Hindi talaga ako nagkakamali ang pinsan ng kaibigan ko ay isa sa mga naging boyfriend ko na hindi kami nagtagal. Hindi ko na matandaan kung bakit ayaw ko na sa kanya at matagal na nung huli kaming magkita. Pagtinapos ko na ang isang relasyon, iniiwasan ko talaga na magkrus pa ang landas namin ng mga ex-boyfriends ko. Ayaw ko nang kinukulit at makipagbalikan ulit. Alam ko kasi sa sarili ko na pag-ayaw ko na sayo mahirap na ibalik ang pagkagusto ko sa isang tao.
Hindi ko namalayan na nakalapit na kami pala ni Lexa sa grupo ng kanyang pinsan.
"Hello, good evening! Ito pala ang bestfriend ko si Brianna. Bri, ang pinsan ko pala si Adrian at ang mga kaibigan niya sina Joy, Alex at Drew," pakilala ni Lexa.
"Hi, good evening. I'm Brianna."
"Good to see you again, Bri." Parang di makapaniwalang sabi ni Adrian habang walang tigil ang titig sakin.
"O, magkakilala kayo?" Gulat na sabi ni Lexa.
"Yeah, Lex." sagot ni Adrian.
"Pano kayo naging magkakilala?" kulit ni Lexa sakin.
"Ex-boyfriend ko siya", bulong ko sa kanya kasi nakakaagaw na kami ng atensiyon.
"Oh! That explains it", malakas na sabi niya.
"Guys, couz punta muna kami ni Brianna sa iba nating mga pinsan."
Nang tumango sila ay umalis na kami agad sa kanilang grupo.
"Dami mong ikukwento saking babae ka," gigil na sabi ni Lexa sakin.
"Ano naman ang ikukwento ko sa'yo aber?", nakataas kilay kong tanong sa kanya.
"Ah basta marami. Pero sa ngayon ienjoy muna natin ang party ng ex mo." Tumatawang sabi niya sakin.
Sumang-ayon na lamang ako sa kanya at nakihalubilo na sa mga ibang pinsan at bisita.
Nang kumakain na kami ni Lexa, nakaramdam ako na parang may tumitingin sakin. Lumingon ako at nagsalubong ang mga mata namin ni Adrian. Kumunot ang noo ko at nag iwas ng tingin. Pinagpatuloy ko ang pagkain at pilit binalewala ang nakakailang na pakiramdam.
"Bri, bakit parang di pa nakakamove on ang pinsan ko sayo?", biglang tanong ni Lexa.
"Bakit mo naman yan natanong?"
"Kasi kanina pa nakatitig sayo at di hinihiwalay yung tingin niya sayo."
"Ewan ko sa kanya, ok naman kami nung naghiwalay kami. At di ba siya ba yung sinasabi mong pinsan na malapit na ikasal?"
"Oo, sya yun, si Adrian. Wala lang dito yung fiance kasi nagkasakit yung lola niya kaya lumuwas pa-Australia."
"Kaya Lexa, wag na mag issue please. Nakakahiya dun sa tao."
"Opo", sagot niyang pabiro sakin.
Hanggang sa magpaalam na kaming umuwi ni Lexa, hindi pa rin niya ako nilulubayan nang mapanudyong tingin. Nagbalewala na lamang ako kasi ayaw ko nang may makarinig pa sa mga sasabihin niya. Matagal na yung nakaraan namin ni Adrian at ikakasal na yung tao. Marami na ang nangyari sa mga nakalipas na taon. Mabuti naman at may magandang nahantungan ang paghihiwalay namin. Hindi ako nagsisisi na pinalaya ko siya kahit ayaw niya.
YOU ARE READING
My Frozen Heart
RomanceSi Brianna ay isang babaeng independent at naniniwala na hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay niya. Nakailang relasyon na siya pero halos lahat sila ay hindi lang man tumagal nang isang taon. Palagi siyang may nakikitang mali sa mga naging boyfr...