10

563 24 0
                                    

"You did great, Gabriel! You are now a civil engineer!" Masayang sabi ng ama kay Gabriel.

"Well, not just that. Kita mo, Gabriel is a topnotcher. He's really good and smart."

"I can't wait na makasama na natin ang batang ito sa kumpanya natin, Mr. Delos Santos, to be part of this company."

"My son is such an amazing man. And I know na kaya niya ang lahat kaya sa kanya ako nagtitiwala. Sino pa ba ang magmamana ng lahat ng ito, 'di ba?"

Nakangiti lamang si Gabriel habang nakikinig sa mga puri na nanggagaling sa kanyang ama at sa iba pang lalaking kasosyo nito sa kumpanya na mayroon ang pamilya niya. Masaya siya, ito ang unang araw na nadagdagan ang kasiyahan niya. Isa na siyang inhinyero, kagabi lamang niya nalaman dahil sa paglabas ng resulta ng pagsusulit.

At sa paggising niya kanina, napakaraming pagbati ang bumungad sa kanyang umaga. Mga kaibigan, mga kakilala, ang ama niya at kung sino pang malapit sa kanya. At syempre, ang kanyang nobya na si Alyssandra na siyang una niyang sinagot sa pagpuri nito sa kanya.

Pero bigla na naman siyang nainip, dahil magkikita sana sila ngayon ngayong umaga. Ngunit naudlot dahil sa pag-utos sa kanya ng kanyang ama na mgtungo rito sa gusali ng kanilang kumpanya. Nagtataka pa siya kung bakit, at dito niya nalaman, upang ipagmalaki siya sa lahat nang naririto sa kumpanya ng kanyang ama dahil sa karangalang kanyang nakuha.

"Pa, gotta go." Pagpaalam niya sa kanyang ama nang matapos na rin ang hangarin nito sa kanya kaya siya pinapunta rito.

"Okay, anak. But tonight we'll have a celebration, ha?"

Alam naman iyon ni Gabriel. Sa katunayan, araw pa lang pagkatapos ng pagsusulit niya ay sinabing magkakaroon ng selebrasyon ang kanyang pagiging pasado sa eksaminasyon kahit wala pa man din resulta. Natawa na lang siya nang maisip iyon, dahil sa pagtitiwala ng marami sa kanya. Pero ano pa nga ba ang nangyari ngayon?

Nakarating siya sa elevator pababa upang gawin na ang susunod na nais niyang gawin, ang kitain ang kanyang nobya na si Alyssandra. Kusang nagpunta ng kanyang kanang kamay sa kanyang bulsa, nang mahawakan ang bagay na narito ay bahagya siyang nakaramdam ng kaba. Napangiti siya, at ang sunod niyang ginawa ay ang pagkuha niya ng kanyang telepono sa kabilang bulsa niya upang tawagan si Alyssandra.

Nakailang tawag siya ngunit walang sagot. Bahagya siyang nainip hanggang sa maging inis. Aminado naman siyang ganito ang nararamdaman niya sa tuwing hindi siya sinasagot kaagad ng kanyang nobya. Sunod niyang tinawagan ay ang ina ng kanyang nobya.

"Hi, Tita."

"Oh, hi, Gabriel! Congrats to you pala, hijo. You passed the board exam. I'm so proud of you." Napangiti siya at saktong bumukas ang elevator upang tuluyan na siyang makalabas sa lugar na kinaroroonan niya.

Ramdam niya ang kasiyahan ng inang kausap niya at pagmamalaki sa kanyang tagumpay, at tanging pagpapasalamat ang kanyang nasasabi. Biglang sumagi sa isipan ni Gabriel na maswerte siya dahil kahit wala na ang kanyang ina ay ramdam pa rin niya ang pagmamahal ng isang ina. Ang ina ni Alyssandra ang nagsisilbing pundasyon upang maramdaman niya iyon, hindi na siya nagtaka kung bakit ay ganoon din ang pagmamahal na mayroon ang kanyang kasintahan. Dahilan kung bakit ay paulit-ulit siyang nahuhulog.

Nakarating siya sa parking lot, natapos na rin ang usapan nila ng ina ni Alyssandra. Ngunit bago pa man siya pumasok sa kanyang sasakyan ay tinawagan niyang muli ang kanyang nobya, sumagot na ito.

Lost MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon