Lunes na ngayon at puwede na akong pumasok. Ramdam ko din na okay na ang paa ko. Naitatalon ko na ito ng hindi nakakaramdam ng sakit kaya heto ako ngayon at naghahanda na para pumasok. Dinala ko na din ang P. E uniform ko at nagdala din ng extra jogging pant and T-shirt dahil may praktis daw kami mamaya sa volleyball. Have I already told you that I am a varsity player of Xi-Phil Girl's Volleyball Team? Yupz, tama... Sa paggiging player din ako nakakakuha ng allowance kase bilang varsity player ay nabibigyan kami ng karagdagang allowance.
Kadalasa'y nakikipaglaro kami sa ibang schools at may dumadayo din dito sa school para kalabanin kami.
Ngayong week nga ay may nagrequest na dito sa Xi-Phil Academy gaganapin ang Annual Academy Sport Festival kaya ang Xi-Phil ang maghohost. Ang event ay gaganapin ngayong ikatlong linggo ng Oktubre at ngayon ay unang linggo na.
Speaking of month, mag-iisang buwan na pala ang pekeng relasyon namin ni my labs ngayong ikadalawang linggo ng Oktubre. Mahigit dalawang linggo na pala pero walang nangyari kundi sungitan sa unang linggo at nasayang din ang ikalawang linggo.
Kagabi nga pala ay sinend sa akin ni my labs ang inedit niyang contract. Oo contract lang kase hindi na daw kailangan ang rules, ang rule lang huwag ipaalam sa kahit sino ang tungkol sa kontrata.
𝐀𝐲𝐞𝐬𝐡𝐚 𝐚𝐧𝐝 𝐉𝐚𝐯𝐞'𝐬 Fake Relationship 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐫𝐚𝐜𝐭 𝐀𝐠𝐫𝐞𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝑾𝒊𝒕𝒉 𝒓𝒆𝒈𝒂𝒓𝒅𝒔 𝒕𝒐 𝒐𝒖𝒓 𝒅𝒆𝒂𝒍, 𝒘𝒆, 𝑨𝒚𝒆𝒔𝒉𝒂 𝑮𝒊𝒏𝒊 𝒂𝒏𝒅 𝑱𝒂𝒗𝒆 𝑫𝒆 𝑽𝒂𝒍𝒍𝒆 𝒂𝒈𝒓𝒆𝒆 𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒊𝒏 𝒂 𝒇𝒂𝒌𝒆 𝒓𝒆𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔𝒉𝒊𝒑 𝒇𝒐𝒓 5 𝒎𝒐𝒏𝒕𝒉𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝒂𝒈𝒓𝒆𝒆 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒘𝒆 𝒘𝒊𝒍𝒍 𝒌𝒆𝒆𝒑 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒂𝒈𝒓𝒆𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒂 𝒔𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕 𝒕𝒐 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆 𝒆𝒗𝒆𝒏 𝒂𝒇𝒕𝒆𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝒅𝒖𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒂𝒔 𝒘𝒆 𝒔𝒉𝒂𝒍𝒍 𝒂𝒄𝒕 𝒂𝒔 𝒂 𝒓𝒆𝒂𝒍 𝒄𝒐𝒖𝒑𝒍𝒆. The 𝒆𝒒𝒖𝒊𝒗𝒂𝒍𝒆𝒏𝒕 𝒊𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒓𝒖𝒍𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒂𝒈𝒓𝒆𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒃𝒆𝒊𝒏𝒈 𝒂 𝒔𝒆𝒄𝒓𝒆𝒕 𝒊𝒔 𝒗𝒊𝒐𝒍𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒊𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝑨𝒚𝒆𝒔𝒉𝒂, 𝒊𝒇 𝒔𝒉𝒆 𝒗𝒊𝒐𝒍𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒊𝒕 𝒘𝒐𝒖𝒍𝒅 equate to 2 𝒎𝒐𝒏𝒕𝒉𝒔 𝒐𝒇 𝒅𝒆𝒅𝒖𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒌𝒆 𝒓𝒆𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔𝒉𝒊𝒑 𝒅𝒖𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏. 𝑨𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝑱𝒂𝒗𝒆, 𝒊𝒕 𝒊𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆, 𝒊𝒕 𝒘𝒐𝒖𝒍𝒅 𝒃𝒆 2 𝒎𝒐𝒏𝒕𝒉𝒔 𝒂𝒅𝒅𝒊𝒕𝒊𝒐𝒏. However, we agree that the contract will become null and ineffective if Ayesha decided to invalidate it.
𝑺𝒊𝒈𝒏𝒆𝒅 𝒃𝒚:
𝙰𝚢𝚎𝚜𝚑𝚊 𝙶𝚒𝚗𝚒
𝑺𝒊𝒈𝒏𝒆𝒅 𝒃𝒚:
𝙹𝚊𝚟𝚎 𝙳𝚎 𝚅𝚊𝚕𝚕𝚎
Wala naman akong reklamo sa edited version dahil nasa akin parin ang desisyon puwede kong isawalang-bisa ang kasunduan kung kailan ko nanaisin, kung wala na talagang pag-asang maging kami talaga, yun bang tunay at hindi pagpapanggap lang.
Anyways enough with that.
Naglalakad ako ngayon papunta sa locker ko at hindi nakaligtas sa aking pandinig at paningin ang pamimintas at masasamang tingin ng mga kababaihan. Hindi na ako nagulat, inaasahan ko na kasi 'to.
BINABASA MO ANG
My WATTPADDICT Boyfriend [COMPLETED]
Teen FictionPaano kung nalaman mo na ang pinagkakaguluhan at pinakagwapo sa school niyo ngunit pinaglihi naman kay Go Jun Pyo dahil sa taglay nitong kasungitan ay isang adik na adik sa Wattpad at pinangako niya na gagawin niya ang lahat ng sasabihin mo para ita...