"Kailangan niya lang magpahinga ngayong gabi. And I suggest na bukas niyo na lang siya ipunta sa ospital for check up and some tests to do." Wika ng doktor pagkatapos ng ilang minutong pagsusuri kay Alyssandra.
Nanatiling nakatingin si Gabriel sa asawa niyang mapayapang natutulog sa kama. Nandito siya sa tabi ng asawa, nakaupo at punong-puno ng pag-aalala ang mukha at maski ang galaw niya. Kahit pa man sinabi ng doktor na natutulog lamang ang kanyang asawa ngayon, hindi pa rin siya mapalagay. At ngayon, hindi niya hahayaan na mawala sa paningin niya si Alyssandra. May kung anong takot siyang nararamdaman, hindi niya maipaliwanag.
Kung alam lang niya na mangyayari ito ay sana pinalipas na lamang niya ang kung anong hinala o selos na naramdaman niya kanina. Na siyang pinagmulan kung bakit nagkasagutan sila ni Alyssandra, at kung bakit ito nahimatay. Hindi ba't ayun naman? At ngayon, sinisisi niya ang kanyang sarili.
Dalawang oras matapos ang pangyayari, malalim na nga ang gabi subalit gising pa rin ang lahat. Ang mga bisita'y nakauwi na, at mga kapamilya na lamang ang naiwan dito sa bahay ni Gabriel. Narito, hindi lamang ang doktor ang kasama ngayon ni Gabriel sa kanilang silid na mag-asawa, kundi pati ang tatay niya, mga magulang ni Alyssandra, at ilang pinsan ng asawa. Lahat sila ay nakatingin kay Alyssandra at ang doktor lamang ang nagsasalita sa paisa-isang tanong ng mga naririto. Hanggang sa sunod na magtanong ay si Gabriel.
"Is there a possibility na buntis siya? Kaya siya nahilo?" Tanong niya at narinig niya ang bahagyang pagtawa nang may panlalait ng isang pinsan ng kanyang asawa, ngunit hindi niya pinansin.
"Well, hindi ko masasagot iyan. Nag-try ba kayong gumawa ng baby? Nag-e-expect ba kayo?"
Hindi nakasagot si Gabriel. Hindi niya masabi. Oo, may ilang beses nang nangyari sa kanila ni Alyssandra nang walang proteksyon. Para sa kanya ay malakas ang posibilidad na baka magkaanak muli silang mag-asawa.
"Dahil kung oo, para sigurado at hindi kayo ma-false hope ay bring your wife to the hospital to have a proper check up." Sagot ng doktor sa kanya.
Ilang saglit ay nagpaalam na ang doktor para umalis na. Hanggang sa narinig niya ring nagpaalam na ang iba pang kasama niya hanggang sa mapag-alaman niyang ang tatay na lamang ng asawa niya ang kasama niya rito sa silid. Nananatili pa rin ang mga mata ni Gabriel kay Alyssandra na mapayapang natutulog, hanggang sa ilang sandali ay nagsalita siyang muli. Para humingi ng tawad sa ama ng kanyang asawa.
"I'm sorry, Papa.." Katagang lumabas mula sa bibig ni Gabriel.
"What for?"
Natagalan si Gabriel sa kanyang pagsagot, napaisip. Bakit nga ba siya humihingi ng tawad? Dahil para sa kanya ay hindi sapat ang rason na sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit nangyari ito sa asawa niya. Parang kulang, parang may iba pang dapat siyang sabihin dahilan para humingi nga siya ng tawad.
"I.. I.." Hindi niya na natuloy. "I'm sorry, Papa, kung nagkasagutan kaming dalawa. Hindi ko nakontrol ang sarili ko. Parang.. Parang biglang nawala sa utak ko na may amnesia siya. Pero kahit na, dapat hindi ko pa rin ginawa. I'm sorry."
Natahimik ang ama, ano pa nga ba ang sasabihin nito? Sinisisi siya dahil sa huling nangyari kaya rin nangyari ito kay Alyssandra. Lalo na't ang ugat ng gulo ay ang pagseselos ni Gabriel kay Joaquin.
Hindi rin alam ni Gabriel ang pumasok sa kanyang isipan kung bakit ay sinuntok niya si Joaquin dala ng galit at selos niya. Hindi niya rin lubusang maisip kung sakaling naging kalmado na lamang siya sa pag-amin ni Joaquin na gusto nito ang kanyang asawa. Dahil kahit sino sigurong asawa ay talagang puputok sa galit kung sakaling marinig iyon mula sa isang lalaki, nang harap-harapan.
BINABASA MO ANG
Lost Memories
Short StoryGabriel and Alyssandra are living a life filled with happiness and contentment. They got married at a young age and started fulfilling the dream they have always been dreaming together-a family with a strong foundation. But as their family grows, Ga...