05

517 26 1
                                    

"Ano naman ang naisipan mo at ipinasyal mo ako?" Tanong niya kahit alam naman niya ang rason.

Isa lang naman ang naiisip niya, bumabawi ito sa kanya dahil sa nagawa nitong paglihim sa kanya sa bagay na kanyang pagmamay-ari. Pero sa totoo lang, hindi naman talaga dahilan upang ikagalit niya. Titla ba ang bilis kumipas ng galit niya, ng tampo niya, hindi niya malaman.

Pero para sa kanya, ano ba ang mangyayari kung magagalit siya? Ang dahilan sa kanya ni Joaquin na natatakot ito na baka may maalala na siya at iwan niya na ito at ang pamilya nito, wala namang nangyari. Walang nangyari dahil kahit nasa kanya na ulit ang singsing at halos buong araw niya nang isipin kung paano napa-sa kanya ang bagay na ito, o kung saan man niya binili. O kung sino man ang nagbigay sa kanya.

Maganda ang singsing, may kamahalan base pa lamang sa hitsura nito.

"Matagal na kitang gustong ipasyal."

Mula sa ganda ng isla na kinaroroonan nila, napatingin siya sa binata. Nakangiti ito sa kanya at ang mga mata nito'y punong-puno ng saya na hindi niya maipaliwanag. Hanggang sa maalala niya, may isa pang inamin ang binata sa kanya. Na mahal na siya nito..

Umiwas siya ng tingin, muling itinuon ang atensyon sa bawat sulok ng isla na kanilang nadadaanan.

Hanggang ngayon ay nakasakay pa rin sila sa bangkang siyang inaya siya ng binata upang sakyan. Pumasyal nga sila, siya, ang binata, at kasama ang isang manong na kilala ni Joaquin. Ngayon, nilalakbay ang bawat sulok ng isla na pwedeng lakbayin. At sa buong minuto ng kanilang paglalakbay ay wala siyang magawang iba kundi ang ngumiti.

Akala niya, makukuntento na siya sa pagdampi ng kanyang mga paa sa dalampasigan, mas iba palang pakiramdam ang dulot nito sa kanya ngayon. Mula sa hampas ng hangin dahil sa kanilang paglalakbay, sa pag-aninag ng araw sa kanya hanggang sa lumubog ito. Sobrang sarap sa pakiramdam.

Pumikit siya, at pinakiramdaman ang pagkakataon na ito. Nakangiti pa siya, subalit unti-unting nawala nang may maalala siya, na hindi nila alam kung saan galing.

"Bakit dito pa sa yacht ang honeymoon natin? Pwede naman.. Pwede naman na roon na lang sa resort eh."

Kahit naiilang siyang sabihin ay sinabi pa rin niya sa kanyang kasama. Narinig niya itong tumawa, at kahit hindi pa man siya humaharap para tignan ito ay nahihiya na siya.

"Well, I expect na tatanungin mo muna ako kung paano ko nalaman mag-drive ng yacht, Mahal."

Alam naman niya, malamang ay pinaghandaan nito para sa gabi nilang ito. Nasorpresa nga siya, na ngayong gabi ng kanilang kasal, hindi niya lang akalain na ngayon ay dito mismo nila gagawin ang kanilang pagtatalik sa yateng sinasakyan nila ngayon.

"Nakakahiya.. Kasi malamang ay nakikita nila tayo rito, dito ang center of attraction ng lahat." Sabi pa niya at halos manghina na siya nang maramdaman niya na ang kanyang asawa mula sa kanyang likuran.

"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit dito?" Tanong nito at tumango siya. "Kasi alam ko kung gaano mo kapaborito ang dagat, at gusto ko na maging parte ang dagat sa pagmamahalan na binubuo natin. At ngayong gabi, mawi-witness nila kung gaano kita kamahal."

Napangiti siya at unti-unti nang hinarap ang lakaking kanina lamang ay kaisang-dibdib niya, at ngayon, asawa niya na. Hinaplos nito ang kanyang buhok hanggang sa lapitan siya nito upang masuyong halikan ang kanyang mga labi.

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon