pinipilit ko talagang mahalin sila kaso wala talaga. Ang iba nga ayaw talaga makipaghiwalay sakin dahil wala naman daw silang nakikitang mali sa pagsasama namin. Maalaga, maaalalahanin at sobrang understanding ko at yun ang mga gusto nila sa babae. Kaso ang problema nasa sakin talaga. Feeling ko hindi ko talaga kayang magmahal.

Ngayon paalis na ako sa trabaho ng makarinig ako ng tawag sa cellphone ko.

"Hello."

"Hello, bes. Out mo na ba sa work? Kain tayo sa labas"

"Sige, matagal naman na tayong hindi nagkikita"

"Kita na lang tayo sa resto."

"Ok, bye."

Naunang dumating si Lexa sa usual meeting place namin. Isang Italian restaurant sa isang sikat na commercial district. Nakaupo na ito sa isa sa mga mesa sa isang sulok.

"Hi, bes."

Bati ko sabay halik sa mga pisngi nya.

"Order muna tayo, bes, bago tayo magchikahan."

"Sige, bes."

Tinawag nya na ang waiter at umorder na kami ng pagkain at inumin namin.

Mga ilang minuto kami naghintay para sa order namin.

"Kamusta trabaho?"

"Hay naku, ganun pa rin naman."

"Walang bagong empleyado?"

"At bakit naman abir?"

"Hehe, wala lang."

"Wag ako, bes. Kilala kita." Nakataas kilay na tanong ko sa kanya.

"Since wala namang bago sa company nyo, may ipakikilala ako sa'yo. Bagong workmate ko at gwapo."

"Idugtong ba talaga yung gwapo?"

"Yes naman. Tingin ko magkakasundo kayo niyon."

"Pano mo naman nasabi yan?"

"Ah basta bes. Ipakikilala kita sa kanya."

"Di na ako makikipag-argumento sayo dahil alam ko naman na wala ding silbi yun. Gagawin mo pa rin ang mga gusto mo."

"That's right, bes." Nakangising sabi nya pa sakin.

Marami pa kaming pinag usapang ibang mga bagay-bagay. Hanggang magpasya kaming umuwi na dahil masyadong gabi na naman.

---------------------------------------------------------
Nang makauwi ako sa bahay ko naramdaman ko na naman yung di maipaliwanag na lungkot. Lungkot na di mo alam kung ano ang rason kung bakit mo ito nararamdaman.

Sadyang malungkot lang ba ako dahil namumuhay akong mag-isa? Kailangan ko ba ng makakasama?
Ano ba ang kailangan ko para di ko ito maramdaman? Ako lang ba ang nakakaramdaman ng ganito?
Ang daming tanong na wala naman akong maisasagot. Hay naku mababaliw lang ako pagpinalaliman ko pa na pag-isipan to. Ika nga ni Valerie Bertinelli, Happiness is a choice. Kaya dapat piliin kong maging masaya kaysa maging malungkutin.

Makatulog na nga because tomorrow is another day.

My Frozen HeartWhere stories live. Discover now