Chapter 20

91 21 22
                                    

"Rest muna." Nagsiupuan naman ang teammates ko sa bench dito sa gym. Pumunta na din ako sa pinaglagyan ko ng aking bag at uminom.

"What's bothering you, Ayesha? Ngayon ka lang nagserve na hindi pumasok, hindi lang minsan, ikailang serve mo na yun na hindi pumasok." sabi ni Mrs. Dassiero, ang coach namin nang makalapit siya sa akin. Oo nga halos sa dalawang oras na praktis namin ay walang ni isa man lang na pumasok sa sinerve ko.

" Sorry, Ma'am. "

" It's okay but work on it. Hindi pwedeng ganyan na. Ikaw pa naman ang captain."

"Yes po, ma'am. Hindi na po mauulit yun." distracted kasi ako kanina kakaisip sa inaakto ni my labs.

"It must be so tough to be girlfriend of Mr. De Valle. I understand."

"Eh?" ngiti lang ang sinagot ni ma'am sa akin at muling pumito sinyales na resume ang praktis.

Marahil nasabi yun ni ma'am dahil kilala si my labs bilang masungit at suplado. Hayaan na lamang, stressful naman talaga, stressful ang kasungitan niya.

Nang ako ulit ang magserve ay tinodo ko. Dinrible ko ang bola saka itinaas ito at pinalo ng malakas gamit ang aking kamay. Dahil nga tinodo ko ay nag-outside ito at saktong tinamaan ang likod ng naglalakad papunta sa bench. Unluckily, si Sofie iyon. Tinitigan lamang niya ako ng masama. Himalang hindi siya ng artista. Buti nga lang talaga at hindi ang ulo ng ang natamaan dahil kapag nagkataon ay sigurado akong mag-eexaggerate naman siya.

Pagkatapos ng praktis ay dumeretso na kami sa kanya-kanya naming locker para kunin ang mga extra naming damit at nagsipuntahan sa banyo para magpalit. So far kanina sa praktis namin ay nagawa ko namang alisin muna sa isipan ko si my labs.

Nang matapos akong magpalit ay lalabas na sana ako para maghilamos nang may marinig ako.

"Naiinis talaga ako kay Ayesha. Bakit nga na siya ang naging captain, eh halata namang mas magaling ako sa kanya." boses palang ay kilala ko na siya. Siya si Rose, ang feelingerang palaka. Hindi ko naman siya hate pero galit na galit siya sa akin sa hindi malamang dahilan kaya nakikisabay na lamang ako haha.

" Oo nga, kanina'y karamihan sa serve niya ay hindi pumasok captain pa naman siya. Tapos tinamaan pa niya si Sofie at hindi man lamang siya nagsorry" sagot naman ng kasama niyang ka teammate ko din. Nagsorry kaya ako kay Sofie kani kanina lang pero inirapan lamang niya ako.

"Tapos boyfriend pa niya si Jave. Ginayuma kaya niya?" sabi naman ng isa pang kasama nila. Teka, anu daw? bakit napunta bigla kay Jave at sa gayuma?

"Anong konek?" lahat sila ay napatigil sa pagmamake-up at napatingin sa akin. Hindi siguro nila ineexpect. Tsk.

"Hindi niyo ineexpect? Ilang koreanovela na ba ang napanood niyo? Dapat alam niyo na kapag pinagsasalitaan niyo ng masama ang isang tao sa rest room ay kadalasang ang taong yun ay nasa kinaroroonan niyo din at naririnig kayo."

"Buti naman at narinig mo para malaman mo na din na maraming may ayaw sayo." sabi ni Rose saka muling humarap sa salamin at naglipstick. Lumapit naman ako sa lababo at habang naghuhugas ng kamay ay sinumbatan ko siya.

"Alam ko na yun matagal na. At saka, kasalanan bang maging magaling? Bakit kapag mahusay ay may nagsasabing 'mas magaling naman ako bla bla bla'... Just accept the fact, Rose. Don't focus on me, focus on yourself. Try to improve. Only then you can be good enough." matapos kong maghuhas ng kamay ay umalis na ako habang pinoponytail ang buhok ko.

" And by the way" muli akong humarap sa kanila

"My gayuma nga pa pala akong natitira dun... Baka gusto niyong bilhin." sarkastikong sabi ko saka matamis silang nginitian at muling tinalikuran at naglakad. Totoo ba ang gayuma? Hindi naman eh.

"Hmm.. Hmmm... Dahil sa gaga.. gaga..gayuma..gaga..gayuma..gaga..gayuma.. gagagayuma...." Hayy napapakanta tuloy ako.

Anong gayuma?Haha.. Mas epektibo pa ang sariling gayuma ko.

Pagkarating ko sa locker ko ay nandun pala si Thea.

"Anong ginagawa mo diyan? Dumidilim na oh."

"Hinihintay ka, obviously." 

Kinuha ko na ang dapat kong kuni sa aking locker at tiningnan siya.

"Ah ganun ba? Hindi kasi obvious eh. Tara na."

"Ilang oras kaya kitang hinintay. Ano bang ginawa mo doon? Naglaba?"

"Hindi lininisan ko ang buong comfort room."

"Hay naku.. Wala ka talagang kwentang kausap."

"At ikaw meron. Ganun?"

"Mejo" saka siya tumawa.

Marami pang estudyanteng hindi umuuwi. Nakita ko si Clyffer na nakasandal sa kotse niya sa harap ng gate.

"Nga pala Thea. May pinsan ka dito?"

"Ah oo. Nagtransfer siya dito last week. Kilala mo na ata siya eh. Siya yung umalalay sayo sa library."

"Ahhh..." pinsan nga niya si Clyffer.

"Thea... Ampon ka ba?"

"Aray naman." sipain ba naman ako

"Hindi ako ampon noh. Foreigner lang ang tatay ni Clyffer at sa kanya siya nagmana kaya hindi kami magkamukha."

"Ahh.."

"Ang nanay niya ang kapati ng tatay ko kaya ang full name niya is Clyffer Eljon Gamara Desfierqui."

"Ah..."

"Pero hindi porke't hindi kami magkamukha eh hindi na ako maganda."

"Ahhh..."

"Beauty lies within and beauty is simplicity nga.. Diba?"

"Ahh..."

"Hay naku parang wala din akong kausap dito.... Oh, hi, cuz." nasa gate na kasi kami

"Hi, ladies. Want a ride?"

"Hindi na cuz, malayo ang tinutuluyan mo at saka malapit kang naman kami."

"Gusto ko ding bisitahin sina tito, hindi ko pa sila nakikita samantalang mahigit isang linggo ko na dito sa Pinas."

Wala na kaming nagawa kundi sumakay na lamang.

"By the way, Ayesha. Your boyfriend seems so harsh. Is he not hurting you?"

Sasagot na sana ako nang inunahan ako ni Thea.

"Nameet mo na si Jave? Hurting? Physically no, but emotionally, yes."

"Don't mind that. No, he's not hurting me in any way." Totoo naman eh, ako ang nananakit sa aking sarili kasi pinagpipilit ko pa ang aking sarili.

"Just know that if he hurt you let me know so that we can get back at him and if he hurt you, You can lean on me." seryosong saad ni Clyffer habang nagdridrive

"cheesyy..." komento ni Thea.

"of course, Thea. We are friends na kasi. Selos ka? Hindi mo kasi magawa yun sa akin."

"... not... way.... Hayst... Hayaan na lang." pabulong na sabi ni Clyffer kaya hindi klaro.

My WATTPADDICT Boyfriend [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon