Bored na naman ako. Ano kaya ang magandang gawin ngayon? Parang baliw na tanong ko sa aking sarili.
Day off ko sa aking trabaho kaya wala na naman akong magawa. Natapos ko na lahat ng dapat kong gawin dito sa bahay ko.Namumuhay akong mag isa rito sa lugar na malapit sa work ko. Ang pamilya ko ay nasa probinsya at dumadalaw lamang ako dun kong makakuha ako ng mas mahaba-habang bakasyon.
Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng aking pantalon.
"Hello?", sagot ko sa kabilang linya.
"Bri, punta tayo mamaya sa birthday ng pinsan ko," excited na bungad ng matalik kong kaibigan na si Lexa.
"Ayaw ko, di naman ako imbitado dun." Mabilis na sagot ko kahit bored na ako dito sa bahay ko.
"Sige na, ako bahala sayo. Close ko naman yung pinsan ko at saka halos kilala mo naman mga kamag-anak ko."
Ang pamilya ni Lexa kasi ay naninirahan dito lamang sa siyudad. Kaya dahil close kami palagi akong imbitado sa mga handaan sa kanila. Kahit anong okasyon nandun ako kung libre lang naman ang schedule ko.
Dati magkasama kami sa trabaho pero nang magresign kami pareho sa dati naming pinagtatrabahuan, na tanggap kami sa ibang kompanya na pinag-applyan namin. Pero hindi dun nagtapos ang pagkakaibigan at mas lalo pa ngang tumibay kahit hindi kami madalas magkita.
Kahit wala akong gagawin buong araw parang may pumipigil saking umoo kay Lexa para pumunta sa party ng pinsan niya, ewan ko ba.
"Bri, please samahan mo na ako para naman kahit papano makapagbonding naman tayo, tagal kaya nating hindi nagkita." Madramang pahayag ni Lexa.
"Opo, sasama na." Napipilitang sang-ayon ko sa kanya.
"Yehey!" Masayang sabi niya.
"Anong oras yung party?", tanong ko sa kanya.
"7 pm magsisimula ang party pero susunduin kita diyan ng 6pm para hindi tayo malate dahil sa traffic. Beach party pala yung pupuntahan natin."
"Ok, sige. Kita na lamang tayo mamaya."
"Bye, Bri. See you later. Mwah!!" masayang paalam nya sakin.
YOU ARE READING
My Frozen Heart
RomansaSi Brianna ay isang babaeng independent at naniniwala na hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya. Nakailang relasyon na siya pero halos lahat sila ay hindi lang man tumagal nang isang taon. Palagi siyang may nakikitang mali sa mga naging boyfr...