5

6 0 0
                                    

Hay naku nagiging emotional na naman ako kagabi. Nakatulugan ko na ang pag iisip ng kung ano-ano. Sana kasama ko ang pamilya ko ngayon. Na kahit di ako magsabi ng mga iniisip ko basta kasama ko sila, gumaganda ang pakiramdam ko. Malayo kasi ang pamilya ko, nandun sila sa probinsya at matagal na akong di nakakauwi sa kanila. Nagkakausap naman kami sa messenger o kaya tumatawag sila sakin. Minsan ako rin yung tumatawag sa kanila.

May trabaho ako ngayon pero kahit late na akong nakatulog, ang aga ko pa rin nagising. Maraming trabaho ngayon dahil katapusan na naman. Maraming ipapasang reports.

Naligo na ako at naghanda para pumasok sa trabaho. Nagluto ako ng aking almusal at uminom ng kape. Biglang naalala ko yung sinabi ni Lexa kagabi. Wala namang masama makipagkilala dun sa katrabaho niya. Malay natin yun yung nakalaan para sakin.

Bumuntong hininga ako dahil sa mga iniisip ko. Parang lumalabas na hindi ako mabubuhay na ako lang mag isa.

Pumasok na ako sa trabaho at binuhos ang oras ko sa mga nakatambak kong gawain. Hindi ko namalayan na malapit na palang mag uwian. Ang mga katrabaho ko ay nagsisimula ng magligpit dahil halos uwian na naman. Meron ding iba na tila walang pakialam sa oras dahil sa dami ng tatapusin nila. Alam ko ang pakiramdam na pilit mong tatapusin ang mga trabaho pero hindi sapat yung oras mo. Akala mo ang dami mo nang natapos, yun pala wala ka pa sa kalahati. Mabuti naman sa department namin hindi kami masyadong gahol sa trabaho ngayon kahit katapusan. Updated sa pagpapasa ang mga kasama ko kaya nagagawa ko rin ang mga dapat kung gawin bilang assistant department head. Ang ganda magtrabaho basta lahat sumusunod sa mga deadlines at lahat nagtutulungan. Pag may isa kasing madedelayed magpasa, di ko rin magagawa ang mga kailangan kong gawin bago ipasa iyon sa aming head. Sobrang OC pa naman yun sa mga deadlines kasi siya rin ang masasabon ng mga nasa taas.

Naghihintay na ako ng taxi dahil coding ang sasakyan ko ng magring ang phone ko. Si Lexa ang tumatawag kaya sinagot ko na agad.

"Hello, bes. Binigay ko na pala yung number mo sa officemate ko. Baka may magtext sayo at di mo ientertain kaya tumawag na ako."

"Di talaga nakalimutan bes ah." Biro ko kay Lexa

"Siyempre bes mga ganyang bagay, di ko yan nakakalimutan."

"May sasabihin ka pa bang iba bes? Kasi maghahanap na ako ng taxi para makauwi."

"Wala na, ingat sa pag uwi bes. See you next time."

Nang makauwi na ako sa bahay, nagpahinga lang ako sandali at nagbihis na upang makapagluto ako ng aking hapunan.

Kahit ako lang mag isa mahilig ako magluto dahil hindi ako mahilig kumain sa labas. Nagluluto ako ng mga paborito kong pagkain o yung kinecrave kong kainin. May ref naman kung hindi ko mauubos. Stress reliever ko ang pagluluto. Nag eenjoy din akong mag experiment ng mga ingredients sa pagkain.

Pagkatapos kong magluto at kumain binuksan ko yung tv at nanood muna ako ng isang episode ng series. Pinatay ko na ang tv pagkatapos ng episode at pumunta na sa kwarto ko para matulog. Chineck ko muna ang phone ko nang nasa kama na ako at may nakita akong message na walang nakaregister na pangalan.

"Hi! Good evening. Ako nga pala si Ruxin, yung kaofficemate ni Lexa. Hope you don't mind if she gave me your number. I wish to formally meet you soon."

"Hello! Good evening too. It's ok. She already told me about you. Sana hindi ka napipilitan lang dahil kay Lexa."

"Of course not. If I don't want, I can easily say no to her. It's already late, I don't want to impose and I know your tired. Have a good night."

"Good night, too!"




My Frozen HeartWhere stories live. Discover now