Nang magsapit ang alas kwatro ng hapon, naghanda na ako para sa party ng pinsan ni Lexa. Nagdress na lamang ako ng navy blue na may simpleng tabas para hindi masyadong agaw pansin. Hindi na ako nagmake up at naglagay na lamang ng lipstick at face powder.
Since susunduin naman ako ng kaibigan ko, naghintay na lamang ako sa kanya. Sumapit ang 5:30 at narinig ko na ang ugong ng kanyang sasakyan. Mabuti at nakahanda na ako nang maaga kaya hindi na maghihintay ng matagal ang kaibigan ko. Mabilis kong kinuha ang aking bag at pinatay ang mga ilaw upang tuluyan nang lumabas ng bahay.
Nakita kong pababa ng sasakyan si Lexa at sumenyas ako sa kanya na huwag na siyang lumapit nang bumaling ang tingin nya sakin. Huminto naman siya agad nang magets ang sinenyas ko sa kanya.
Nang makalapit sa kanya agad akong yumakap sa kanya at humalik sa kanyang pisngi. Nakagawian na naming to na batian.
"I miss you girl!", masayang bati niya sakin.
"Lexa, I miss you too!"
"Tara na, mamaya na tayo magkamustahan girl. Ayaw kong malate sa party no."
Pumasok na sila sa kotse ni Lexa at umalis na papuntang party.
Dumating sila sa venue ng mga 6:30 at sinalubong agad sila ng sobrang daming mga tao. Yung ibang babae ay nakaswimsuit na at yung ibang lalaki naman ay nakaboard shorts lang.
Hinila agad siya ni Lexa papunta sa kung saan.
"San tayo pupunta?"
"Sa pinsan kong may birthday ngayon", sagot agad namn nito.
May nakita akong nagkukumpulang mga tao na sa palagay ko dun kami patungo. Curious din ako bat di ko pa nakikilala itong pinsan ni Lexa.
"Excuse us please." Magalang na paalam ni Lexa para makaraan kami sa mga ibang bisita.
"Insan!" Tili ni Lexa nang malapit na kami sa grupo.
"Lex! Buti nandito ka na." Narinig kong sabi ng isang lalaki na di ko makita ang itsura dahil sa nahaharangan pa ako ng ilang lalaking bisita niya.
"Bri, halika dito. Ito pala ang pinsan ko ang may birthday ngayon, si Adrian," tawag agad ni Lexa para ipakilala ako.
Nang mag angat ako ng tingin sumalubong agad sakin ang isang pamilyar na mukha.
YOU ARE READING
My Frozen Heart
RomanceSi Brianna ay isang babaeng independent at naniniwala na hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya. Nakailang relasyon na siya pero halos lahat sila ay hindi lang man tumagal nang isang taon. Palagi siyang may nakikitang mali sa mga naging boyfr...