"Hi, Sandro. How was your sleep?"
Kinuha ni Alyssandra ang kanyang bunso mula sa kuna upang kunin. Agad na sumilay ang kanyang ngiti nang mabuhat ang bata. Hinalikan niya ito sa pisngi at isa na namang araw na alam niyang paglaan sa batang ito ang gagawin niya buong magdamag. Hindi bale, masaya naman siya at naaaliw siya sa batang ipinanganak niya nitong nakaraang mga araw lamang. Nagpunta siya sa kama na mayroon dito sa silid na kinaroroonan niya at inumpisahang laruin ang bata.
Kapapanganak pa lamang ni Alyssandra sa batang pang-apat na niyang nailuwal mula sa kanya. Hindi niya akalain na kakayanin niya pang magluwal. Parang nasanay na rin siya, ilang bata na ba ang nailabas niya sa pagkababae niya? Apat na ang anak niya ngayon at hindi niya akalain na makakaapat na siya agad sa edad niyang ito. Naalala naman niya ang kaibigan niyang nagpunta rito kahapon na todo ang puri na parang hindi siya nanganak. Natawa siya sa naisip niya, subalit unti-unti namang lumukot ang labi niya sa lungkot nang maalala niya si Gabriel.
Simula noong isinugod siya sa ospital sa pangananak niya at hanggang sa nanganak siya, hindi niya nakita si Gabriel sa pagmulat ng mga mata niya. Hinanap niya, pero ang sinabi ng ama niya na siyang kasama niya roon sa ospital, pinuntahan siya ni Gabriel sa oras na natutulog siya. At nagpaalam din na babalik sa trabaho dahil sa patong-patong na kailangan gawin sa kumpanya. Nakita na lamang ni Alyssandra si Gabriel sa oras na pwede na siyang umuwi sa bahay. Kung anong saya ang nakita niya sa mukha ni Gabriel nang makita siya at ang bata, ganoon naman ang lungkot sa kanya.
Lalo na noong sunod na gabing nagmakaawa siyang huwag siyang iwan ni Gabriel. Nagmamakaawa siya ng oras at atensyon sa kanyang asawa. Umiyak siya sa harapan ni Gabriel at nagmakaawa. Hindi niya na inisip ang iisipin ni Gabriel sa kanya sa pag-iyak at pagmamakaawa niyang iyon. Basta ang gusto lamang niya, sa umagang gigising siya, hindi ang Gabriel na ilang minuto na lamang niyang makikita dahil aalis na, at hindi ang Gabriel na hindi niya mararamdaman sa pagtulog niya.
Pinagbigyan naman siya ni Gabriel, nangako pa na oo, hindi siya iiwan. Pero kinabukasan, parang nakalimot bigla si Gabriel sa sinabi nito sa kanya. Umalis na naman, hindi niya nadatnan. Naiwan siya rito sa bahay, siya at ang mga bata. At katulad ng palaging nangyayari, bitbit na lamang ni Gabriel ang rason kung bakit kinailangang lumisan sa tuwing uuwi ito sa kanya. At ano pa nga ba ang masasabi niya kundi oo, naiintindihan niya. Kahit hindi naman talaga dahil sa dami ng katanungan sa kanyang isipan.
Dahil kahit ano'ng pilit isipin ni Alyssandra na kailangang niyang intindihin na kailangan si Gabriel ng kanyang trabaho, madalas siyang linlangin ng pakiramdam niya na para bang nagseselos sa trabaho ni Gabriel dahil mas naglalaan ito ng oras kaysa kanya at sa kanilang mga anak. Nagseselos siya, nakakatawa man kung isiping pinagseselosan niya ang trabaho ng kanyang asawa.
Umiyak ang bata kaya tumuon muli ang atensyon niya rito. Nagtaka pa siya kung ano ang gusto ng bata hanggang sa nalaman niyang nagugutom ito. At gaya ng ginagawa niya, pinasuso niya ito sa kanya. At hinintay hanggang sa makaidlip ito. Hindi pa man niya naaayos ang sarili niya ay bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Gabriel, nakasuot na nang uniporme at handa nang pumasok. Lumapit ito sa kanya rito sa kama at niyakap mula sa likod habang nakasuso pa rin ang kanilang bunso.
"Aalis ka na?" Tanong ni Alyssandra sa asawa at ginawaran siya ni Gabriel ng isang halik sa leeg.
"Hmm, later."
BINABASA MO ANG
Lost Memories
Short StoryGabriel and Alyssandra are living a life filled with happiness and contentment. They got married at a young age and started fulfilling the dream they have always been dreaming together-a family with a strong foundation. But as their family grows, Ga...