"Good morning."
Sa pagdilat pa lang ni Alyssandra ng kanyang mga mata ay ang katagang iyan ang bumungad sa kanyang umaga. Sinundan niya kung saan galing ang boses, nandito, nandito sa kaliwang bahagi ng kamang hinihigaan niya ang kanyang asawa.
Napaupo na siya at binigyan niya ito nang matamis na ngiti ngunit tipid. "Good morning." Bati naman niya.
"Tara, nagdala na ako rito ng breakfast natin.. Let's eat, Mahal."
Kita niya kung paano siya alalayan ni Gabriel, mula sa pagkakaupo hanggang sa paglalgay sa kanyang harap ng kanilang agahan. Pati pa nga sa paghiwa ng karne ngunit pinigilan niya ito.
"Hindi, ako na.. Para makakain ka na rin." Sabi niya at ibinigay naman sa kanya ng asawa niya ang mga kubyertos.
Tahimik lang silang kumakain, pero pasulyap-sulyap si Alyssandra sa kanyang asawang abala lang din sa pagkain, nakayuko. Alam ni Gabriel na tinitignan siya ng kanyang asawa kaya hindi niya ito tinitignan pabalik upang hindi maputol. Dahil gusto niya, kabisaduhin ni Alyssandra ang alinmang sulok sa kanya upang maalala siya.
"Para sa'yo, Mahal."
Napatigil sa pagtutupi si Alyssandra nang makita niya si Gabriel na may inaabot sa kanya, kinuha niya ito.
"New clothes for you to wear. May shirt, may jeans, and may underwears na rin. I bought those for you.. Actually, pinabili ko."
Naging alanganin ang kanyang ngiti dahil iniisip niya, paanong alam ni Gabriel ang kanyang sukat? Naiilang siya kahit hindi naman dapat, pero ramdam pa rin niya.
"Salamat."
"Sige na, fix yourself. Ilang saglit na lang, darating na 'yong sasakyan natin."
Tumango si Alyssandra at nakangiti lang si Gabriel sa kanya. Akmang papasok na sana ng banyo si Alyssandra nang may maalala siya kaya lumingon siyang muli sa asawa.
"Ahm, pwede bang dumaan ulit tayo kina.. Aling Dolores?" Hiling niya sa kanyang asawa. "Gusto ko lang ulit magpasalamat at.. magpaalam."
Hindi agad nakasagot si Gabriel pero sa ilang sandali ay tumango siya.
"Sure."
Lilisanin na sana ng mga mata ni Gabriel ang asawa nang may mapansin siya na nakasuot sa leeg nito.
"Teka lang, Mahal.."
Dumampi ang daliri niya sa leeg ni Alyssandra upang kunin ang tali na nakasuot dito. Hanggang sa makuha niya na ito at makita kung ano ito.
"Nasa iyo pa pala ito." Sabi ni Gabriel at muling similay ang kanyang matamis na ngiti.
Ang singsing ang tinutukoy niya, singsing na nagpapatunay ng pag-iisang dibdib nilang dalawa ni Alyssandra. Hinubad niya ito at kinuha ang singsing, hanggang sa sunod niyang kunin ang kamay ng asawa. Napansin din naman ni Alyssandra na suot din ni Gabriel ang singsing na kapareha ng kanya.
Tila ba nangyari na ang ngayong unti-unting pagsuot ni Gabriel ng singsing sa daliri ng kanyang asawa. At si Alyssandra, nakatingin lang din sa ginagawa niya. Pareho nilang pinakakiramdaman ang pagkakataon na magkadikit ang kanilang balat.
Matapos maisuot ni Gabriel ang singsing ay iniangat niya ang kamay ng asawa upang halikan ito.
Nang makapagpaalam na siya sa huling pagkakataon sa pamilyang tumulong sa kanya, sa ginang na si Dolores, sa batang si Joanna at sa binatang si Joaquin, muli na silang bumalik sa resort upang hintayin ang sasakyan na sasakyan nilang mag-asawa pabalik sa Maynila. Pero hindi na pala kailangan pang hintayin dahil sila na ang hinihintay.
BINABASA MO ANG
Lost Memories
Short StoryGabriel and Alyssandra are living a life filled with happiness and contentment. They got married at a young age and started fulfilling the dream they have always been dreaming together-a family with a strong foundation. But as their family grows, Ga...